Buhay at banyuhay ng pamamahayag pangkampus: Pagsipat sa kasaysayan ng College Editors Guild of the Philippines, 1931-1972
Bahagi ng pang-araw-araw na pamumuhay ng mga tao ang pamamahayag. Mula paggising sa umaga, hanggang bago tuluyang magpahinga sa gabi, mga balita sa radyo, telebisyon at pahayagan ang kaulayaw ng paningit pandinig ng mga mamamayan. Napakalawak nang naaabot ng kapangyarihan ng midya sa buhay, mapa-ind...
Saved in:
Main Author: | |
---|---|
Format: | text |
Language: | Filipino |
Published: |
Animo Repository
2007
|
Subjects: | |
Online Access: | https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_masteral/3592 https://animorepository.dlsu.edu.ph/context/etd_masteral/article/10430/viewcontent/CDTG004134_P__2_.pdf |
Tags: |
Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
|
Institution: | De La Salle University |
Language: | Filipino |
id |
oai:animorepository.dlsu.edu.ph:etd_masteral-10430 |
---|---|
record_format |
eprints |
institution |
De La Salle University |
building |
De La Salle University Library |
continent |
Asia |
country |
Philippines Philippines |
content_provider |
De La Salle University Library |
collection |
DLSU Institutional Repository |
language |
Filipino |
topic |
Journalism--Study and teaching--Philippines Journalism--Philippines Journalism Studies Mass Communication |
spellingShingle |
Journalism--Study and teaching--Philippines Journalism--Philippines Journalism Studies Mass Communication Madula, Rowell Decena Buhay at banyuhay ng pamamahayag pangkampus: Pagsipat sa kasaysayan ng College Editors Guild of the Philippines, 1931-1972 |
description |
Bahagi ng pang-araw-araw na pamumuhay ng mga tao ang pamamahayag. Mula paggising sa umaga, hanggang bago tuluyang magpahinga sa gabi, mga balita sa radyo, telebisyon at pahayagan ang kaulayaw ng paningit pandinig ng mga mamamayan. Napakalawak nang naaabot ng kapangyarihan ng midya sa buhay, mapa-indibidwal o ng buong sambayanan. May kakayahan itong makapagbigay ng impormasyon, makapang-impluwensya ng pananaw o makapagmulat, makapagpakilos at makapagpalaya.
Isang demokratikong karapatan ang makapagpahayag, sa garantiya ng Saligang Batas ng mamamayan. Ang kalayaang ito'y nararapat lamang na tinatamasa ng bawat Pilipino ano man ang katayuan niya sa buhay o saan man siya naruruon. Sa kanyang tahanan, simbahan, sa kalsada, sa Kongreso, kanayunan, sa bundok at maging sa loob ng paaralan. Kaya naman, ang pamamahayag pangkampus sa Pilipinas ay nakapagtala ng mayaman at makulay na kasaysayan sa loob ng napakahabang panahon.
Mula sa ikaapat na baytang sa mababang paaralan hanggang sa ikaapat na taon sa hayskul, hinahasa ang mga kakanyahan ng mga mag-aaral. Hinuhusgahan ang kagalingan ng mga mamamahayag pangkampus matapos ang ilang buwang pagsasanay sa pagsulat ng balita, editoryal, lathalain at balitang pampalakasan, pagwawasto at pag-uulo, pagkuha ng larawan at maging paglalapat, sa mga paligsahang panlokal at pambansa. Dahil rito, marami sa mga mag-aaral na ito ang kumukuha ng kursong may kinalaman sa pamamahayag o kaya'y nagiging kasapi ng mga pahayagang pangkampus sa kolehiyo.
Sa pag-aaral na ito na may titulong Ang Buhay at Banyuhay ng Pamamahayag Pangkampus: Pagsipat sa Kasaysayan ng College Editors Guild of the Philippines (1931-1972), binigyang-larawan ang kasaysayan ng pinakamatanda at pinakamalawak na organisasyon ng mga pahayagang pangkampus sa buong bansa. Ang CEGP ay itinatag nuong ika-25 ng Hulyo, taong 1931 na isang elitistang samahan ng mga patnugot ng mga pangkolehiyong pahayagan sa Maynila. Sa pagdiriwang nito ng ika-pitumpu't limang taong anibersaryo nuong 2006, nananatiling buhay at matatag ang CEGP na mayruong humigit-kumulang na pitong daan at limanpung miyembro publikasyon.
