Ang D.A.N.A.S ng panagkuripot: Marangyang "padas iti biag" ng mga Ilokanang OFW ng Isabela ng/sa Singapore
Malaki ang gampanin ng Diasporang Pilipino sa aspektong pang-ekonomiya ng Pilipinas dahil gasolinang maituturing ang remittances ng mga manggagawang Pilipino o OFW mula sa ibang bansang. Sa paglisan ng mga OFW patungo sa iba’t ibang pook-trabahuan sa daigidig bitbit nila ang sariling kultura. Ang ku...
Saved in:
Main Author: | |
---|---|
Format: | text |
Language: | Filipino |
Published: |
Animo Repository
2020
|
Subjects: | |
Online Access: | https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_doctoral/1384 https://animorepository.dlsu.edu.ph/context/etd_doctoral/article/2391/viewcontent/JOSE_BABYJEAN_11699019_Ang_D.A.N.A.S_ng_Panagkuripot_Marangyang_Padas_iti_Biag_Partial.pdf |
Tags: |
Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
|
Institution: | De La Salle University |
Language: | Filipino |
Summary: | Malaki ang gampanin ng Diasporang Pilipino sa aspektong pang-ekonomiya ng Pilipinas dahil gasolinang maituturing ang remittances ng mga manggagawang Pilipino o OFW mula sa ibang bansang. Sa paglisan ng mga OFW patungo sa iba’t ibang pook-trabahuan sa daigidig bitbit nila ang sariling kultura. Ang kulturang ito ay maaaring maimpluwensyahan ng dinatnang kultura o mananatili dahil patuloy paring nakaugnay sa pinagmulang lugar. Samantala, malaki ang naging bahagi ng mga Ilokano sa lokal at global na migrasyon. Kilala ang Ilocandia lalo na ang Isabela na laging sinasalanta ng bagyo sanhi na rin ng katangiang topograpikal ng pook. Samantalang nagiging pangkaraniwan na lamang sa mga mamamayan na mag-aayos at magpapatayo muli ng kanilang mga tahanan na nawasak ng kalamidad. Maraming pagkakataon na kakikitaan ang pook ng resiliency `kung saan patuloy silang bumabangon sa kabila ng kahirapang kanilang natatamo. Agrikultura ang mayoryang ikinabubuhay niIa na tumatagal ng tatlo hanggang apat na buwan bago mag-anihan bagay na nag-uudyok sa kanila upang ,magtipid at mag-impok at laging naghahanap ng ibang pagkakakitaan. Ito ang posibleng dahilan kung bakit naging bansag sa kanila ang pagiging kuripot at karamihan sa kanila ay nangingibang-bayan o nangingibang bansa sa paniniwalang ito ang magbibigay sa kanila ng panatag na buhay.Isinagawa ang pag-aaral na ito upang makilala ang kuripot o panagkuripot bilang marangyang padas o danas ng mga Ilokanang OFW ng Isabela sa Singapore.Lumabas sa pag-aaral na ang istigma sa mga Ilokana na makasarili atwalang pakikisama dahil sa kultura ng pagkukuripot ay kalakasang-kultural ng etnolingwistikong grupo dahil sinasalamin nito ang kalinangang Ilokano na nangunguna sa matalinong paggasta na kailangan ng naghihikahos na komunidad tulad ng kanilang kinamulatan. Bunga ng pamamaraang pagdalaw, pagmamasid- pakikilahok, pakikipagkwentuhan at focus group discussion lumabas sa pag-aaral na diverse, mayaman at multi-layered ang mga padas o D.A.N.A.S ng mga Ilokanang makitigtigged iti ballasiw taaw o OFW bilang babae, kapamilya (anak, kapatid, asawa, ina) empleyado at gangannaet (turista) kapwa sa Isabela at sa Singapore. Naipakita na malaki ang impluwensya ng panagkuripot o pagkukuripot sa pagbuo ng lokal at global na identidad ng mga kalahok bunga ito ng kanilang pagsasabuhay ng halagahang Pilipino tulad ng pagtalyaw it naimbag a nakem (pagtanaw ng utang na loob), pannakikadwa (pakikisama) at panagparabur (pagbibigay) ay makikitang bitbit nila pabalik sa kanilang pook na pinagmulan. Mula rito,nakasangkapan ang kanilang likas na kultura sa proseso ng glokalisasyon na makikita sa kanilang mga pagpupundar at pakikibahagi sa kanilang komunidad. Dahil pakasaritaan, malilirip ang D.A.N.A.S ng mga kalahok tungo sa higit na pagkilala sa pangkalahatang kalalagayan ng mga kababayang OFW napumapaloob sa proseso ng glokalisasyon at pagpopook bilang pagpapatingkad sa Kultura at Araling Filipino.
Mga Susing Salita: diasporang Pilipino, kulturang-Ilocano, kuripot, glokalisasyon, |
---|