Teo T. Antonio: Tulambuhay

Nilalaman ng disertasyong ito ang topograpiya at landas na tinahak ng pagsulat ng biyograpiya ng isang makatang maituturing na muhon ng kasaysayang pampanitikan sa bansa, si Teo T. Antonio. Bukod sa mismong Tulambuhay, binigyang diin ang dahilan kung bakit dapat pasimulan ang proyektong Popular Biog...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Author: Delos Reyes, Joselito D.
Format: text
Language:Filipino
Published: Animo Repository 2016
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_doctoral/476
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Language: Filipino
Description
Summary:Nilalaman ng disertasyong ito ang topograpiya at landas na tinahak ng pagsulat ng biyograpiya ng isang makatang maituturing na muhon ng kasaysayang pampanitikan sa bansa, si Teo T. Antonio. Bukod sa mismong Tulambuhay, binigyang diin ang dahilan kung bakit dapat pasimulan ang proyektong Popular Biography kung bakit dapat pang sumulat ng biyograpiya sa malawak na pagtanaw sa mundo ng panitikan at pagsulat ang paraan kung paano lalandasin ang biyograpiya bilang babasahing popular at pampanitikan at ang mungkahing proseso sa pagsulat at pakikipagniig sa proyekto ng mananaliksik. Inilalahad ng mananaliksik ang paglalapat ng iniakmang metodolohiya o pamamaraang ipinapanukala nina Edel Leon (1973) sa larang ng Literary Biography—bagamat binigyan ng pag-akma ng mananaliksik upang lumapat sa kontekstong Filipino, at Bienvenido Lumbera (1997) sa konteksto naman ng lokal na pagsulat ng biyograpiyang pampanitikang may tuon sa pag-humanize sa paksa, o mas tiyak: mas malalim na pagkilala sa iba’t ibang pwersang sikolohikal at panlipunan na pinaglulunsaran ng manlilikha. Buhay ng manlilikhang hindi dapat ipagkait sa pamayanang akademiya, sa mga karaniwang mambabasa, at tumatangkilik sa panitikan sa ating bansa sa kabuuan tungo sa malapit na hinaharap.