PagbaBAKLAs ng pag-ibig: Pagsusuri sa kapitalisasyon ng relasyong lalaki at bakla sa dalumat ng pantaong politikal-ekonomiya

Ang relasyon ng bakla at lalaki ay isang realidad. Sa kabila ng mga manipestasyon ng pagiging bukas ng lipunang Pilipino sa nasabing relasyon sa kasalukuyan, masasabi na malaking bahagi pa rin ng lipunan ang hindi ito lubusang maintindihan at matanggap, bunsod ng malakas na impluwensiya ng heteronor...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Author: Pamittan, Generoso B., Jr.
Format: text
Language:Filipino
Published: Animo Repository 2019
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_doctoral/1514
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Language: Filipino
Description
Summary:Ang relasyon ng bakla at lalaki ay isang realidad. Sa kabila ng mga manipestasyon ng pagiging bukas ng lipunang Pilipino sa nasabing relasyon sa kasalukuyan, masasabi na malaking bahagi pa rin ng lipunan ang hindi ito lubusang maintindihan at matanggap, bunsod ng malakas na impluwensiya ng heteronormatibo-binaryong pananaw at pamantayan. Sinuri at tinalakay ng pag-aaral kung paano ang sosyo-ekonomiko-politikal-kultural na kalalagayan, ng mga piling kalahok na bakla at lalaki, ay nagsilbing salik sa dinamika ng kanilang relasyon. Gayundin, inilatag at hinimay ang mga iba’t ibang puwersa sa lipunan na nakakaapekto sa pamamahala ng bakla at lalaki ng kanilang relasyon. Sa pagdalumat ng relasyon ng bakla at lalaki bilang pantaong politikalekonomiyang proseso, hinimay kung paano ang bakla at lalaki, na may taglay na mga angking kapital, ay nagsisilbi bilang mga prodyuser, distribyutor at konsyumer na lumilikha, nagbibigayan/nagpapalitan, tumatanggap, gumagamit ng komodipikadong kapital (produkto/ komoditi), na may taglay na use, exchange at symbolic value.