TUDLA sa Aklan bilang pahatiran: Pagsasadiwa ng literaturang Aklanon tungo sa sama-samang pambansang panitikan

Nakatudla ang pag-aaral na ito sa probinsiyang kinalakihan at pinagkauutangan ng mananaliksik. Isang simpleng lugar na panggagalingan ng mga materyales na ginamit sa gawaing ito sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga akdang pamapanitikang mayroon ang Aklan. Mga tekstong nauugnay sa kabuuang pasalit...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Author: Opinion, Beonify Dela Cruz
Format: text
Language:Filipino
Published: Animo Repository 2019
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_doctoral/1383
https://animorepository.dlsu.edu.ph/context/etd_doctoral/article/2399/viewcontent/Opinion_Beonify_11683023_Partial.pdf
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Language: Filipino
id oai:animorepository.dlsu.edu.ph:etd_doctoral-2399
record_format eprints
institution De La Salle University
building De La Salle University Library
continent Asia
country Philippines
Philippines
content_provider De La Salle University Library
collection DLSU Institutional Repository
language Filipino
topic Literature--Philippines--Aklan
Other Languages, Societies, and Cultures
spellingShingle Literature--Philippines--Aklan
Other Languages, Societies, and Cultures
Opinion, Beonify Dela Cruz
TUDLA sa Aklan bilang pahatiran: Pagsasadiwa ng literaturang Aklanon tungo sa sama-samang pambansang panitikan
description Nakatudla ang pag-aaral na ito sa probinsiyang kinalakihan at pinagkauutangan ng mananaliksik. Isang simpleng lugar na panggagalingan ng mga materyales na ginamit sa gawaing ito sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga akdang pamapanitikang mayroon ang Aklan. Mga tekstong nauugnay sa kabuuang pasalitang obra partikular ang pasulat na mga akdang nakahayag ang ideya, kaisipan, at damdaming mayroon ang mga Aklanon. Ang nakalap at nasinop na mga literaturang katutubong Aklanon ay sinuri o dinalumat batay sa kasaysayan o panahong kinabibilangan ng mga akdang panliteraturang Aklanon partikular sa mga akdang patulang naghahayag ukol sa mga nakagawiang kilos at imaheng Aklanon kalakip ang isyung naglulundagan sa loob ng mga binaeaybay na sinuri. Layuning malaman at masuri ang kasaysayang pampanitikan kalakip ang mga katangiang taglay ng pangkalahatang literatura simula sa panahong di pa nasasakop ang lalawigan hanggang sa kasalukuyan. Isa-isang hinanap at sininop ang nakatagong mga akdang Aklanon at inihanay ang bawat akda alinsunod pamagat nito, may-akda, genre, petsa kung kailan nailimbag gayundin ang naglimbag. Nagsagawa rin ng panayam ang mananaliksik upang malaman ang iba pang mahalagang detalye ukol akda mula mismo sa sumulat o sa ilang kaanak sa lalong ikatatatag ng mga datos na kailangan sa pananaliksik. Pinagsama-sama ang mga obrang naisatitik sa panahong di pa nasasakop ang Pilipinas ng mga Espanyol. Gayundin, binigyang-halaga ang mga akdang naisatitik sa panahong pananakop ng Amerikano, Hapones hanggang sa panahong Republika at moderno. Hango sa nakalap na mga akdang pampanitikang Aklanon, inisa-isa ang mga binaeaybay (tula) na nasusulat sa wikang katutubong Akeanon. Inihanay ang mga mahahalagang kaisipan o konsepto mula sa mga tulang pinahalagahan ayon sa kategoriyang kinabibilangan upang makarating sa puntong mithiin ng pananaliksik gamit ang pamamaraang teoryang”Grounded” bilang lente sa pagbuo ng teorya o mga teorya. Gamit ang metodong nabanggit, nasilip mula sa mga binaeaybay na Aklanon ang mga konseptong nauukol sa pangungulila ng mahal sa buhay, lugar na nasasakupan ng Aklan, ang ikinabubuhay ng