Pagbubungkal, pakikibaka, pagmamay-ari: Semyolohikal na pagdalumat sa kontra-diskursong usapin ng lupa sa Rosales Saga ni F. Sionil Jose
Ang pananaliksik na ito ay isang semyolohikal na pagdalumat ng usapin sa lupa mula sa Rosales Saga ni Francisco Sionil Jose. Ang limang nobela ay ang Poon (1984), Tree ( 1978), My, Brother, My Executioner (1979), The Pretenders (1962) at Mass (1983) na nagsimula sa panahon ng pananakop ng mga Kastil...
Saved in:
Main Author: | |
---|---|
Format: | text |
Language: | Filipino |
Published: |
Animo Repository
2019
|
Subjects: | |
Online Access: | https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_doctoral/1506 |
Tags: |
Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
|
Institution: | De La Salle University |
Language: | Filipino |
Summary: | Ang pananaliksik na ito ay isang semyolohikal na pagdalumat ng usapin sa lupa mula sa Rosales Saga ni Francisco Sionil Jose. Ang limang nobela ay ang Poon (1984), Tree ( 1978), My, Brother, My Executioner (1979), The Pretenders (1962) at Mass (1983) na nagsimula sa panahon ng pananakop ng mga Kastila hanggang sa Panahon ng rehimeng Marcos. Naging hanguan ng datos ang limang nobela sa Rosales Saga at ang teorya ng semyolohiya ni Roland Barthes upang mapalutang ang iba’t ibang imahe ng lupa na umiral sa Pilipinas. Sa pangkalahatan ay ginamit ang content analysis bilang metodo sa pagbalangkas ng teksto sa mga namamayaning usapin sa lupa sa Rosales Saga. Magbibigay daan ito upang makita ang hindi lantad na kontra-diskurso ni F. Sionil Jose sa mga namamayaning usapin sa lupa at maibigay ang mga implikasyon nito sa kasalukuyang kalagayan ng usapin ng lupa sa bansa. Hanggang sa kasalukuyan ang mga manggagawa sa lupa ay hindi pa rin nakakararanas ng tunay na ginhawa kahit pa nga may mga batas at reporma na sa lupa. May mahabang kasaysayan ang usapin ng lupa na naging bahagi sa paghubog sa pagkataong Pilipino. Ang pakikibaka mula sa nakaraan hanggang sa kasalukuyan ay nagpapatunay na kaakibat ng usapin sa lupa ang usapin ng nasyonalismo, paniniwala, ispirituwal na pagpapahalaga at pangkabuhayang nakapaloob sa banggaan ng mahina at malakas, ng pisante at panginoong may- lupa ng batas laban sa lakas. |
---|