Ang historyograpiyang nakapaloob sa mga obrang historikal ni Carlos Botong Francisco
Maliban sa pagiging isang mahusay na pintorat Pambansang Alagad ng Sining, nakilala rin si Carlos Botong Francisco sa paggawa ng mga historikal na obra hango sa isang masinsinang pananaliksik sa bawat kabanata ng ating nakaraan. Sa kanyang paglusob sa larangan ng kasaysayan, hindi niya namalayang lu...
Saved in:
Main Author: | |
---|---|
Format: | text |
Language: | Filipino |
Published: |
Animo Repository
2016
|
Subjects: | |
Online Access: | https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_doctoral/484 |
Tags: |
Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
|
Institution: | De La Salle University |
Language: | Filipino |
Summary: | Maliban sa pagiging isang mahusay na pintorat Pambansang Alagad ng Sining, nakilala rin si Carlos Botong Francisco sa paggawa ng mga historikal na obra hango sa isang masinsinang pananaliksik sa bawat kabanata ng ating nakaraan. Sa kanyang paglusob sa larangan ng kasaysayan, hindi niya namalayang lumusob rin siya sa iba't ibang historyograpiyang humugis sa mga diskurso ng mga historyador na kabilang sa kanyang mga naging sanggunian, pati na rin sa historyograpiyang humugis sa kanyang adhikain bilang isang biswal na historyador.
Labinlima ang pangunahing historikal na obra ni Botong. Sa papel na ito, hinati ang mga nasabing obra sa tatlong pangunahing tema o paksa: relihiyoso-historikal, kultural-historikal, at politikal-historikal. Ginawa ang paghahating ito upang siyasatin ang kalibre ng pagiging biswal na historyador ni Botong. Gamit ang teoryang hermenyutika ni Freidrich Schleirmacher binigyan ng interpretasyon ang mga historikal na obra sa tulong ng tatlong pangunahing diskurso sa pagsusulat ng kasaysayan o historyograpiya, ang Hegelyano, Oryentalista, at Postkolonyal. Bukod sa nabanggit, may isang komprehensibong pagtalakay rin sa pisikal na anyo, angkop at hindi angkop na elemento at detalye sa bawat obrang kabilang sa tatlong mahahalagang seksiyon sa pag-aaral. |
---|