Ang hugis ng kapangyarihan: Pagtutunggalian ng mga uri sa walong nobelang Filipino
Mayaman at mahirap. Malaki at maliit. Mataas at mababa. Sagana at salat. Amo at trabahador. Panginoon at busabos. Makapangyarihan at napangyayarihan. Sa dalawang uri nga ba nahahati ang lipunan? At sa paghahating ito ng mga tao, lagi nga kayang ang mga nasa mababang antas ang siyang api-apihan ng mg...
Saved in:
Main Author: | |
---|---|
Format: | text |
Language: | Filipino |
Published: |
Animo Repository
2004
|
Subjects: | |
Online Access: | https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_doctoral/1299 |
Tags: |
Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
|
Institution: | De La Salle University |
Language: | Filipino |
Summary: | Mayaman at mahirap. Malaki at maliit. Mataas at mababa. Sagana at salat. Amo at trabahador. Panginoon at busabos. Makapangyarihan at napangyayarihan. Sa dalawang uri nga ba nahahati ang lipunan? At sa paghahating ito ng mga tao, lagi nga kayang ang mga nasa mababang antas ang siyang api-apihan ng mga nakaaangat?Sa iba't ibang panahon ng kasaysayan ng bansang Pilipinas, naitala ang paghahating ito ng mga mamamayan base sa ekonomiya, pulitika, edukasyon, at kultura. Mula sa mga datu at alipin, mga kolonisador at kolonisado, mga panginoong maylupa at kasama, kapitalista at manggagawa, ang pagkakabahagi-bahagi ay nagdulot ng mga suliraning bumagabag, hindi lamang sa iisang tao o sa iisang panahon, kundi sa maraming babae at lalake, magbubukid at manggagawa, samakatuwid, ay sa uri ng napangyayarihan--sa uri ng proletaryo.Ang pagkakaiba ng mga estado ay nagbunga ng masaklap na pakikipagbakang armado. Nagbuwis na ng maraming buhay ang magkabilang panig sapagkat sa kani-kaniyang uri, nakatatak ang kultura at ideyolohiya na ipinagsasanggalang maging ang katumbas nito ay buhay at kinabukasan.Ngunit may larangan ng tunggalian na posisyon sa lipunan ang tunguhin, hindi ang pang-aagaw ng pamamahalang pulitikal sa bansa. Ito ang tunggalian sa antas ng ideyolohiya--ang hegemoniya--isang estratehiyang kultural. Ito ay pagsusulong ng bagong antas ng pakikidigma, hindi upang agawin ang estado sa pamamagitan ng baril kundi sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng mga ideyang nagtatanghal sa uring napangyayarihan bilang uring maunlad at makabansa. Ang kulturang siyentipiko, makauri, at makabansa--ang ideyolohiyang itinataguyod ng uri ng napangyayarihan na siyang unti-unting ipinalalaganap sa lipunan bilang ideyolohiyang nararapat upang mahango sa kahirapan ang isang bansang malapyudal at malakolonyal--ito ang ideyolohiyang isinusulong ng mga tula, nobela, maikling kuwento, drama, sanaysay at mga pagsusuri sa anyong tesis at disertasyon na sinulat ng mga pangkaraniwang manggagawa sa mga pabrika, empleyado sa mga opisina, maybahay, mag-aaral at mga guro.Sa hegemoniyang isinusulong, ang mas midya, ang paaralan, at ang marami pang pasilidad ang siyang nagpapalaganap ng nasabing hegemoniya. Nilalabanan nito ang reaksiyonaryo at mapambusabos na ideyolohiya ng naghaharing uri. At isa sa mga tukoy at mabisang lagusan ng mga ideyang makauri, makamasa, at makabansa ay ang literatura.Nasimulan na ng literatura ang gawaing kultural na ito bilang pagsusulong ng hegemoniyang masa. Katunayan ang maraming mga tula, maikling kuwento, dula, at ngayon ay mga nobelang sinulat ng mga kadre at karaniwang mga manggagawa, magbubukid, at estudyante.Kung noon ay nasa mga kopyang mimyograp lamang ang mga naturang akda, at noong panahon ng Batas Militar ay ipinagbawal kaya naging andergrawnd, ngayon ay nasa mga antolohiya na at pinag-aaralan na sa mga unibersidad. Isang malinaw na pagpapatunay ito na nakaakit at nakapagpamulat na sa ilang mamamayan ang hegemoniyang isinusulong ng uri ng napangyayarihan. Dahil dito, nararapat lamang na pag-ukulan ang literaturang likha ng masa ng matamang pagsusuri upang ang mga bunga ng pagsusumikap ay hindi maisantabi, bagkus ay mabilang na yaman ng lahing Pilipino.Iyan ang layunin ng disertasyong ito. Ipakikita ng risertser ang pagtutunggalian ng dalawang uri ng mga tao sa lipunan sa pamamagitan ng pag-aaral sa ilang piling nobelang Filipino. Ipaliliwanag niya ang hubog at katangian o kapintasan ng kapangyarihan at ang mga nagagawa nito sa sambayanan. |
---|