Ang drama ng ating buhay: Isang kasaysayang pangkultura ng teleserye sa Filipinas hanggang 2016

Isang pangkulturang kasaysayan ng teleserye sa Filipinas hanggang 2016 ang pag-aaral na ito. Binagtas nito ang humigit pitong dekada ng kasaysayan ng anyo ng soap opera mula sa pagsisimula nito sa radyo hanggang sa kasalukuyang anyo't mga permutasyon sa telebisyon. Nahahati sa apat na yugto—ang...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Author: Sanchez, Louie Jon Agustin
Format: text
Language:Filipino
Published: Animo Repository 2018
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_doctoral/1458
https://animorepository.dlsu.edu.ph/context/etd_doctoral/article/2515/viewcontent/Sanchez__Louie_Jon_A.2_Redacted.pdf
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Language: Filipino
Description
Summary:Isang pangkulturang kasaysayan ng teleserye sa Filipinas hanggang 2016 ang pag-aaral na ito. Binagtas nito ang humigit pitong dekada ng kasaysayan ng anyo ng soap opera mula sa pagsisimula nito sa radyo hanggang sa kasalukuyang anyo't mga permutasyon sa telebisyon. Nahahati sa apat na yugto—ang Pagtatatag ng Tradisyon (1922-1963), Panahon ng Transisyon (1963-1986), Panahon ng Kompetisyon (1986-2000), at Panahon ng Transpormasyon (2000-2016)—nagtuon ito ng pansin sa midyum ng telebisyon upang isalaysay ang pag-angkop, pagpaunlad, at pagbago sa anyo, sa pamamagitan ng kritikal at pakasaysayang pagpapahalaga sa mga naging puwersa't pangyayaring humubog sa kalakaran ng brodkasting sa bansa sa isang bandá, at sa 54 de-seryeng drama sa telebisyon, na kumakatawan sa mga pag-aanyong nalinang sa mga nabanggit na saklaw ng panahon, sa isa pa. Itinuturing ng pag-aaral ang teleserye bílang pinakamatayog na manipestasyon ng tagumpay ng pag-angking Filipino sa anyong telebiswal na ito, kayâ nga pinangangatwiranang drama ng ating búhay. Kailangang igiit na ang teleserye ang kasalukuyang pinakamatayog na manipestasyon ng tagumpay ng pag-angking Filipino sa anyong telebiswal na ito. Laman nito ang isang mahabang kasaysayan ng pag-angkop, pag-unlad at pagbago, na nagtatala ng pagyakap, at patuloy na pagyakap dito ng mga Filipino. Inangkop ito bílang pangunaging produktong pangmidya sa pana-panahon. Pinaunlad ang anyo nito batay sa ating konteksto't kultura. Binago ito sang-ayon sa nagbabagong panlasa ng manonood, at mga kagawiang pambrodkast na pumasok sa bansa dulot ng patuloy na pakikiugnay sa iba pang pandaigdigang tradisyon ng drama.