Balitulaan: sa pagitan ng balita at tula

Nahahati ang proyektong ito sa dalawang bahagi: una, ang mahabang sanaysay na may pamagat na “Balitulaan: Sa Pagitan ng Balita at Tula.” Nalikha ng manunulat ang salitang balitulaan mula sa pinagsamang mga salitang balita at tula. Tinatalakay sa sanaysay na ito ang relasyon ng peryodismo at panu...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Author: Tolentino, Joyce Ann M.
Format: text
Published: Animo Repository 2014
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_doctoral/1332
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Description
Summary:Nahahati ang proyektong ito sa dalawang bahagi: una, ang mahabang sanaysay na may pamagat na “Balitulaan: Sa Pagitan ng Balita at Tula.” Nalikha ng manunulat ang salitang balitulaan mula sa pinagsamang mga salitang balita at tula. Tinatalakay sa sanaysay na ito ang relasyon ng peryodismo at panulaan, kung saan ang dalawang disiplina ay may pagkakaiba at pagkakatulad. Gayunpaman, ang proyektong ito ay nakatuon sa pagkakatulad ng dalawa at sa pagsasanib ng mga pagkakatulad na iyon. Sa pagsasanib na iyon, nabubuo ang interseksiyon sa pagitan ng dalawang disiplina. At dito, sa interseksiyong ito, nabuo ang ikalawang bahagi ng proyekto. Ang ikalawang bahagi ay ang koleksiyon ng tatlumpu’t dalawang tula na pinamagatang, “Sa Ulo ng mga Balita at iba pang Tula.” Ginawang paksa ng manunulat ang mga balita, partikular sa loob ng bansa, na naaayon sa kaniyang konsepto ng balitulaan. Naiulat ang mga ito sa panahong kinokompleto ng manunulat ang kaniyang masteral sa malikhaing pagsulat.