Ang epekto ng isang programa ng enrichment activities sa konsepto ng sarili ng mga batang may kapansanan sa Tahanang Walang Hagdan
Sa pagsasagawa ng pag-aaral na ito, layunin ng mga mananaliksik na makapag-abot-kamay sa mga kapatid nilang nangangailangan. Sinisikap nilang maisakatuparan ang layuning ito sa pamamagitan ng pagsasagawa ng isang action-oriented na pag-aaral na kung saan kanilang sinisiyasat ang epekto ng pagbibigay...
Saved in:
Main Authors: | , , |
---|---|
Format: | text |
Language: | Filipino |
Published: |
Animo Repository
1987
|
Subjects: | |
Online Access: | https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_honors/21 |
Tags: |
Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
|
Institution: | De La Salle University |
Language: | Filipino |
Summary: | Sa pagsasagawa ng pag-aaral na ito, layunin ng mga mananaliksik na makapag-abot-kamay sa mga kapatid nilang nangangailangan. Sinisikap nilang maisakatuparan ang layuning ito sa pamamagitan ng pagsasagawa ng isang action-oriented na pag-aaral na kung saan kanilang sinisiyasat ang epekto ng pagbibigay ng piling enrichment activities sa konsepto ng sarili ng mga batang may kapansanan sa Tahanang Walang Hagdanan. Dalawampu't dalawang batang may pisikal na kapansanan (pitong babae at labinglimang lalaki) ang nakasapi sa pag-aaral at ang mga ito ay hinati sa eksperimental at kontrol na grupo sa pamamagitan ng random assignment.
Ang panukat na ginamit ay Ang Palagay ko sa Aking Sarili at ito ay ibinigay bilang pretest sa dalawang grupo. Pagkatapos nito ay ibinigay ang mga piling enrichment activities bilang treatment sa grupong eksperimental upang masukat ang naging epekto ng pagbibigay nito sa konsepto ng sarili sumunod dito ay ang post-test na ibinigay sa dalawang grupo. Ang mga datos ay sinuri sa pamamagitan ng paggamit ng t-test Batay sa estadistikang pagsusuri ng mga resulta, napag-alaman ng mga mananaliksik na sa kabuuan, ang mga piling enrichment activities ay nakapagdulot ng makabuluhang pagbabago sa konsepto ng sarili ng mga batang may kapansanan. Higit sa lahat, kung ang mga indibidwal na iskor ng eksperimental na grupo ang isasaalang-alang at pagtutuunan ng pansin, makikita na may pagkakaiba ang antas ng mga iskor sa panukat ng konsepto ng sarili ng mga bata bago at pagkatapos nilang mabigyan ng piling enrichment activities. Samakatuwid, kailangang bigyan ng nararapat na pansin ang ganitong programa sapagka't ito'y nakakatulong lalo na sa mga taong nakikiisa nang lubusan sa pagnanais na may pagbabagong maganap sa kanyang pagkatao. |
---|