Pinakamahaba ang gabi sa panitikan: Mga tula at poetika ng pangangapuhap

Minamapa ng disertasyon ang kamalayan sa pagtula ng isang makata na aktibong nagsulat at naglathala ng mga aklat ng tula sa nakalipas na dalawampung taon. Tinatalunton nito ang mga pagbabago sa poetika ng nalimbag niyang walong koleksiyon sa wikang Filipino na dulot ng nagbabagong kamalayan niya sa...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Author: Popa, Allan C.
Format: text
Language:Filipino
Published: Animo Repository 2017
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_doctoral/499
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Language: Filipino
id oai:animorepository.dlsu.edu.ph:etd_doctoral-1498
record_format eprints
spelling oai:animorepository.dlsu.edu.ph:etd_doctoral-14982021-08-25T02:26:01Z Pinakamahaba ang gabi sa panitikan: Mga tula at poetika ng pangangapuhap Popa, Allan C. Minamapa ng disertasyon ang kamalayan sa pagtula ng isang makata na aktibong nagsulat at naglathala ng mga aklat ng tula sa nakalipas na dalawampung taon. Tinatalunton nito ang mga pagbabago sa poetika ng nalimbag niyang walong koleksiyon sa wikang Filipino na dulot ng nagbabagong kamalayan niya sa ugnayan ng pagbabasa, pagsusulat at pagtuturo ng tula. Sa pamamagitan ng piling mga tula mula sa bawat aklat, pagsasalaysay ng mga autobiograpikal na detalye, pakikipagdiskurso sa ilang susing teksto na nagmarka sa kanyang panulat, at pagdadalumat sa bisa ng tula sa kontemporanyong panahon, nailalahad ang mga puwersang nagtutulak sa kanya upang pagtagpuin ang usapin ng estetika at etika sa pagsulat ng bago niyang kalipunan ng mga tula, ang Pinakamahaba ang Gabi sa Panitikan. Ito ang tinatawag niyang poetika ng pangangapuhap.Bahagi ng edukasyon ng isang makata sa potensya ng kanyang sining ang pagtuklas, hindi lamang ng mga mabisang paraan ng pagpapahayag na kumakatawan o tumutugon sa kalagayan, kamalayan, suliranin at pangangailangan ng kanyang panahon kundi ang pagtatangkang maunawaan din ang panlipunang dimensyon ng kanyang pagtula. Sa pagbabanyuhay ng kanyang panulat, hindi maiiwasang harapin niya ang hamon na palawakin ang ideya niya ng anyo upang sumaklaw din sa mga anyo ng pakikipag-ugnayan ng makata sa kanyang kapwa at komunidad. Humihingi ito ng kaakibat na rebisyon sa proseso niya ng paglikha at paraan ng pagpapalaganap ng mga likha. Pinagsisikapan ng disertasyon na mailarawan ang proseso at bisa ng pakikipagugnayang ito.Upang maisakongkreto ang mga kaisipang nailahad, dumadako ang pagaaral sa pagsusuri ng likha ng mga kontemporanyong makata na pawang nagtatanghal sa pahina bilang pambublikong espasyo kung saan naisasaakto at naipamamalay din ang masalimuot na ugnayan ng sarili at iba, ng tula at mundo. Ang kanilang eksperimentasyon sa pagtula, gawaing kultural at anyo ng pagpapalaganap ng akda tungo sa kanilang komunidad ng mambabasa ay nagagabayan din ng kamalayang ito. 2017-01-01T08:00:00Z text https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_doctoral/499 Dissertations Filipino Animo Repository Poetry--Philippines Philippine poetry Poets, Filipino English Language and Literature
institution De La Salle University
building De La Salle University Library
continent Asia
country Philippines
Philippines
content_provider De La Salle University Library
collection DLSU Institutional Repository
language Filipino
topic Poetry--Philippines
Philippine poetry
Poets, Filipino
English Language and Literature
spellingShingle Poetry--Philippines
Philippine poetry
Poets, Filipino
English Language and Literature
Popa, Allan C.
Pinakamahaba ang gabi sa panitikan: Mga tula at poetika ng pangangapuhap
description Minamapa ng disertasyon ang kamalayan sa pagtula ng isang makata na aktibong nagsulat at naglathala ng mga aklat ng tula sa nakalipas na dalawampung taon. Tinatalunton nito ang mga pagbabago sa poetika ng nalimbag niyang walong koleksiyon sa wikang Filipino na dulot ng nagbabagong kamalayan niya sa ugnayan ng pagbabasa, pagsusulat at pagtuturo ng tula. Sa pamamagitan ng piling mga tula mula sa bawat aklat, pagsasalaysay ng mga autobiograpikal na detalye, pakikipagdiskurso sa ilang susing teksto na nagmarka sa kanyang panulat, at pagdadalumat sa bisa ng tula sa kontemporanyong panahon, nailalahad ang mga puwersang nagtutulak sa kanya upang pagtagpuin ang usapin ng estetika at etika sa pagsulat ng bago niyang kalipunan ng mga tula, ang Pinakamahaba ang Gabi sa Panitikan. Ito ang tinatawag niyang poetika ng pangangapuhap.Bahagi ng edukasyon ng isang makata sa potensya ng kanyang sining ang pagtuklas, hindi lamang ng mga mabisang paraan ng pagpapahayag na kumakatawan o tumutugon sa kalagayan, kamalayan, suliranin at pangangailangan ng kanyang panahon kundi ang pagtatangkang maunawaan din ang panlipunang dimensyon ng kanyang pagtula. Sa pagbabanyuhay ng kanyang panulat, hindi maiiwasang harapin niya ang hamon na palawakin ang ideya niya ng anyo upang sumaklaw din sa mga anyo ng pakikipag-ugnayan ng makata sa kanyang kapwa at komunidad. Humihingi ito ng kaakibat na rebisyon sa proseso niya ng paglikha at paraan ng pagpapalaganap ng mga likha. Pinagsisikapan ng disertasyon na mailarawan ang proseso at bisa ng pakikipagugnayang ito.Upang maisakongkreto ang mga kaisipang nailahad, dumadako ang pagaaral sa pagsusuri ng likha ng mga kontemporanyong makata na pawang nagtatanghal sa pahina bilang pambublikong espasyo kung saan naisasaakto at naipamamalay din ang masalimuot na ugnayan ng sarili at iba, ng tula at mundo. Ang kanilang eksperimentasyon sa pagtula, gawaing kultural at anyo ng pagpapalaganap ng akda tungo sa kanilang komunidad ng mambabasa ay nagagabayan din ng kamalayang ito.
format text
author Popa, Allan C.
author_facet Popa, Allan C.
author_sort Popa, Allan C.
title Pinakamahaba ang gabi sa panitikan: Mga tula at poetika ng pangangapuhap
title_short Pinakamahaba ang gabi sa panitikan: Mga tula at poetika ng pangangapuhap
title_full Pinakamahaba ang gabi sa panitikan: Mga tula at poetika ng pangangapuhap
title_fullStr Pinakamahaba ang gabi sa panitikan: Mga tula at poetika ng pangangapuhap
title_full_unstemmed Pinakamahaba ang gabi sa panitikan: Mga tula at poetika ng pangangapuhap
title_sort pinakamahaba ang gabi sa panitikan: mga tula at poetika ng pangangapuhap
publisher Animo Repository
publishDate 2017
url https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_doctoral/499
_version_ 1816861325032161280