Sanib at samok sa tagpo at tiempo: Mindanao sa tatlong dula

Tatlong panahon, tatlong dula. Nagrerepresenta ng isang yugto ang bawat isang dula sa pagtatangka kong mahagip ang kuwento ng Mindanao. Itinakda ang mga dulang ito sa piling panahon ng masilakbong kasaysayan ng isla, isang kasaysayan hinubog ng pabagu-bagong pagsasanib ng mga elemento at tunggalian...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Author: Fernandez, Steven P.C.
Format: text
Published: Animo Repository 2006
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_doctoral/1334
https://animorepository.dlsu.edu.ph/context/etd_doctoral/article/2335/viewcontent/CDTG004747_P.pdf
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Description
Summary:Tatlong panahon, tatlong dula. Nagrerepresenta ng isang yugto ang bawat isang dula sa pagtatangka kong mahagip ang kuwento ng Mindanao. Itinakda ang mga dulang ito sa piling panahon ng masilakbong kasaysayan ng isla, isang kasaysayan hinubog ng pabagu-bagong pagsasanib ng mga elemento at tunggalian ng mga kultura at interes. Nagtagpo ang mga mamamayang pinagkaisa ng lupain at ng kanilang pina-ugatang kultura, at matapos ay hinarap ang isa’t isa. Ang usapin ng pangangamkam ng lupa, pag-aalsa, paglilipat katapatan o pananraydor, at kaibahan ng kultura ang mga bakgrawnd ng trilohiya. Pero sa halip na itanghal ang mga dula bilang representante ng kasaysayan ng Mindanao – na talaga namang hindi, isinasaysay ng mga dula ang aking debelopment bilang mandudula at isinasalamin ng mga ito ang kontemporaryong teatro ng Mindanao at pag yabong ng literatura. Reperensya ang tatlong likhang-sining ng bahagi ng tipo ng teatro sa Mindano – yaong mga grupo nagtatanghal ng repertoire ng nilikhang produksyon para sa manonood. x v i Isinaalang-alang at ginagaygay ng mga likhang-sining na ito ang isang tunguhin sa huling tatlumpung taon, kaagapay ng debelopment ng pagsasadula at produksyon sa Mindanao. Binuo ko ang mga dula sa serye ng mga aktibiting panteatro kinilala bilang isa sa mga pinakaaktibong kilusang panteatro sa bansa.