Ang bagong brilyante ng pelikulang Pilipino : isang pagsipat sa kapangyarihan ng auteur at aliw sa mga obra ni Brillante Mendoza

Ang pag-aaral na ito ay isang pagsipat sa kapangyarihan ni Brillante Mendoza bilang manlilikhang Auteur at pagtukoy sa uri ng aliw na naidudulot ng kanyang mga obra. Binigyang-tuon ng pag-aaral ang pagsusri sa apat na pelikula ng direktor na Masahista (2005), Serbis (2008), Thy Womb (2012), at Ma�...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Author: Concha, Christopher Bryan A.
Format: text
Published: Animo Repository 2017
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_honors/387
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
id oai:animorepository.dlsu.edu.ph:etd_honors-1386
record_format eprints
spelling oai:animorepository.dlsu.edu.ph:etd_honors-13862020-12-04T06:14:03Z Ang bagong brilyante ng pelikulang Pilipino : isang pagsipat sa kapangyarihan ng auteur at aliw sa mga obra ni Brillante Mendoza Concha, Christopher Bryan A. Ang pag-aaral na ito ay isang pagsipat sa kapangyarihan ni Brillante Mendoza bilang manlilikhang Auteur at pagtukoy sa uri ng aliw na naidudulot ng kanyang mga obra. Binigyang-tuon ng pag-aaral ang pagsusri sa apat na pelikula ng direktor na Masahista (2005), Serbis (2008), Thy Womb (2012), at Ma'Rosa (2016). Isinakatuparan ang pag-aaral ng mga pelikula sa pamamagitan ng pagtutok sa tatlong elemento ng mga nabanggit na obra: ang direksyon, karakter, at istorya. Bukod dito, kinapanayam din ng mananaliksik si Mendoza maging ang kanyang mga katrabaho katulad ng kanyang publicist at scriptwriter. Nagsagawa rin ng apat na Focus Group Discussion (FGD) sa mga nakapanood ng pelikula ng direktor na nagmual sa iba't ibang sektor, kasarian, at edad. Ginamit bilang pangunahing gabay ng pag-aaral ang Teoryang Auteur ni Peter Wollen at mga konsepto ng Aliw mula sa teksto ni Soledad Reyes na Aliw: Essays on Popular Culture. Lumabas sa pag-aaral na bilang isang manlilikhang Auteur, may kakayahan si Mendoza na maiparanas sa kanyang mga tagapanood ang realidad ng lipunan sa pamamagitan ng masining at makatotohanang paraan niya ng pagsasama-sama ng mga elemento ng pelikula. Samantala, bagaman, nilinaw ni Mendoza na hindi nya layunin ang makapagpasaya at nakatuon ang kanyang atensyon sa pagtalakay ng mga isyung panlipunan, lumutang pa rin ang iba't ibang uri ng Aliw na naidudulot ng kanyang mga pelikula sa mga tagapanood. Kabilang sa mga ito ang aliw na may kaugnayan sa konsepto ng Fanaticism, Limang Pisong Pag-ibig ni Soledad Reyes, Diskurso ng Pornograpiya ni Benilda Santos, Pleasure by Postponement ni Cirilo Bautista, at Aliw sa Buhay Pilipino ni Jose Mario C. Francisco, S.J. Sa kabuuan, mula sa pinagsamang pagsusuri sa kapangyarihan ni Mendoza bilang Auteur at sa uri ng aliw na naidudulot ng kanyang mga obra, lumalabas na mayroon siyang kakayahan at ang kanyang mga likha na mabago ang pananaw at/o mapakilos ang kanyang mga tagapanood. 2017-01-01T08:00:00Z text https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_honors/387 Honors Theses Animo Repository Motion pictures -- Philippines Cinematography -- Philippines
institution De La Salle University
building De La Salle University Library
continent Asia
country Philippines
Philippines
content_provider De La Salle University Library
collection DLSU Institutional Repository
topic Motion pictures -- Philippines
Cinematography -- Philippines
spellingShingle Motion pictures -- Philippines
Cinematography -- Philippines
Concha, Christopher Bryan A.
