Ang kanta at ang bakla: Isang pag-aaral sa diskurso ng kabaklaan sa kontemporaryong kantang Pilipino
Ang disertasyong ito ay isang pag-aaral na nakatuon sa pagganap at pagbibigay kaganapan sa bakla sa kontemporayong kanta ng Pilipinas. Nais bagtasin ng pag-aaral ang iba't ibang hugis at anyo ng kabaklaan na nag(bi)bigay ng lunan sa samu't saring pahayag ng labingwalong Pinoy pop na awit n...
Saved in:
Main Author: | |
---|---|
Format: | text |
Language: | Filipino |
Published: |
Animo Repository
2017
|
Subjects: | |
Online Access: | https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_doctoral/595 |
Tags: |
Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
|
Institution: | De La Salle University |
Language: | Filipino |
id |
oai:animorepository.dlsu.edu.ph:etd_doctoral-1594 |
---|---|
record_format |
eprints |
spelling |
oai:animorepository.dlsu.edu.ph:etd_doctoral-15942021-09-07T08:21:33Z Ang kanta at ang bakla: Isang pag-aaral sa diskurso ng kabaklaan sa kontemporaryong kantang Pilipino Espiritu, Johann Vladimir Jose Ang disertasyong ito ay isang pag-aaral na nakatuon sa pagganap at pagbibigay kaganapan sa bakla sa kontemporayong kanta ng Pilipinas. Nais bagtasin ng pag-aaral ang iba't ibang hugis at anyo ng kabaklaan na nag(bi)bigay ng lunan sa samu't saring pahayag ng labingwalong Pinoy pop na awit na isinulat at inawit nitong huling tatlumpu't anim na taon, at ang nagi(gi)ng bunga ng mga pahayag na ito sa patuloy na pagbabago ng bakla sa bansang ito hanggang sa kasalukuyan. Sa pamamagitan ng malapitang pagbabasa ng salita, musikalidad, at ng mga biswal na kaagapay ng mga awit na ito (tulad ng music video) ng pagpipinta ng lunang kinala(la)ganapan ng bawat awit at ng pagtutulay sa pagitan ng mga elemento ng lunan at musika sa isang panig, at sa kabila nama'y ng mga kritika ng mga espetadong pangalan sa mundo ng mga teoryang queer, homosexual, gay at mga pag-aaral sa kasarian tulad nina Judith Butler, J. Neil Garcia at iba pa, ang pag-aaral na ito ay may pagsisiwalat ng mga kultural na katangian at partikularidad na siyang kumakatha ng katauhan at katawan ng bakla. Bukod dito ay lumalabas din, sa pamamagitan ng potensyal na popularidad at ng aural at oral na kalikasan ng tinig at ng musika, ang sari-saring paraan ng pag-aaklas at pagpupumiglas ng kasarian bilang isang uri ng pagtatanghal na walang sariling katawan maliban sa imaheng iniatas dito ng heteronormatibong lipunan. Nahahati sa apat na kategorya ang mga awit sa proyektong ito: (1) Lalaki/Bakla, ang mga awit kung saan pinakalutang at laganap ang tagisan, tunggalian, at kalakhang binarismo sa pagitan ng tunay na lalaki at ng bakla (2) Paglaladlad/Paglalantad, o ang mga awit na nagiging pahayagan ng pagkatao ng baklang nagdedeklara ng kanyang tunay ng pagkatao alang-alang sa kanyang kalayaan (3) Pagkakaibigan/Homosociality, o ang mga awit na lulan ang ugnayan sa pagitan ng dalawang biolohikal na lalaki–bakla o homoseksuwal man ang isa o pareho sa kanila at (4) Bakla/Babae, o ang mga awit na naglalahad ng naratibo ng bakla bilang babae, o ng babae bilang bakla. Mula sa mga kategoryang ito ay sa kani-kanilang pagkakahulugang nililikha ng mga napapailaliman nilang awit sa katauhan ng bakla ay sumisiwalat na sa kabila ng pagtataglay ng pasulpot-sulpot na pagbibigay-kalayaan para sa bakla–sa pamamagitan ng minsanang pagkakataon ng pagtataglay ng pulitikang yumayakap at nagbibigay-pugay sa kabaklaan–ay limitado pa rin ang kalakhang diskurso sa mga luma at payak na tanda/tatak ng kabaklaang siyang nagiging hadlang upang matunghayan ng publiko ang marami pang salik ng kanyang pagkatao. Ito ay bunga ng pagkakakulong ng Pinoy pop sa mga padron at hulmahang nakasentro sa komersyalismong gumagamit lamang ng lohika ng gahum ng pagkalalaki, bukod sa kawalan ng pagkakataon para sa bakla na awitin ang sarili niyang awit. Dahil sa malawak na kakulangan ng personal representasyon ay nananatiling nakasadlak ang kabaklaan sa luma niyang hulmahan, may pagsulong mang alay para sa kanya ang ilan sa mga awit. 2017-01-01T08:00:00Z text https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_doctoral/595 Dissertations Filipino Animo Repository Homosexuality and music--Philippines Gay men Gays Gender and Sexuality |
institution |
De La Salle University |
building |
De La Salle University Library |
continent |
Asia |
country |
Philippines Philippines |
content_provider |
De La Salle University Library |
collection |
DLSU Institutional Repository |
language |
Filipino |
topic |
Homosexuality and music--Philippines Gay men Gays Gender and Sexuality |
spellingShingle |
Homosexuality and music--Philippines Gay men Gays Gender and Sexuality Espiritu, Johann Vladimir Jose Ang kanta at ang bakla: Isang pag-aaral sa diskurso ng kabaklaan sa kontemporaryong kantang Pilipino |
description |
Ang disertasyong ito ay isang pag-aaral na nakatuon sa pagganap at pagbibigay kaganapan sa bakla sa kontemporayong kanta ng Pilipinas. Nais bagtasin ng pag-aaral ang iba't ibang hugis at anyo ng kabaklaan na nag(bi)bigay ng lunan sa samu't saring pahayag ng labingwalong Pinoy pop na awit na isinulat at inawit nitong huling tatlumpu't anim na taon, at ang nagi(gi)ng bunga ng mga pahayag na ito sa patuloy na pagbabago ng bakla sa bansang ito hanggang sa kasalukuyan.
