Rekonstraksiyon sa naratibo ng arakyo sa bayan ng Peñaranda, Nueva Ecija

Isang lokal na kultura ang Arakyo sa lalawigan ng Nueva Ecija partikular sa bayan ng Peñaranda. Isa itong debosyonal na gawain ng mga Novo Ecijano tuwing sasapit ang buwan ng Mayo. Nakaugnay ang pagtatanghal ng Arakyo sa pagdiriwang ng Pista ng Krus. Isang tradisyong paulit-ulit na ginagawa taon-tao...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Author: Delos Santos, Michael C.
Format: text
Language:English
Published: Animo Repository 2019
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_doctoral/1454
https://animorepository.dlsu.edu.ph/context/etd_doctoral/article/2519/viewcontent/Delos_Santos__Michael_C.__2.pdf
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Language: English
Description
Summary:Isang lokal na kultura ang Arakyo sa lalawigan ng Nueva Ecija partikular sa bayan ng Peñaranda. Isa itong debosyonal na gawain ng mga Novo Ecijano tuwing sasapit ang buwan ng Mayo. Nakaugnay ang pagtatanghal ng Arakyo sa pagdiriwang ng Pista ng Krus. Isang tradisyong paulit-ulit na ginagawa taon-taon ang pagtatanghal ng Arakyo sa lugar. Nakatuon ang disertasyong ito sa pagtukoy sa mga pamamaraan sa pagkonstrak ng naratibo ng Arakyo bilang isang komedya. Nakatugon ito sa limang espesipikong tunguhin ng pananaliksik: (i) ang mga pagganap sa pagsasagawa ng Arakyo sa bayan ng Peñaranda, Nueva Ecija, (ii) ang mga katangian ng Arakyo na makikita sa pagganap nito, (iii) ang ikinaiba ng naratibo ng Arakyo sa mga kahalintulad nitong mga orihinal, (iv) ang pagtukoy sa mga katangian ng naratibo ng Arakyo na masasabing marker o palatandaan nito bilang isang komedya, at (v) ang mga palatandaan ng katangian ng arakyo na maiiugnay sa sosyo-historikal na konteksto ng Peñaranda, Nueva Ecija. Kinalap ang mga datos ng pag-aaral sa pamamagitan ng deskriptibo at pansinupang pananaliksik (descriptive and archival research), pagsasagawa ng Key Informants Interview (KII) at field work sa bayan ng Peñaranda. Nagsilbing teorya ng pananaliksik ang hermenyutika ni Schleiermacher na nagbigay daan upang maisagawa ang sistematikong proseso ng pagsusuri sa naratibo ng apat na orihinal ng Arakyo. Mula sa pamamaraang ito inuluwal ang mga kabatiran hinggil sa mga katangian ng Arakyo partikular sa naratibo na nagsilbing mga palatandaan bilang isang anyo ng komedya na naugat sa sosyo-historikal na konteksto ng Peñaranda.