Ang kasaysayan ay hindi lamang isang talaan ng mga pangyayari, kundi ito'y isang buhay na salamin ng nakalipas at kasalukuyan na maaaring paghalawan ng mga aral at identidad sa hinaharap. Sa loob ng mahabang panahon ng pagsasakasaysayan ng Guild, hindi maikakaila ang malaking papel nito sa pagbuo at pagtukoy sa kasaysayan ng pamamahayag, ng kilusang kabataan at ng mismong pagbuo ng pagka-bansa ng Pilipinas. Ang pag-aaral na ito ay isang malaking ambag sa disiplina ng Kasaysayan at Filipinolohiya.
Nilalayon ng pag-aaral na ito ang pagsasalarawan ng pagsisimula ng CEGP bilang isang organisasyon nuong 1931 hanggang sa ito'y maipasara sa pagdedeklara ng Batas Militar ni Pangulong Ferdinand Marcos nuong 1972. Masusing nitong sinundan at sinuri ang mga tagumpay at kabiguan, pag-unlad at pagbangon ng Guild sa mga unang taon ng pagkakatatag nito.
Rekonstruksyon at Redepenisyon (1946-1962),tinukoy ang iba't ibang isyung tinugunan ng CEGP bilang isang pambansang organisasyon. Nakita ng organisasyon ang papel na ginagampanan nito sa lipunang kanyang ginagalawan.
Ang aktibong pakikilahok ng mga miyembro, opisyal at alumni ng Guild sa iba't ibang larangan tulad ng pamamahayag sa mainstream, serbisyo-publiko at akademya, na siyang mas lalong nagbigay ng prestihiyo at pagkilala mula sa mga taong labas sa organisasyon, ang siya ring nagdulot ng mas maraming kontradiksyon at hidwaan rito na makikita sa bahaging Paghagupit ng Kontradiksyon sa Organisasyon (1962-1968).
Sa gitna ng tumitinding krisis pang-ekonomiya at pampulitika sa bansa, at pag-usbong at paglakas ng mga organisasyong sektoral tulad ng sa kabataan, muling naharap sa krisis na panloob ang CEGP. Ang tunggalian sa loob ng organisasyon ukol sa magiging tindig nito sa mga isyung bumabagabag sa mga mamamayan lalo na sa hanay ng mga kabataan ang tinalakay sa Ang Transisyon: Sa Gitna ng Tumitinding Kontradiksyon (1969-1971). Bagamat maraming mga progresibong mamamahayag na miyembro ang CEGP, makikita sa mga taong ito na patuloy pa lamang na nagkakaroon ng pagbabago sa loob ng organisasyon. Hanggang sa tuluyang maging isang patriyotiko at demokratikong organisasyon sa bahagi ng kasaysayan nito nuong 1971 na pinamagatang Ang Pagbalikwas: Retranspormasyon at Reoryentasyon.
Sa pag-aaral na ito ng CEGP, makikita ang banyuhay na pinagdaanan ng organisasyon mula sa isang tradisyunal na organisasyon patungo sa isang patriyotiko at demokratikong organisasyon. Ito ay maiuugat sa paggampan ng mga aktor na kumikilos sa loob ng CEGP partikular ang mga miyembro, opisyal at alumni nito, patungo sa layunin nitong sa pagsusulong ng kagalingan at karapatan sa pamamahayag pangkampus. Nakita ang pakikipagtalaban ng CEGP bilang isang organisasyon ng mga pahayagang pangkampus sa iba pang isntitusyon at grupo sa lipunang kanyang ginagalawan. Ang pagbangon at pagunlad ang Guild ay hindi maisasakatuparan kung wala ang mga kontradiksyong kinaharap nito nagpabagsak at nagbigay-hamon sa loob ng organisasyon. Makikitang hindi alyenado ang kasaysayan ng CEGP sa kasaysayan ng pamamahayag, ng kilusang kabataan at pagka-bansa ng Pilipinas.
Matagal na panahon nang sumasakasaysayan ang CEGP bilang organisasyon. Ang pag-aaral na ito ay isa lamang pagsipat sa mga unang bahagi ng mahigit pitong dekada at patuloy na lumalawak na kasaysayan ng organisasyon. Marami pang bahagi ng pag-aaral ang nararapat na punan at ipagpatuloy. Ang pagsipat na ito ay inaasahang magbubukas pa ng mas malalim na pag-unawa sa mga pangyayari sa loob ng organisasyon.