Sa pamamagitan ng malapitang pagbabasa ng salita, musikalidad, at ng mga biswal na kaagapay ng mga awit na ito (tulad ng music video) ng pagpipinta ng lunang kinala(la)ganapan ng bawat awit at ng pagtutulay sa pagitan ng mga elemento ng lunan at musika sa isang panig, at sa kabila nama'y ng mga kritika ng mga espetadong pangalan sa mundo ng mga teoryang queer, homosexual, gay at mga pag-aaral sa kasarian tulad nina Judith Butler, J. Neil Garcia at iba pa, ang pag-aaral na ito ay may pagsisiwalat ng mga kultural na katangian at partikularidad na siyang kumakatha ng katauhan at katawan ng bakla. Bukod dito ay lumalabas din, sa pamamagitan ng potensyal na popularidad at ng aural at oral na kalikasan ng tinig at ng musika, ang sari-saring paraan ng pag-aaklas at pagpupumiglas ng kasarian bilang isang uri ng pagtatanghal na walang sariling katawan maliban sa imaheng iniatas dito ng heteronormatibong lipunan.
Nahahati sa apat na kategorya ang mga awit sa proyektong ito: (1) Lalaki/Bakla, ang mga awit kung saan pinakalutang at laganap ang tagisan, tunggalian, at kalakhang binarismo sa pagitan ng tunay na lalaki at ng bakla (2) Paglaladlad/Paglalantad, o ang mga awit na nagiging pahayagan ng pagkatao ng baklang nagdedeklara ng kanyang tunay ng pagkatao alang-alang sa kanyang kalayaan (3) Pagkakaibigan/Homosociality, o ang mga awit na lulan ang ugnayan sa pagitan ng dalawang biolohikal na lalaki–bakla o homoseksuwal man ang isa o pareho sa kanila at (4) Bakla/Babae, o ang mga awit na naglalahad ng naratibo ng bakla bilang babae, o ng babae bilang bakla.
Mula sa mga kategoryang ito ay sa kani-kanilang pagkakahulugang nililikha ng mga napapailaliman nilang awit sa katauhan ng bakla ay sumisiwalat na sa kabila ng pagtataglay ng pasulpot-sulpot na pagbibigay-kalayaan para sa bakla–sa pamamagitan ng minsanang pagkakataon ng pagtataglay ng pulitikang yumayakap at nagbibigay-pugay sa kabaklaan–ay limitado pa rin ang kalakhang diskurso sa mga luma at payak na tanda/tatak ng kabaklaang siyang nagiging hadlang upang matunghayan ng publiko ang marami pang salik ng kanyang pagkatao. Ito ay bunga ng pagkakakulong ng Pinoy pop sa mga padron at hulmahang nakasentro sa komersyalismong gumagamit lamang ng lohika ng gahum ng pagkalalaki, bukod sa kawalan ng pagkakataon para sa bakla na awitin ang sarili niyang awit. Dahil sa malawak na kakulangan ng personal representasyon ay nananatiling nakasadlak ang kabaklaan sa luma niyang hulmahan, may pagsulong mang alay para sa kanya ang ilan sa mga awit. |
format |
text |
author |
Espiritu, Johann Vladimir Jose |
author_facet |
Espiritu, Johann Vladimir Jose |
author_sort |
Espiritu, Johann Vladimir Jose |
title |
Ang kanta at ang bakla: Isang pag-aaral sa diskurso ng kabaklaan sa kontemporaryong kantang Pilipino |
title_short |
Ang kanta at ang bakla: Isang pag-aaral sa diskurso ng kabaklaan sa kontemporaryong kantang Pilipino |
title_full |
Ang kanta at ang bakla: Isang pag-aaral sa diskurso ng kabaklaan sa kontemporaryong kantang Pilipino |
title_fullStr |
Ang kanta at ang bakla: Isang pag-aaral sa diskurso ng kabaklaan sa kontemporaryong kantang Pilipino |
title_full_unstemmed |
Ang kanta at ang bakla: Isang pag-aaral sa diskurso ng kabaklaan sa kontemporaryong kantang Pilipino |
title_sort |
ang kanta at ang bakla: isang pag-aaral sa diskurso ng kabaklaan sa kontemporaryong kantang pilipino |
publisher |
Animo Repository |
publishDate |
2017 |
url |
https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_doctoral/595 |
_version_ |
1772835414755770368 |