Pagpiglas sa bartolina: Naratibo, espasyo at bayan sa panitik ng mga bilanggong pulitikal na manunulat
Makapangyarihan ang mga manunulat bilang manlilikha ng kasaysayan at tagapagtala ng karanasang bayan. Sa ganitong kapangyarihan, nalilikha ang pagsulong at pag-unlad ng mga lipunan. Sa konteksto ng mga bilanggong pulitikal na manunulat na tampok sa pag-aaral, mahalagang ilinaw sa kanilang identidad...
Saved in:
Main Author: | |
---|---|
Format: | text |
Language: | Filipino |
Published: |
Animo Repository
2019
|
Subjects: | |
Online Access: | https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_doctoral/1379 https://animorepository.dlsu.edu.ph/context/etd_doctoral/article/2390/viewcontent/Geronimo_Jonathan_11480572_Pagpiglas_sa_Bartolina_Partial.pdf |
Tags: |
Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
|
Institution: | De La Salle University |
Language: | Filipino |
id |
oai:animorepository.dlsu.edu.ph:etd_doctoral-2390 |
---|---|
record_format |
eprints |
spelling |
oai:animorepository.dlsu.edu.ph:etd_doctoral-23902022-04-06T07:56:00Z Pagpiglas sa bartolina: Naratibo, espasyo at bayan sa panitik ng mga bilanggong pulitikal na manunulat Geronimo, Jonathan Vergara Makapangyarihan ang mga manunulat bilang manlilikha ng kasaysayan at tagapagtala ng karanasang bayan. Sa ganitong kapangyarihan, nalilikha ang pagsulong at pag-unlad ng mga lipunan. Sa konteksto ng mga bilanggong pulitikal na manunulat na tampok sa pag-aaral, mahalagang ilinaw sa kanilang identidad ang mga batayan ng kanilang pagkakabilanggo na ibinunga ng pagtangan nila sa isang pampolitikang paniniwala na nagsusulong ng alternatibong kaayusang panlipunan. Sa karanasan ng Pilipinas, mula sa panahong kolonyal hanggang sa kasalukuyang neokolonyal, nagpapatuloy ang paglikha ng mga bilanggong politikal na manunulat na ikinulong upang matiyak ang pagpapanatili ng kaayusang nakapanig sa dominanteng uri. Dahil dito, ang paglikha para sa layuning palayain ang bayan ay banta sa dominanteng uri at estadong tagapagpanatili nito. Pangunahing layunin ng kasalukuyang pag-aaral na sagutin kung paano nag- aambag ang mga akdang piitan at bilanggong pulitikal na manunulat sa proyekto ng pambansang pagpapalaya. Mula sa ganitong pangkalahatang punto, holistiko at kritikal na sinuri ang mga akdang piitan bilang kontra-naratibong kabuhol sa buhay- pakikibaka at danas ng piitan na nakakaimpluwensiya sa kanilang pampanitikang paglikha. Sinipat din ang mga akdang piitan sa pagpapakahulugan nito sa espasyo ng pagpipiit tungong muling pagpapakahulugan bilang lunan ng pananalinghaga at praktikang kontra-espasyo. Sa ganitong posisyon, napapanday ang kontra-pagtatanghal sa konsepto ng bayan na nakasalig sa imahinasyong pampanitikan at karugtong ng multi-sityong pakikibaka na itinutulak ng isang kilusang pambansa demokratiko. Bilang metodo, pangunahing ginamit ang tekstuwal na pagsusuri sa anim na nailathalang koleksyon ng mga akdang piitan ng indibidwal na bilanggong pulitikal na manunulat na nailathala sa bungad ng Bagong Milenyo (2000-2017). Nagsagawa rin ng etnograpikong pag-aaral at nabuo ang proseso ng “pagpapakat” upang mapalalim ang pag-unawa sa pinapaksang penomenon ng pampanitikang paglikha na nakapaloob sa kalagayan ng pagiging bilanggong politikal at kinabibilangan nilang kilusan. Mahalagang ambag ng pag-aaral ang nabuong kritikal na modelong “piglas- bayan” sa kritisismong pampanitikan, pag-unawa sa panlipunang penomena at pagpapayaman ng diskurso sa Araling Pilipino at Araling Pagtatanghal sa konteksto ng Pilipinas. Susing salita: akdang piitan, kontra-gahum, bilanggong pulitikal, pambansang pagpapalaya 2019-12-01T08:00:00Z text application/pdf https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_doctoral/1379 https://animorepository.dlsu.edu.ph/context/etd_doctoral/article/2390/viewcontent/Geronimo_Jonathan_11480572_Pagpiglas_sa_Bartolina_Partial.pdf Dissertations Filipino Animo Repository Political prisoners National liberation movements Other Languages, Societies, and Cultures |
institution |
De La Salle University |
building |
De La Salle University Library |
continent |
