Pagbuo ng isang makabayang edukasyong panteknolohiyang modelo tungo sa pagtuturo ng asignaturang filipino sa senior high school

Isa sa pinakamalaking hamon sa ika-21 siglo na pagtuturo at pagkatuto ay ang pagkamit ng kasanayang magagamit ng mag-aaral sa kanilang pangmatagalang pagkatuto. Patuloy at nagpapatuloy ang paghubog ng ating kurikulum upang maging behikulo ito sa pagtatagumpay ng ating mga mag-aaral. Lilinangin nito...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Author: Magahis, Henry Leen A.
Format: text
Language:Filipino
Published: Animo Repository 2020
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_doctoral/1472
https://animorepository.dlsu.edu.ph/context/etd_doctoral/article/2471/viewcontent/Magahis_Henry_Leen_Pinal_na_Disertasyon_Partial.pdf
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Language: Filipino
id oai:animorepository.dlsu.edu.ph:etd_doctoral-2471
record_format eprints
institution De La Salle University
building De La Salle University Library
continent Asia
country Philippines
Philippines
content_provider De La Salle University Library
collection DLSU Institutional Repository
language Filipino
topic Filipino language--Study and teaching
High school students
Education
Other Languages, Societies, and Cultures
spellingShingle Filipino language--Study and teaching
High school students
Education
Other Languages, Societies, and Cultures
Magahis, Henry Leen A.
Pagbuo ng isang makabayang edukasyong panteknolohiyang modelo tungo sa pagtuturo ng asignaturang filipino sa senior high school
description Isa sa pinakamalaking hamon sa ika-21 siglo na pagtuturo at pagkatuto ay ang pagkamit ng kasanayang magagamit ng mag-aaral sa kanilang pangmatagalang pagkatuto. Patuloy at nagpapatuloy ang paghubog ng ating kurikulum upang maging behikulo ito sa pagtatagumpay ng ating mga mag-aaral. Lilinangin nito ang mga kinakailangang kaalaman, kasanayan, at pagpapahalaga, na maghahanda sa kanila sa kanilang napakalaking papel sa lipunan na magmumula sa kanilang mga pangangailangang pansarili na magbubunsod sa kanilang epektibong paglahok sa mga panlipunang usapin mula ngayon hanggang sa hinaharap.Kung titingnan naman ang Filipino bilang isang larangan ng pagkatuto sa antas ng sekondarya, ang pangunahing mithiin nito ay makapagpatapos at makapagdebelop ng isang mag-aaral na may mabisang kasanayan sa komunikasyon. Ayon kay Badayos (2010), may malaking papel na ginagampanan ang kurikulum na umiiral sa kasalukuyang panahon. Ang mga set ng mga organisadong karanasan sa pagkatuto gaya ng programa, kurso, at iba pang gawaing pampaaralan na naglalaan sa mga mag-aaral sa higit na malawak at temang pangnilalaman ay nagbibigay sa mga mag-aaral ng oportunidad na matutuhan ang aralin sa pamamagitan ng higit na kontekstwalisadong mga karanasan sa pagkatuto, dahil na rin sa mga malawak na linkages sa mga pagkatutong ibinase sa paaralan at pagkatutong nagaganap sa lugar ng paggawa at maging sa mga komunidad na kasangkot dito. Nabibigyan din sila ng oportunidad na mailantad sa mga malawakang awtentikong karanasan na nagbibigay ng malawakang pagkakataon sa kanila na maipalabas ang potensiyal na paghahanda sa kanila sa higit na mas mataas na antas ng edukasyon at maging paghahanapbuhay.Sa kabila ng maraming usaping kinakaharap ng sistema ng edukasyon sa kasalukuyan ay inilunsad kamakailan ng Pamahalaan ng Pilipinas sa pamamagitan ng Kagawaran ng Edukasyon ang bagong sistema ng edukasyon sa bansa. Isinulong nila ang Kindergarten to 12 (K to 12) na programa sa lahat ng mga paaralan sa buong bansa. Binabalangkas ng programang ito ang labintatlong taong pag-aaral