Ang intelektwalisasyon ng pilosopiyang sosyo-politikal ng ilang piling mag-aaral ng senior high school sa bayan ng Malolos, Bulacan, sa liwanag ng pilosopiya ni Confucius

Ang pananaliksi na ito ay isang paghalaw sa pundasyong pilosopikal ng mga pananaw ng ilang piling kabataang mag-aaral ng Marcelo H. del Pilar National High School sa bayan ng Malolos, Bulacan, kaugnay sa tatlong pangunahing isyung panlipunan na kinakaharap ng bansa sa kasalukuyan ang korupsiyon, kah...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Author: Santos, Danielito Castro
Format: text
Language:Filipino
Published: Animo Repository 2018
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_doctoral/569
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Language: Filipino
Description
Summary:Ang pananaliksi na ito ay isang paghalaw sa pundasyong pilosopikal ng mga pananaw ng ilang piling kabataang mag-aaral ng Marcelo H. del Pilar National High School sa bayan ng Malolos, Bulacan, kaugnay sa tatlong pangunahing isyung panlipunan na kinakaharap ng bansa sa kasalukuyan ang korupsiyon, kahirapan, at karapatang pantao. Ginamit ng may-akda ang tatlong pangunahing konsepto ng pilosopiyang sosyo-politikal ni Confucius ang mga konsepto ng Ren, Yi, at Li, upang paglapatan ng mga pananaw ng mga kabataang mag-aaral at gawing artikulado at higit na kauna-unawa ang mga ito. Sa huli ay naipakita sa pananaliksik na ito ang mga sumusunod na konseptong pilosopikal mula sa pananaw ng mga kabataang mag-aaral. Una, mahalaga ang ganap na pakikisangkot sa lipunan ng bawat kasapi nito. Ikalawa, mahalaga ang matuwid na pag-iral ng pamahalaan sa pagpapapanatili ng kaayusan sa lipunan. Ikatlo, ang pagkakaroon ng kaayusang panlipunan ay nakasalalay sa tapat na sistema ng pamahalaan at mulat na pakikisangkot sa mga mamamayan nito. Ikaapat, ang isang mabuting lipunan ay isang moral na lipunan. Ikalima, ang pagbababago ng lipunan ay nagsisismula sa sarili, at ang batayan ng mabuting lipunan ay ang pagkakaroon ng mabuitng sarili. Dahil dito, masasabing bagamat hindi inihahahanay ang mga kabataang mag-aaral na kabilang sa pananaliksik na ito sa mga establisado at kilalalang pilosoper sa kasaysayan, ang kanilang pananaw sa buhay at paraan ng pag-iisip kaugnay sa mga isyung panlipunan sa kasalukuyan ay may pundasyong pilosopikal.