mga Aklanon, pinanghahawakang pangarap at pag-asa, ang paniniwalang Aklanon, pagiging masikhay sa buhay, pagkalinga sa kalikasan, wikang gamitin sa lugar, kinamulatang gawain at tradisyon, at kagamitang naging bahagi ng buhay- Aklanon. Bukod sa nabanggit, nagsalita rin ang mga konseptong nauukol sa kahirapan; pang-aabuso, karahasan, at kriminalidad; di pantay-pantay na trato sa lipunan o kawalang katarungan; pinagbabawal o ilegal na gawain; pangakong napako; at pagsusugal, pandaraya, at maling akala. Natukoy mula sa mga konseptong nailahad o mga mahahalagang ideyang natuklasan sa loob ng mga obrang nakahanay sa talahanayan 7 na naghayag ng positibo at negatibong kinalabasan bunsod ng katutubong kaisipan at damdamin bilang pagkakilalan ng lahing Aklanon. Batay sa nakalap at dinalumat na mga materyales, lumalabas na mayaman ang Aklan sa mga katutubong materyales ang lalawigan na naghihintay lamang sinupin at tuklasin ang mayamang kalinangan at hiyas mula sa kaban ng bayan. Mahalagang malapatan ng mapagpalang kamay ng lehitimong Aklanong mag-aaral na sinasabing hungkag sa pagkakilanlan ng sariling identidad ng bilang mamamayang Aklanon. Alinsunod sa mga natuklasang kayamanan, nariyan ang kasaysayan, heyograpiya, tradisyon, kaugalian, paniniwala, wikang katutubo, at iba pang lubhang naghihintay lamang na mapansin at pag- aralan. Samakatuwid, ang literaturang Aklanon ay isang magandang halimbawa at buhay na patotoo upang ipaalam sa mga karatig pook o lalawigang ganito kami sa Aklan at sa tulong ng isang makabuluhang gawain tulad ng pananaliksik ay higit na mapahalagahan at mauunawaan ang mga baga-bagay na dapat pag-usapan sa loob ng paaralang nasasakupan, ang Pilipinas.
format text
author Opinion, Beonify Dela Cruz
author_facet Opinion, Beonify Dela Cruz
author_sort Opinion, Beonify Dela Cruz
title TUDLA sa Aklan bilang pahatiran: Pagsasadiwa ng literaturang Aklanon tungo sa sama-samang pambansang panitikan
title_short TUDLA sa Aklan bilang pahatiran: Pagsasadiwa ng literaturang Aklanon tungo sa sama-samang pambansang panitikan
title_full TUDLA sa Aklan bilang pahatiran: Pagsasadiwa ng literaturang Aklanon tungo sa sama-samang pambansang panitikan
title_fullStr TUDLA sa Aklan bilang pahatiran: Pagsasadiwa ng literaturang Aklanon tungo sa sama-samang pambansang panitikan
title_full_unstemmed TUDLA sa Aklan bilang pahatiran: Pagsasadiwa ng literaturang Aklanon tungo sa sama-samang pambansang panitikan
title_sort tudla sa aklan bilang pahatiran: pagsasadiwa ng literaturang aklanon tungo sa sama-samang pambansang panitikan
publisher Animo Repository
publishDate 2019
url https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_doctoral/1383
https://animorepository.dlsu.edu.ph/context/etd_doctoral/article/2399/viewcontent/Opinion_Beonify_11683023_Partial.pdf
_version_ 1772835423739969536
spelling oai:animorepository.dlsu.edu.ph:etd_doctoral-23992022-04-08T09:10:41Z TUDLA sa Aklan bilang pahatiran: Pagsasadiwa ng literaturang Aklanon tungo sa sama-samang pambansang panitikan Opinion, Beonify Dela Cruz Nakatudla ang pag-aaral na ito sa probinsiyang kinalakihan at pinagkauutangan ng mananaliksik. Isang simpleng lugar na panggagalingan ng mga materyales na ginamit sa gawaing ito sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga akdang pamapanitikang mayroon ang Aklan. Mga tekstong nauugnay sa kabuuang pasalitang obra partikular ang pasulat na mga akdang nakahayag ang ideya, kaisipan, at damdaming mayroon ang mga Aklanon. Ang nakalap at nasinop na mga literaturang katutubong Aklanon ay sinuri o dinalumat batay sa kasaysayan o panahong kinabibilangan ng mga akdang