Asia |
country |
Philippines Philippines |
content_provider |
De La Salle University Library |
collection |
DLSU Institutional Repository |
language |
Filipino |
topic |
Political prisoners National liberation movements Other Languages, Societies, and Cultures |
spellingShingle |
Political prisoners National liberation movements Other Languages, Societies, and Cultures Geronimo, Jonathan Vergara Pagpiglas sa bartolina: Naratibo, espasyo at bayan sa panitik ng mga bilanggong pulitikal na manunulat |
description |
Makapangyarihan ang mga manunulat bilang manlilikha ng kasaysayan at tagapagtala ng karanasang bayan. Sa ganitong kapangyarihan, nalilikha ang pagsulong at pag-unlad ng mga lipunan. Sa konteksto ng mga bilanggong pulitikal na manunulat na tampok sa pag-aaral, mahalagang ilinaw sa kanilang identidad ang mga batayan ng kanilang pagkakabilanggo na ibinunga ng pagtangan nila sa isang pampolitikang paniniwala na nagsusulong ng alternatibong kaayusang panlipunan. Sa karanasan ng Pilipinas, mula sa panahong kolonyal hanggang sa kasalukuyang neokolonyal, nagpapatuloy ang paglikha ng mga bilanggong politikal na manunulat na ikinulong upang matiyak ang pagpapanatili ng kaayusang nakapanig sa dominanteng uri. Dahil dito, ang paglikha para sa layuning palayain ang bayan ay banta sa dominanteng uri at estadong tagapagpanatili nito.
Pangunahing layunin ng kasalukuyang pag-aaral na sagutin kung paano nag- aambag ang mga akdang piitan at bilanggong pulitikal na manunulat sa proyekto ng pambansang pagpapalaya. Mula sa ganitong pangkalahatang punto, holistiko at kritikal na sinuri ang mga akdang piitan bilang kontra-naratibong kabuhol sa buhay- pakikibaka at danas ng piitan na nakakaimpluwensiya sa kanilang pampanitikang paglikha. Sinipat din ang mga akdang piitan sa pagpapakahulugan nito sa espasyo ng pagpipiit tungong muling pagpapakahulugan bilang lunan ng pananalinghaga at praktikang kontra-espasyo. Sa ganitong posisyon, napapanday ang kontra-pagtatanghal sa konsepto ng bayan na nakasalig sa imahinasyong pampanitikan at karugtong ng multi-sityong pakikibaka na itinutulak ng isang kilusang pambansa demokratiko. Bilang metodo, pangunahing ginamit ang tekstuwal na pagsusuri sa anim na nailathalang koleksyon ng mga akdang piitan ng indibidwal na bilanggong pulitikal na manunulat na nailathala sa bungad ng Bagong Milenyo (2000-2017). Nagsagawa rin ng etnograpikong pag-aaral at nabuo ang proseso ng “pagpapakat” upang mapalalim ang pag-unawa sa pinapaksang penomenon ng pampanitikang paglikha na nakapaloob sa kalagayan ng pagiging bilanggong politikal at kinabibilangan nilang kilusan.
Mahalagang ambag ng pag-aaral ang nabuong kritikal na modelong “piglas- bayan” sa kritisismong pampanitikan, pag-unawa sa panlipunang penomena at pagpapayaman ng diskurso sa Araling Pilipino at Araling Pagtatanghal sa konteksto ng Pilipinas.
Susing salita: akdang piitan, kontra-gahum, bilanggong pulitikal, pambansang pagpapalaya |
format |
text |
author |
Geronimo, Jonathan Vergara |
author_facet |
Geronimo, Jonathan Vergara |
author_sort |
Geronimo, Jonathan Vergara |
title |
Pagpiglas sa bartolina: Naratibo, espasyo at bayan sa panitik ng mga bilanggong pulitikal na manunulat |
title_short |
Pagpiglas sa bartolina: Naratibo, espasyo at bayan sa panitik ng mga bilanggong pulitikal na manunulat |
title_full |
Pagpiglas sa bartolina: Naratibo, espasyo at bayan sa panitik ng mga bilanggong pulitikal na manunulat |
title_fullStr |
Pagpiglas sa bartolina: Naratibo, espasyo at bayan sa panitik ng mga bilanggong pulitikal na manunulat |
title_full_unstemmed |
Pagpiglas sa bartolina: Naratibo, espasyo at bayan sa panitik ng mga bilanggong pulitikal na manunulat |
title_sort |
pagpiglas sa bartolina: naratibo, espasyo at bayan sa panitik ng mga bilanggong pulitikal na manunulat |
publisher |
Animo Repository |
publishDate |
2019 |
url |
https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_doctoral/1379 https://animorepository.dlsu.edu.ph/context/etd_doctoral/article/2390/viewcontent/Geronimo_Jonathan_11480572_Pagpiglas_sa_Bartolina_Partial.pdf |
_version_ |
1772835385246744576 |