Ang bagong brilyante ng pelikulang Pilipino : isang pagsipat sa kapangyarihan ng auteur at aliw sa mga obra ni Brillante Mendoza
description Ang pag-aaral na ito ay isang pagsipat sa kapangyarihan ni Brillante Mendoza bilang manlilikhang Auteur at pagtukoy sa uri ng aliw na naidudulot ng kanyang mga obra. Binigyang-tuon ng pag-aaral ang pagsusri sa apat na pelikula ng direktor na Masahista (2005), Serbis (2008), Thy Womb (2012), at Ma'Rosa (2016). Isinakatuparan ang pag-aaral ng mga pelikula sa pamamagitan ng pagtutok sa tatlong elemento ng mga nabanggit na obra: ang direksyon, karakter, at istorya. Bukod dito, kinapanayam din ng mananaliksik si Mendoza maging ang kanyang mga katrabaho katulad ng kanyang publicist at scriptwriter. Nagsagawa rin ng apat na Focus Group Discussion (FGD) sa mga nakapanood ng pelikula ng direktor na nagmual sa iba't ibang sektor, kasarian, at edad. Ginamit bilang pangunahing gabay ng pag-aaral ang Teoryang Auteur ni Peter Wollen at mga konsepto ng Aliw mula sa teksto ni Soledad Reyes na Aliw: Essays on Popular Culture. Lumabas sa pag-aaral na bilang isang manlilikhang Auteur, may kakayahan si Mendoza na maiparanas sa kanyang mga tagapanood ang realidad ng lipunan sa pamamagitan ng masining at makatotohanang paraan niya ng pagsasama-sama ng mga elemento ng pelikula. Samantala, bagaman, nilinaw ni Mendoza na hindi nya layunin ang makapagpasaya at nakatuon ang kanyang atensyon sa pagtalakay ng mga isyung panlipunan, lumutang pa rin ang iba't ibang uri ng Aliw na naidudulot ng kanyang mga pelikula sa mga tagapanood. Kabilang sa mga ito ang aliw na may kaugnayan sa konsepto ng Fanaticism, Limang Pisong Pag-ibig ni Soledad Reyes, Diskurso ng Pornograpiya ni Benilda Santos, Pleasure by Postponement ni Cirilo Bautista, at Aliw sa Buhay Pilipino ni Jose Mario C. Francisco, S.J. Sa kabuuan, mula sa pinagsamang pagsusuri sa kapangyarihan ni Mendoza bilang Auteur at sa uri ng aliw na naidudulot ng kanyang mga obra, lumalabas na mayroon siyang kakayahan at ang kanyang mga likha na mabago ang pananaw at/o mapakilos ang kanyang mga tagapanood.
format text
author Concha, Christopher Bryan A.
author_facet Concha, Christopher Bryan A.
author_sort Concha, Christopher Bryan A.
title Ang bagong brilyante ng pelikulang Pilipino : isang pagsipat sa kapangyarihan ng auteur at aliw sa mga obra ni Brillante Mendoza
title_short Ang bagong brilyante ng pelikulang Pilipino : isang pagsipat sa kapangyarihan ng auteur at aliw sa mga obra ni Brillante Mendoza
title_full Ang bagong brilyante ng pelikulang Pilipino : isang pagsipat sa kapangyarihan ng auteur at aliw sa mga obra ni Brillante Mendoza
title_fullStr Ang bagong brilyante ng pelikulang Pilipino : isang pagsipat sa kapangyarihan ng auteur at aliw sa mga obra ni Brillante Mendoza
title_full_unstemmed Ang bagong brilyante ng pelikulang Pilipino : isang pagsipat sa kapangyarihan ng auteur at aliw sa mga obra ni Brillante Mendoza
title_sort ang bagong brilyante ng pelikulang pilipino : isang pagsipat sa kapangyarihan ng auteur at aliw sa mga obra ni brillante mendoza
publisher Animo Repository
publishDate 2017
url https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_honors/387
_version_ 1772835975583498240