Remulla, Revilla, Rivera: Iisang pag-aaral sa dinamiks ng kapangyarihan sa probinsya ng Cavite gamit ang teorya ng mga kapital ni Pierre Bourdieu

Kinikilala ang probinsya ng Cavite na pinamumugaran ng mga matatapang. Noon ay kinatatakutan ng mga dayo ang mapagawi sa Cavite sa paniniwalang hindi na siya makakaalis ng buhay. Nagpasalindila ang mito ng katapangan ng mga Caviteno sa iba't ibang panig ng bansa. Subalit ang pagbabansag na ito...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Author: Tario-Arroyo, Jennifer
Format: text
Language:Filipino
Published: Animo Repository 2015
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_doctoral/473
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Language: Filipino
id oai:animorepository.dlsu.edu.ph:etd_doctoral-1472
record_format eprints
spelling oai:animorepository.dlsu.edu.ph:etd_doctoral-14722024-06-20T02:48:24Z Remulla, Revilla, Rivera: Iisang pag-aaral sa dinamiks ng kapangyarihan sa probinsya ng Cavite gamit ang teorya ng mga kapital ni Pierre Bourdieu Tario-Arroyo, Jennifer Kinikilala ang probinsya ng Cavite na pinamumugaran ng mga matatapang. Noon ay kinatatakutan ng mga dayo ang mapagawi sa Cavite sa paniniwalang hindi na siya makakaalis ng buhay. Nagpasalindila ang mito ng katapangan ng mga Caviteno sa iba't ibang panig ng bansa. Subalit ang pagbabansag na ito ay hindi umaayon sa positibong kaasalan at kilos panlipunan. Kinilala ang Cavite sa bansag na La Madre de Los Ladrones o Ina ng mga magnanakaw sapagkat maraming bandido ang nagtatago at nagpupugad dito. Karaniwan na sa mga bandido ang pagtataglay ng anting-anting o agimat na pinaniniwalaang magliligtas sa kanila sa oras ng panganib at pakikipagsagupaan laban sa mga tumutugis sa kanila na alagad ng batas at kapwa kaaway na bandido. At upang magkaroon ng kaayusan sa Cavite kinailangan ang kamay na bakal ng namumuno dito. Sa pag-uugat ng maaring pinagmulan ng katapangan ng mga Cavitenno, ayon kay Medina (2001) ang mga Merdeka o Mardica ay ginamit bilang mersenaryo sa panahon ng Malong Revolts. Taong 1661 at sa dulo ng taong 1845 ang mga Mardicas ay ginamit ng Kastila laban sa mga Muslim. Bilang kapalit ng pagiging Mersenaryo ng mga Mardicas sa mga Kastila hindi sila pinagbabayad ng buwis at hindi rin sila sumasailalim sa sapilitang paggawa. Subalit noong Enero 1818, ang mga pribelehiyo na dating tinatamasa ng mga Merdeka simula pa noong 1771 ay pinawalang bisa o inalis. Ayon pa kay Nigoza (2007) Ang mga Mardicas ay kilala sa pagiging matalino at sa ilalim ng kasunduan, ipinasok ng gobernador heneral ng Espanya ng Pilipinas ang hukbo ng mga Mardicas bunsod ng kahilingan na mapangalagaan ang bansa laban sa paglusob ng mga Moro o mga Muslim na binansagan noong mga pirata. Palaging nakabantay ang mga Mardicas sa posibleng paglusob ng mga Moro. Sa kasalukuyan, malaki na ang itinalon ng kaunlaran ng probinsya ng Cavite kung ikukumpara sa ibang probinsya. Pinarangalan ng DILG noong taong 2010 at 2011 ng Seal of Good Housekeeping para sa mahusay na pamumuno, pagpaplano, pangangasiwa ng piskal, katapatan, pananagutan, at pagtiyak sa tungkulin. Papaano nagkaroon ng pagbabago sa probinsya ng Cavite? Paano nawala ang mga bandido na kinatatakutan noon? Ano ang imahe ng Cavite sa kasalukuyan panahon? Ito ay ilan lamang sa mga katanungang nais matugunan sa pag-aaral na ito. Nilalayon ng pag-aaral na makapag-ambag sa mayamang kaban ng mga pananaliksik kaugnay sa probinsya ng