Pagsasa-Filipino ng modyul pang-awtomasyong industriyal: tungo sa modernisasyon ng wikang Filipino

Ang pag-aaral na isinagawa ay pinamagatang ang Pagsasa-Filipino ng Modyul Pang-awtomasyong Industriyal: Tungo sa Modernisasyon ng Wikang Filipino. Ang modyul ay pinili sapagkat ito ay isa sa mga kagamitang panturo gamit sa makabagong kursong panteknolohiya (awtomasyon) na maraming kabataan ang gust...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Author: Madrid, Amelita M.
Format: text
Language:Filipino
Published: Animo Repository 2005
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_doctoral/1356
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Language: Filipino
Description
Summary:Ang pag-aaral na isinagawa ay pinamagatang ang Pagsasa-Filipino ng Modyul Pang-awtomasyong Industriyal: Tungo sa Modernisasyon ng Wikang Filipino. Ang modyul ay pinili sapagkat ito ay isa sa mga kagamitang panturo gamit sa makabagong kursong panteknolohiya (awtomasyon) na maraming kabataan ang gustong mag-aral at matuto. Maganda ang kursong ito sapagkat ito ang napapanahong kursong dala ng modernong panahon na nakikipagsabayan sa kalakaran ng globalisasyon. Ang modyul ay naglalaman ng mga kasangkapang pang-awtomasyon, panserbisyo at panrepair kasama ang mekanikal na proseso na sumasaklaw sa antas ng mga awtomatikong kontrol. Ang mga kaalamang nakapaloob dito ay ngsisilbing tulong para sa mga estudyante at mga kabataang nagsasanay, nagnanais na maging matagumpay na manggagawa sa kinabukasan. Inihahanda ng kursong ito ang mga estudyante at mga kabataan sa uri ng hanapbuhay na maaari nilang pasukan pagdating ng araw. Ang mga kabataang ito ang mga magiging manggagawa sa pagawaan, opisina at pabrika na may mga makabagong kagamitan, mga kabataang magmementina ng mga makina, magiging programmer ng kompyuter, opereytor at iba pang gawaing may kaugnayan sa mga gawaing pang-awtomasyon. Sa mga bagay na ito, ang mga estudyante at kabataan ang inihahanda ng mga paaralan/pamantasan at mga sentro ng pagsasanay na maging ekspert sa larangang tulad nito. Malaki at may mahalagang kapakinabangang maidudulot ang mga kasangkapang automated sapagkat ito ang mga modernong kasangkapang nakapagpapabilis ng produksyon at trabaho, gayun din ng kalidad ng produkto. Ang mga kasangkapang ito ay may mataas na antas ng produksyon kumpara sa ibang uri ng paggawa na pinagagana ng mga kasanayang pantao. Ang pagtaas ng produksyon ang dahilan kung bakit kailangan at dapat pahalagahan ang pag-aaral ng kursong ito. Sa kasalukuyang panahon, hindi dapat isa-santabi ang pag-aaral ng kursong ito sapagkat ito ang bagay na pilit na nakikisabay sa hamon ng panahon. Bukod sa paghahanda sa ating mga kabataan sa uri ng hanapbuhay na kanil