panliteraturang Aklanon partikular sa mga akdang patulang naghahayag ukol sa mga nakagawiang kilos at imaheng Aklanon kalakip ang isyung naglulundagan sa loob ng mga binaeaybay na sinuri. Layuning malaman at masuri ang kasaysayang pampanitikan kalakip ang mga katangiang taglay ng pangkalahatang literatura simula sa panahong di pa nasasakop ang lalawigan hanggang sa kasalukuyan. Isa-isang hinanap at sininop ang nakatagong mga akdang Aklanon at inihanay ang bawat akda alinsunod pamagat nito, may-akda, genre, petsa kung kailan nailimbag gayundin ang naglimbag. Nagsagawa rin ng panayam ang mananaliksik upang malaman ang iba pang mahalagang detalye ukol akda mula mismo sa sumulat o sa ilang kaanak sa lalong ikatatatag ng mga datos na kailangan sa pananaliksik. Pinagsama-sama ang mga obrang naisatitik sa panahong di pa nasasakop ang Pilipinas ng mga Espanyol. Gayundin, binigyang-halaga ang mga akdang naisatitik sa panahong pananakop ng Amerikano, Hapones hanggang sa panahong Republika at moderno. Hango sa nakalap na mga akdang pampanitikang Aklanon, inisa-isa ang mga binaeaybay (tula) na nasusulat sa wikang katutubong Akeanon. Inihanay ang mga mahahalagang kaisipan o konsepto mula sa mga tulang pinahalagahan ayon sa kategoriyang kinabibilangan upang makarating sa puntong mithiin ng pananaliksik gamit ang pamamaraang teoryang”Grounded” bilang lente sa pagbuo ng teorya o mga teorya. Gamit ang metodong nabanggit, nasilip mula sa mga binaeaybay na Aklanon ang mga konseptong nauukol sa pangungulila ng mahal sa buhay, lugar na nasasakupan ng Aklan, ang ikinabubuhay ng mga Aklanon, pinanghahawakang pangarap at pag-asa, ang paniniwalang Aklanon, pagiging masikhay sa buhay, pagkalinga sa kalikasan, wikang gamitin sa lugar, kinamulatang gawain at tradisyon, at kagamitang naging bahagi ng buhay- Aklanon. Bukod sa nabanggit, nagsalita rin ang mga konseptong nauukol sa kahirapan; pang-aabuso, karahasan, at kriminalidad; di pantay-pantay na trato sa lipunan o kawalang katarungan; pinagbabawal o ilegal na gawain; pangakong napako; at pagsusugal, pandaraya, at maling akala. Natukoy mula sa mga konseptong nailahad o mga mahahalagang ideyang natuklasan sa loob ng mga obrang nakahanay sa talahanayan 7 na naghayag ng positibo at negatibong kinalabasan bunsod ng katutubong kaisipan at damdamin bilang pagkakilalan ng lahing Aklanon. Batay sa nakalap at dinalumat na mga materyales, lumalabas na mayaman ang Aklan sa mga katutubong materyales ang lalawigan na naghihintay lamang sinupin at tuklasin ang mayamang kalinangan at hiyas mula sa kaban ng bayan. Mahalagang malapatan ng mapagpalang kamay ng lehitimong Aklanong mag-aaral na sinasabing hungkag sa pagkakilanlan ng sariling identidad ng bilang mamamayang Aklanon. Alinsunod sa mga natuklasang kayamanan, nariyan ang kasaysayan, heyograpiya, tradisyon, kaugalian, paniniwala, wikang katutubo, at iba pang lubhang naghihintay lamang na mapansin at pag- aralan. Samakatuwid, ang literaturang Aklanon ay isang magandang halimbawa at buhay na patotoo upang ipaalam sa mga karatig pook o lalawigang ganito kami sa Aklan at sa tulong ng isang makabuluhang gawain tulad ng pananaliksik ay higit na mapahalagahan at mauunawaan ang mga baga-bagay na dapat pag-usapan sa loob ng paaralang nasasakupan, ang Pilipinas. 2019-08-01T07:00:00Z text application/pdf https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_doctoral/1383 https://animorepository.dlsu.edu.ph/context/etd_doctoral/article/2399/viewcontent/Opinion_Beonify_11683023_Partial.pdf Dissertations Filipino Animo Repository Literature--Philippines--Aklan Other Languages, Societies, and Cultures