ng mga mag-aaral na magmumula sa Kindergarten at magtatapos sa Baitang 12. Nahahati ito sa tatlong yugto: Elementarya, na binubuo ng anim (6) na taon, Junior High School, na binubuo naman ng apat (4) na taon, at Senior High School, na binubuo ng huling dalawang taon. Lumalabas na sa binagong sistemang ito ay may karagdagang dalawang taon bago makapasok sa kolehiyo ang isang mag-aaral.Ilan sa mga tinitingnan na dahilan sa pagsusulong ng programang ito ay ang mahinang resulta sa mga pandaigdigang pagtataya pagdating sa Matematika, Agham, at Ingles. Lumalabas kasi na napakababa ng mayoryang resultang nakalap ng kagawaran mula 2005 – 2010, na hindi umabot sa kalahati ng kabuuang marka na makikita sa iba’t ibang dokumentong ipinalabas ng kagawaran tulad ng DepEd Order No. 72, Series 2011. Pinatibay pa ito ng ilang mga pag-aaral na isinagawa sa mga paaralan sa bansa katulad ng Trends in International Mathematics and Science Study (TIMMS), na nagpakita ng napakababang ranggo ng ating bansa na hindi man lamang umabot sa pandaigdigang pamantayan. Gayundin ang makikita sa Quacquarelli Symonds (QS) Asian Rankings, na napakalayo ng naging ranggo ng mga pangunahing pamantasan sa ating bansa. Idagdag pa rito ang mas lalong lumayong ranggo ng mga pamantasang ito pagdating sa pandaigdigang pagsukat ng kahusayan pagdating sa mga pamantasan.Sa mas malalim na pagtingin, saan nga ba nagmumula ang tila lumalalang suliranin ng ating bansa pagdating sa mga usaping pang-edukasyon? Bakit nga ba sa kabila ng napakaraming mga pagsasanay, palihan, at mga gawaing pang-edukasyong inilulunsad sa bansa ay lalong nagkakaroon ng problema sa paglipas ng panahon?
format text
author Magahis, Henry Leen A.
author_facet Magahis, Henry Leen A.
author_sort Magahis, Henry Leen A.
title Pagbuo ng isang makabayang edukasyong panteknolohiyang modelo tungo sa pagtuturo ng asignaturang filipino sa senior high school
title_short Pagbuo ng isang makabayang edukasyong panteknolohiyang modelo tungo sa pagtuturo ng asignaturang filipino sa senior high school
title_full Pagbuo ng isang makabayang edukasyong panteknolohiyang modelo tungo sa pagtuturo ng asignaturang filipino sa senior high school
title_fullStr Pagbuo ng isang makabayang edukasyong panteknolohiyang modelo tungo sa pagtuturo ng asignaturang filipino sa senior high school
title_full_unstemmed Pagbuo ng isang makabayang edukasyong panteknolohiyang modelo tungo sa pagtuturo ng asignaturang filipino sa senior high school
title_sort pagbuo ng isang makabayang edukasyong panteknolohiyang modelo tungo sa pagtuturo ng asignaturang filipino sa senior high school
publisher Animo Repository
publishDate 2020
url https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_doctoral/1472
https://animorepository.dlsu.edu.ph/context/etd_doctoral/article/2471/viewcontent/Magahis_Henry_Leen_Pinal_na_Disertasyon_Partial.pdf
_version_ 1772836007493763072
spelling oai:animorepository.dlsu.edu.ph:etd_doctoral-24712023-07-17T05:07:02Z Pagbuo ng isang makabayang edukasyong panteknolohiyang modelo tungo sa pagtuturo ng asignaturang filipino sa senior high school Magahis, Henry Leen A. Isa sa pinakamalaking hamon sa ika-21 siglo na pagtuturo at pagkatuto ay ang pagkamit ng kasanayang magagamit ng mag-aaral sa kanilang pangmatagalang pagkatuto. Patuloy at nagpapatuloy ang paghubog ng ating kurikulum upang maging behikulo ito sa pagtatagumpay ng ating mga mag-aaral. Lilinangin nito ang mga kinakailangang kaalaman, kasanayan, at pagpapahalaga, na maghahanda sa kanila sa kanilang napakalaking papel sa lipunan na magmumula sa kanilang mga pangangailangang pansarili na magbubunsod