Banuar a mannalon festival: Kaakuhan / identidad ng kabayanihan ng mga Llanerano
Isang pampook na pag-aaral sa kultura ang tuon ng disertasyon na ito. Dahil sa nagiging anyo ng papuri at pagdiriwang ng mga bayan at lungsod sa Pilipinas ang pagtatanghal ng sariling festival, siniyasat ng pag-aaral kung paano naging lunduyan ang dulansangan sa Banuar A Mannalon Festival upang maki...
Saved in:
Main Author: | |
---|---|
Format: | text |
Language: | Filipino |
Published: |
Animo Repository
2020
|
Subjects: | |
Online Access: | https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_doctoral/1380 https://animorepository.dlsu.edu.ph/context/etd_doctoral/article/2393/viewcontent/Espejo__Rommel_Partial.pdf |
Tags: |
Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
|
Institution: | De La Salle University |
Language: | Filipino |
Summary: | Isang pampook na pag-aaral sa kultura ang tuon ng disertasyon na ito. Dahil sa nagiging anyo ng papuri at pagdiriwang ng mga bayan at lungsod sa Pilipinas ang pagtatanghal ng sariling festival, siniyasat ng pag-aaral kung paano naging lunduyan ang dulansangan sa Banuar A Mannalon Festival upang makilala ang pagbubuklod, kultura, at identidad ng bayan ng Llanera at kung paano nakatulong ang festival sa kaakuhan ng kabayanihan ng mamamayan Sa pamamagitan ng Lapit Historikal at Balangkas ng Dulambayan, nasagot ang mga sumusunod na katanungan: a) Anoano ang mga daynamiks, interaksyon, pagbabago at salik na nakatutulong at nakaaapekto sa kasalukuyang estruktura ng pagdiriwang ng dulansangan sa Banuar A Mannalon Festival bilang identidad / kaakuhan ng kabayanihan ng mga Llanerano? b) Ano-ano ang mga danas at saloobin ng mga kalahok sa pagsasagawa ng dulansangan? c) Anong identidad ng mga Llanerano ang napagyaman at naitanghal ng dulansangan sa Banuar A Mannalon Festival bilang isang pagdiriwang na nagtatanghal sa dula ng kabayanihan? at d) Paano nakatulong ang dulansangan sa selebrasyon ng Banuar A Mannalon Festival sa kaakuhan ng identidad ng mga Llanerano?
Sa pamamagitan ng pagbuo at pagtatanghal ng dulang nakaangkla sa kasaysayan at kultura, nagkahugis at nagka-anyo ang dulansangan bilang isang pampook na kaakuhan at identidad ng kabayanihan ng mga Llanerano. Itinangi ng pag-aaral na ito ang lakas at halaga ng pampook na kultura para sa pagtataguyod ng pambansang pamana.
Susing konsepto: festival, kasaysayan, kultura, kabayanihan, kaakuhan, identidad |
---|