Cavite. Pokus ng pag-aaral na ito ang pagkilala sa Teorya ng kapital ng kapangyarihan ni Pierre Bourdieu na naniniwala kaugnay ng pamumuhunan ng kapangyarihang kapital kultural, panlipunan, ekonomiko at simboliko. Sisipatin ng pag-aaral na ito ang dinamiks ng kapangyarihan na namayani at namamayani pa sa probinsya ng Cavite sa pamamagitan nina Juanito Remulla Sr., Ramon Revilla Sr., at Marian Rivera. Isang abogado at naging lingkurang gobernador sa loob ng labing siyam na taon si Juanito Remulla Sr. isang artista na sumikat sa pamamagitan ng mga pelikulang anting-anting na naging tulay maging senador si Ramon Revilla Sr. at upang makita espasyo ng Cavite sa kasalukuyang panahon ay bibigyan ng masusing analisis ang tinaguriang primera klaseng artista na si Marian Rivera si Rivera ang artistang nagrereyna sa GMA7 mula pa taong 2009. Ilalatag sa papel na ito ang mga kapangyarihag kapital na kanilang taglay. Ano ang pinag-uugatan ng kanilang kapangyarihan? Paano nila ito nagagamit? At sa huli ay bibigyang katugunan kung ano ang kasalukuyang kalagayan ng kapangyarihan nina Remulla, Revilla, at Rivera. 2015-01-01T08:00:00Z text https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_doctoral/473 Dissertations Filipino Animo Repository Power (Social sciences)--Philippines--Cavite Revilla, Ramon, 1927-2000 Rivera, Marian, 1984- Remulla, Juanito, 1933-2014 Other Languages, Societies, and Cultures
institution De La Salle University
building De La Salle University Library
continent Asia
country Philippines
Philippines
content_provider De La Salle University Library
collection DLSU Institutional Repository
language Filipino
topic Power (Social sciences)--Philippines--Cavite
Revilla, Ramon, 1927-2000
Rivera, Marian, 1984-
Remulla, Juanito, 1933-2014
Other Languages, Societies, and Cultures
spellingShingle Power (Social sciences)--Philippines--Cavite
Revilla, Ramon, 1927-2000
Rivera, Marian, 1984-
Remulla, Juanito, 1933-2014
Other Languages, Societies, and Cultures
Tario-Arroyo, Jennifer
Remulla, Revilla, Rivera: Iisang pag-aaral sa dinamiks ng kapangyarihan sa probinsya ng Cavite gamit ang teorya ng mga kapital ni Pierre Bourdieu
description Kinikilala ang probinsya ng Cavite na pinamumugaran ng mga matatapang. Noon ay kinatatakutan ng mga dayo ang mapagawi sa Cavite sa paniniwalang hindi na siya makakaalis ng buhay. Nagpasalindila ang mito ng katapangan ng mga Caviteno sa iba't ibang panig ng bansa. Subalit ang pagbabansag na ito ay hindi umaayon sa positibong kaasalan at kilos panlipunan. Kinilala ang Cavite sa bansag na La Madre de Los Ladrones o Ina ng mga magnanakaw sapagkat maraming bandido ang nagtatago at nagpupugad dito. Karaniwan na sa mga bandido ang pagtataglay ng anting-anting o agimat na pinaniniwalaang magliligtas sa kanila sa oras ng panganib at pakikipagsagupaan laban sa mga tumutugis sa kanila na alagad ng batas at kapwa kaaway na bandido. At upang magkaroon ng kaayusan sa Cavite kinailangan ang kamay na bakal ng namumuno dito. Sa pag-uugat ng maaring pinagmulan ng katapangan ng mga Cavitenno, ayon kay Medina (2001) ang mga Merdeka o Mardica ay ginamit bilang mersenaryo sa panahon ng Malong Revolts. Taong 1661 at sa dulo ng taong 1845 ang mga Mardicas ay ginamit ng Kastila laban sa mga Muslim. Bilang kapalit ng pagiging Mersenaryo ng mga Mardicas sa mga Kastila hindi sila pinagbabayad ng buwis at hindi rin sila sumasailalim sa sapilitang paggawa. Subalit noong Enero 1818, ang