Ekonomiya ng pagnanasa: Tatlumpung tula
Itinatanghal sa tatlumpung tulang bumubuo sa kalipunang ito ang masalimuot na kalagayan ng tao sa edad ng konsemurismo na pinalulubha ng Katolikong pagpapahalaga; kung paano nagtatagpo at nagbabanggan sa katawan ang magkakasalungat na nasa at pangangailangan kung kaya, nababaluktot ang isipan ng tao...
Saved in:
Main Author: | |
---|---|
Format: | text |
Language: | Filipino |
Published: |
Animo Repository
2006
|
Online Access: | https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_masteral/3435 |
Tags: |
Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
|
Institution: | De La Salle University |
Language: | Filipino |
Summary: | Itinatanghal sa tatlumpung tulang bumubuo sa kalipunang ito ang masalimuot na kalagayan ng tao sa edad ng konsemurismo na pinalulubha ng Katolikong pagpapahalaga; kung paano nagtatagpo at nagbabanggan sa katawan ang magkakasalungat na nasa at pangangailangan kung kaya, nababaluktot ang isipan ng tao at nagiging imposible ang hangarin niyang magpakabuti. Maglalakbay ang persona ng tula sa tatlong yugto ng kamulatan na magsisimula sa probinsya ng kanyang pagkakamuwang kung saan naitanim sa kanyang isipan ng kanyang pananampalataya ang pagnanais na maging mabuti sa pamamagitan ng pagtakwil sa makamundong pagnanasa ng katawan, kung kaya nararamdamang hindi siya kailanman sumasapatpagpapahalagang ipinahayag bilang ekonomikong ugnayan. Sa kanyang pagtungo sa lungsod, mamumulat siya sa sari-saring nasang pinupukaw ng Kapitalismo na nangangakong pupuno sa pangangailangan ng katawan ngunit dahil kasalungat ng pinaniwalaang layunin, lalo itong magpapalalim sa kanyang kakulangan. Lilikha ng internal na tunggalian ang kondisyong ito; kakailanganin niyang tumiwalag sa sarili upang litisin ang sarili: kung paano siya nasasangkot sa sistemang tinutuligsa, kung paano niya napalalaganap ang mga pagpapahalagang sumakop sa kanya gaano man siya magpumiglas laban dito, kung paanong hindi niya matatakasan kailanman ang pagiging salarin din. |
---|