sa kanilang epektibong paglahok sa mga panlipunang usapin mula ngayon hanggang sa hinaharap.Kung titingnan naman ang Filipino bilang isang larangan ng pagkatuto sa antas ng sekondarya, ang pangunahing mithiin nito ay makapagpatapos at makapagdebelop ng isang mag-aaral na may mabisang kasanayan sa komunikasyon. Ayon kay Badayos (2010), may malaking papel na ginagampanan ang kurikulum na umiiral sa kasalukuyang panahon. Ang mga set ng mga organisadong karanasan sa pagkatuto gaya ng programa, kurso, at iba pang gawaing pampaaralan na naglalaan sa mga mag-aaral sa higit na malawak at temang pangnilalaman ay nagbibigay sa mga mag-aaral ng oportunidad na matutuhan ang aralin sa pamamagitan ng higit na kontekstwalisadong mga karanasan sa pagkatuto, dahil na rin sa mga malawak na linkages sa mga pagkatutong ibinase sa paaralan at pagkatutong nagaganap sa lugar ng paggawa at maging sa mga komunidad na kasangkot dito. Nabibigyan din sila ng oportunidad na mailantad sa mga malawakang awtentikong karanasan na nagbibigay ng malawakang pagkakataon sa kanila na maipalabas ang potensiyal na paghahanda sa kanila sa higit na mas mataas na antas ng edukasyon at maging paghahanapbuhay.Sa kabila ng maraming usaping kinakaharap ng sistema ng edukasyon sa kasalukuyan ay inilunsad kamakailan ng Pamahalaan ng Pilipinas sa pamamagitan ng Kagawaran ng Edukasyon ang bagong sistema ng edukasyon sa bansa. Isinulong nila ang Kindergarten to 12 (K to 12) na programa sa lahat ng mga paaralan sa buong bansa. Binabalangkas ng programang ito ang labintatlong taong pag-aaral ng mga mag-aaral na magmumula sa Kindergarten at magtatapos sa Baitang 12. Nahahati ito sa tatlong yugto: Elementarya, na binubuo ng anim (6) na taon, Junior High School, na binubuo naman ng apat (4) na taon, at Senior High School, na binubuo ng huling dalawang taon. Lumalabas na sa binagong sistemang ito ay may karagdagang dalawang taon bago makapasok sa kolehiyo ang isang mag-aaral.Ilan sa mga tinitingnan na dahilan sa pagsusulong ng programang ito ay ang mahinang resulta sa mga pandaigdigang pagtataya pagdating sa Matematika, Agham, at Ingles. Lumalabas kasi na napakababa ng mayoryang resultang nakalap ng kagawaran mula 2005 – 2010, na hindi umabot sa kalahati ng kabuuang marka na makikita sa iba’t ibang dokumentong ipinalabas ng kagawaran tulad ng DepEd Order No. 72, Series 2011. Pinatibay pa ito ng ilang mga pag-aaral na isinagawa sa mga paaralan sa bansa katulad ng Trends in International Mathematics and Science Study (TIMMS), na nagpakita ng napakababang ranggo ng ating bansa na hindi man lamang umabot sa pandaigdigang pamantayan. Gayundin ang makikita sa Quacquarelli Symonds (QS) Asian Rankings, na napakalayo ng naging ranggo ng mga pangunahing pamantasan sa ating bansa. Idagdag pa rito ang mas lalong lumayong ranggo ng mga pamantasang ito pagdating sa pandaigdigang pagsukat ng kahusayan pagdating sa mga pamantasan.Sa mas malalim na pagtingin, saan nga ba nagmumula ang tila lumalalang suliranin ng ating bansa pagdating sa mga usaping pang-edukasyon? Bakit nga ba sa kabila ng napakaraming mga pagsasanay, palihan, at mga gawaing pang-edukasyong inilulunsad sa bansa ay lalong nagkakaroon ng problema sa paglipas ng panahon? 2020-07-01T07:00:00Z text application/pdf https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_doctoral/1472 https://animorepository.dlsu.edu.ph/context/etd_doctoral/article/2471/viewcontent/Magahis_Henry_Leen_Pinal_na_Disertasyon_Partial.pdf Dissertations Filipino Animo Repository Filipino language--Study and teaching High school students Education Other Languages, Societies, and Cultures