Ang state-sponsored na identidad at ang dalumat ng ibayong pananaw ng mga Pilipino-Canadyano sa Winnipeg, Manitoba, Canada
Nilalayon ng pag-aaral na ito ang masuri kung paano nililikha ang state-sponsored identity ng mga Pilipino-Canadyano ayon sa dalumat ng ibayong pananaw, ibayong karanasan, at ibayong kamalayan. Hinati ito ayon sa sumusunod na tiyak na suliranin: (1) Paano pinatutupad ang isang state-sponsored na pro...
Saved in:
Main Author: | |
---|---|
Format: | text |
Language: | Filipino |
Published: |
Animo Repository
2019
|
Subjects: | |
Online Access: | https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_doctoral/1461 https://animorepository.dlsu.edu.ph/context/etd_doctoral/article/2512/viewcontent/Tabernero__Grace_Precious2_Redacted.pdf |
Tags: |
Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
|
Institution: | De La Salle University |
Language: | Filipino |
Summary: | Nilalayon ng pag-aaral na ito ang masuri kung paano nililikha ang state-sponsored identity ng mga Pilipino-Canadyano ayon sa dalumat ng ibayong pananaw, ibayong karanasan, at ibayong kamalayan. Hinati ito ayon sa sumusunod na tiyak na suliranin: (1) Paano pinatutupad ang isang state-sponsored na programa ng migrasyon ng Pilipino workforce sa Canada? (2) Ano ang mga polisiya hinggil sa state-sponsored identity formation ng mga Pilipino-Canadyano mula sa mga programang migrasyon na ipinatutupad sa Winnipeg, Manitoba, Canada? (3) Bakit makabuluhan ang mga gawaing pagtatanghal at pangkultura ng mga Pilipino-Canadyano sa Winnipeg, Manitoba, Canada bilang pag-iibayong papanaw, karanasan at kamalayan nila? Sa paraang etnograpiyang birtwal, malalimang nailarawan sa pag-aaral ang mobilisasyong pag-iibayo ng mga Pilipino-Canadyano bilang metodong kumukuha ng mga dokyumentasyon sa online setting at imersyon (abot-tanaw) na inuunawa ang buhay, kultura, at sitwasyon ng mga Pilipino-Canadyano. Ang birtwal na pakikihalobilo (masid-nilay) ay pagkakaroon ng sariling pagbasa at obserbasyon ng mananaliksik na kumukuha ng mga impormasyon sa daloy ng usapan. Sa pamamagitan ng nagbabagong modelo ng komunikasyon gamit ang internet, naisasagawa ng mananaliksik na mapag-ugnay-ugnay ang kalat-kalat na datos at kontekstwal na unawain ang pag-usbong ng kulturang migrasyon (likha-malay) ng mga Pilipino-Canadyano sa ibayo—mediated ng ilang piling website, FB group, YouTube vlog, at iba pang social media platform at balidasyong nakumpirma mula sa mga ibinigay na impormasyon ng mga piling nakapanayam. Sa pangkahalatan, natuklasan sa pag-aaral ang pagtatalaban ng state-sponsored identity building at spontaneous community-based identity building ng mga Pilipino ay nagreresulta mula sa kultural na kamalayang ikinokondisyon ng estado sa mga migrant community nito, at implikasyong nag-iiwan ng muling pagbuo o paglikha na kikilala sa pagsasanib ng pagka-Pilipino at Canadyanong identidad—hindi na saklaw bilang mekanismo ng estado. Samakatuwid, nakapagsasarili ang komunidad ng mga Pilipino-Canadyano at independent na kumikilala sa iba pang cultural identity building na kalaunan ay magiging bahagi ng spontaneous community-based identity building na imahinasyong tumatanaw paloob upang pookin ang pagka-Pilipino at palabas na nagsasabansa bilang mga Pilipino-Canadyano na separadong may kaibang ibayong kamalayan/kaakuhan. Samakatuwid, may kontradiksyon man sa pagpataw ng polisiyang state-sponsored na humuhubog sa identidad ng mga Pilipino upang ganap na maging asimilisado at maging mamamayang Canadyano at sa pag-iibayong tanghalin ang identidad muli ng pagka-Pilipino sa samut-saring gawaing kultural sa Winnipeg, Manitoba, nagiging makapangyarihang simbolo, praktika at kamalayan ito upang higit na lumawig at lumaganap ang lahing Pilipino at adhika para sa isang panatag at maunlad na sarili at pamilyang Pilipino sa kabila ng pagiging malayo sa tinubuang lupa. |
---|