mga pribelehiyo na dating tinatamasa ng mga Merdeka simula pa noong 1771 ay pinawalang bisa o inalis. Ayon pa kay Nigoza (2007) Ang mga Mardicas ay kilala sa pagiging matalino at sa ilalim ng kasunduan, ipinasok ng gobernador heneral ng Espanya ng Pilipinas ang hukbo ng mga Mardicas bunsod ng kahilingan na mapangalagaan ang bansa laban sa paglusob ng mga Moro o mga Muslim na binansagan noong mga pirata. Palaging nakabantay ang mga Mardicas sa posibleng paglusob ng mga Moro. Sa kasalukuyan, malaki na ang itinalon ng kaunlaran ng probinsya ng Cavite kung ikukumpara sa ibang probinsya. Pinarangalan ng DILG noong taong 2010 at 2011 ng Seal of Good Housekeeping para sa mahusay na pamumuno, pagpaplano, pangangasiwa ng piskal, katapatan, pananagutan, at pagtiyak sa tungkulin. Papaano nagkaroon ng pagbabago sa probinsya ng Cavite? Paano nawala ang mga bandido na kinatatakutan noon? Ano ang imahe ng Cavite sa kasalukuyan panahon? Ito ay ilan lamang sa mga katanungang nais matugunan sa pag-aaral na ito. Nilalayon ng pag-aaral na makapag-ambag sa mayamang kaban ng mga pananaliksik kaugnay sa probinsya ng Cavite. Pokus ng pag-aaral na ito ang pagkilala sa Teorya ng kapital ng kapangyarihan ni Pierre Bourdieu na naniniwala kaugnay ng pamumuhunan ng kapangyarihang kapital kultural, panlipunan, ekonomiko at simboliko. Sisipatin ng pag-aaral na ito ang dinamiks ng kapangyarihan na namayani at namamayani pa sa probinsya ng Cavite sa pamamagitan nina Juanito Remulla Sr., Ramon Revilla Sr., at Marian Rivera. Isang abogado at naging lingkurang gobernador sa loob ng labing siyam na taon si Juanito Remulla Sr. isang artista na sumikat sa pamamagitan ng mga pelikulang anting-anting na naging tulay maging senador si Ramon Revilla Sr. at upang makita espasyo ng Cavite sa kasalukuyang panahon ay bibigyan ng masusing analisis ang tinaguriang primera klaseng artista na si Marian Rivera si Rivera ang artistang nagrereyna sa GMA7 mula pa taong 2009. Ilalatag sa papel na ito ang mga kapangyarihag kapital na kanilang taglay. Ano ang pinag-uugatan ng kanilang kapangyarihan? Paano nila ito nagagamit? At sa huli ay bibigyang katugunan kung ano ang kasalukuyang kalagayan ng kapangyarihan nina Remulla, Revilla, at Rivera.
format text
author Tario-Arroyo, Jennifer
author_facet Tario-Arroyo, Jennifer
author_sort Tario-Arroyo, Jennifer
title Remulla, Revilla, Rivera: Iisang pag-aaral sa dinamiks ng kapangyarihan sa probinsya ng Cavite gamit ang teorya ng mga kapital ni Pierre Bourdieu
title_short Remulla, Revilla, Rivera: Iisang pag-aaral sa dinamiks ng kapangyarihan sa probinsya ng Cavite gamit ang teorya ng mga kapital ni Pierre Bourdieu
title_full Remulla, Revilla, Rivera: Iisang pag-aaral sa dinamiks ng kapangyarihan sa probinsya ng Cavite gamit ang teorya ng mga kapital ni Pierre Bourdieu
title_fullStr Remulla, Revilla, Rivera: Iisang pag-aaral sa dinamiks ng kapangyarihan sa probinsya ng Cavite gamit ang teorya ng mga kapital ni Pierre Bourdieu
title_full_unstemmed Remulla, Revilla, Rivera: Iisang pag-aaral sa dinamiks ng kapangyarihan sa probinsya ng Cavite gamit ang teorya ng mga kapital ni Pierre Bourdieu
title_sort remulla, revilla, rivera: iisang pag-aaral sa dinamiks ng kapangyarihan sa probinsya ng cavite gamit ang teorya ng mga kapital ni pierre bourdieu
publisher Animo Repository
publishDate 2015
url https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_doctoral/473
_version_ 1802997508093247488