Matagal na panahon nang sumasakasaysayan ang CEGP bilang organisasyon. Ang pag-aaral na ito ay isa lamang pagsipat sa mga unang bahagi ng mahigit pitong dekada at patuloy na lumalawak na kasaysayan ng organisasyon. Marami pang bahagi ng pag-aaral ang nararapat na punan at ipagpatuloy. Ang pagsipat na ito ay inaasahang magbubukas pa ng mas malalim na pag-unawa sa mga pangyayari sa loob ng organisasyon.
Ang pagbibigay-larawan sa kasaysayan ng CEGP ay pagbibigay-larawan sa kasaysayan ng pamamahayag at ng kilusang kabataan sa Pilipinas. |
format |
text |
author |
Madula, Rowell Decena |
author_facet |
Madula, Rowell Decena |
author_sort |
Madula, Rowell Decena |
title |
Buhay at banyuhay ng pamamahayag pangkampus: Pagsipat sa kasaysayan ng College Editors Guild of the Philippines, 1931-1972 |
title_short |
Buhay at banyuhay ng pamamahayag pangkampus: Pagsipat sa kasaysayan ng College Editors Guild of the Philippines, 1931-1972 |
title_full |
Buhay at banyuhay ng pamamahayag pangkampus: Pagsipat sa kasaysayan ng College Editors Guild of the Philippines, 1931-1972 |
title_fullStr |
Buhay at banyuhay ng pamamahayag pangkampus: Pagsipat sa kasaysayan ng College Editors Guild of the Philippines, 1931-1972 |
title_full_unstemmed |
Buhay at banyuhay ng pamamahayag pangkampus: Pagsipat sa kasaysayan ng College Editors Guild of the Philippines, 1931-1972 |
title_sort |
buhay at banyuhay ng pamamahayag pangkampus: pagsipat sa kasaysayan ng college editors guild of the philippines, 1931-1972 |
publisher |
Animo Repository |
publishDate |
2007 |
url |
https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_masteral/3592 https://animorepository.dlsu.edu.ph/context/etd_masteral/article/10430/viewcontent/CDTG004134_P__2_.pdf |
_version_ |
1775631180531499008 |
spelling |
oai:animorepository.dlsu.edu.ph:etd_masteral-104302022-06-09T01:31:02Z Buhay at banyuhay ng pamamahayag pangkampus: Pagsipat sa kasaysayan ng College Editors Guild of the Philippines, 1931-1972 Madula, Rowell Decena Bahagi ng pang-araw-araw na pamumuhay ng mga tao ang pamamahayag. Mula paggising sa umaga, hanggang bago tuluyang magpahinga sa gabi, mga balita sa radyo, telebisyon at pahayagan ang kaulayaw ng paningit pandinig ng mga mamamayan. Napakalawak nang naaabot ng kapangyarihan ng midya sa buhay, mapa-indibidwal o ng buong sambayanan. May kakayahan itong makapagbigay ng impormasyon, makapang-impluwensya ng pananaw o makapagmulat, makapagpakilos at makapagpalaya. Isang demokratikong karapatan ang makapagpahayag, sa garantiya ng Saligang Batas ng mamamayan. Ang kalayaang ito'y nararapat lamang na tinatamasa ng bawat Pilipino ano man ang katayuan niya sa buhay o saan man siya naruruon. Sa kanyang tahanan, simbahan, sa kalsada, sa Kongreso, kanayunan, sa bundok at maging sa loob ng paaralan. Kaya naman, ang pamamahayag pangkampus sa Pilipinas ay nakapagtala ng mayaman at makulay na kasaysayan sa loob ng napakahabang panahon. Mula sa ikaapat na baytang sa mababang paaralan hanggang sa ikaapat na taon sa hayskul, hinahasa ang mga kakanyahan ng mga mag-aaral. Hinuhusgahan ang kagalingan ng mga mamamahayag pangkampus matapos ang ilang buwang pagsasanay sa pagsulat ng balita, editoryal, lathalain at balitang pampalakasan, pagwawasto at pag-uulo, pagkuha ng larawan at maging paglalapat, sa mga paligsahang panlokal at pambansa. Dahil rito, marami sa mga mag-aaral na ito ang kumukuha ng kursong may kinalaman sa pamamahayag o kaya'y nagiging kasapi ng mga pahayagang pangkampus sa kolehiyo. Sa pag-aaral na ito na may titulong Ang Buhay at Banyuhay ng Pamamahayag Pangkampus: Pagsipat sa Kasaysayan ng College Editors Guild of the Philippines (1931-1972), binigyang-larawan ang kasaysayan ng pinakamatanda at pinakamalawak na organisasyon ng mga pahayagang pangkampus sa buong bansa. Ang CEGP ay itinatag nuong ika-25 ng Hulyo, taong 1931 na isang elitistang samahan ng mga patnugot ng mga pangkolehiyong pahayagan sa Maynila. Sa pagdiriwang nito ng ika-pitumpu't limang taong anibersaryo nuong 2006, nananatiling buhay at matatag ang CEGP na mayruong humigit-kumulang na pitong daan at limanpung miyembro publikasyon. Ang kasaysayan ay hindi lamang isang talaan ng mga pangyayari, kundi ito'y isang buhay na salamin ng nakalipas at kasalukuyan na maaaring paghalawan ng mga aral at identidad sa hinaharap. Sa loob ng mahabang panahon ng pagsasakasaysayan ng Guild, hindi maikakaila ang malaking papel nito sa pagbuo at pagtukoy sa kasaysayan ng pamamahayag, ng kilusang kabataan at ng mismong pagbuo ng pagka-bansa ng Pilipinas. Ang pag-aaral na ito ay isang malaking ambag sa disiplina ng Kasaysayan at Filipinolohiya. Nilalayon ng pag-aaral na ito ang pagsasalarawan ng pagsisimula ng CEGP bilang isang organisasyon nuong 1931 hanggang sa ito'y maipasara sa pagdedeklara ng Batas Militar ni Pangulong Ferdinand Marcos nuong 1972. Masusing nitong sinundan at sinuri ang mga tagumpay at kabiguan, pag-unlad at pagbangon ng Guild sa mga unang taon ng pagkakatatag nito. Rekonstruksyon at Redepenisyon (1946-1962),tinukoy ang iba't ibang isyung tinugunan ng CEGP bilang isang pambansang organisasyon. Nakita ng organisasyon ang papel na ginagampanan nito sa lipunang kanyang ginagalawan. Ang aktibong pakikilahok ng mga miyembro, opisyal at alumni ng Guild sa iba't ibang larangan tulad ng pamamahayag sa mainstream, serbisyo-publiko at akademya, na siyang mas lalong nagbigay ng prestihiyo at pagkilala mula sa mga taong labas sa organisasyon, ang siya ring nagdulot ng mas maraming kontradiksyon at hidwaan rito na makikita sa bahaging Paghagupit ng Kontradiksyon sa Organisasyon (1962-1968). Sa gitna ng tumitinding krisis pang-ekonomiya at pampulitika sa bansa, at pag-usbong at paglakas ng mga organisasyong sektoral tulad ng sa kabataan, muling naharap sa krisis na panloob ang CEGP. Ang tunggalian sa loob ng organisasyon ukol sa magiging tindig nito sa mga isyung bumabagabag sa mga mamamayan lalo na sa hanay ng mga kabataan ang tinalakay sa Ang Transisyon: Sa Gitna ng Tumitinding Kontradiksyon (1969-1971). Bagamat maraming mga progresibong mamamahayag na miyembro ang CEGP, makikita sa mga taong ito na patuloy pa lamang na nagkakaroon ng pagbabago sa loob ng organisasyon. Hanggang sa tuluyang maging isang patriyotiko at demokratikong organisasyon sa bahagi ng kasaysayan nito nuong 1971 na pinamagatang Ang Pagbalikwas: Retranspormasyon at Reoryentasyon. Sa pag-aaral na ito ng CEGP, makikita ang banyuhay na pinagdaanan ng organisasyon mula sa isang tradisyunal na organisasyon patungo sa isang patriyotiko at demokratikong organisasyon. Ito ay maiuugat sa paggampan ng mga aktor na kumikilos sa loob ng CEGP partikular ang mga miyembro, opisyal at alumni nito, patungo sa layunin nitong sa pagsusulong ng kagalingan at karapatan sa pamamahayag pangkampus. Nakita ang pakikipagtalaban ng CEGP bilang isang organisasyon ng mga pahayagang pangkampus sa iba pang isntitusyon at grupo sa lipunang kanyang ginagalawan. Ang pagbangon at pagunlad ang Guild ay hindi maisasakatuparan kung wala ang mga kontradiksyong kinaharap nito nagpabagsak at nagbigay-hamon sa loob ng organisasyon. Makikitang hindi alyenado ang kasaysayan ng CEGP sa kasaysayan ng pamamahayag, ng kilusang kabataan at pagka-bansa ng Pilipinas. Matagal na panahon nang sumasakasaysayan ang CEGP bilang organisasyon. Ang pag-aaral na ito ay isa lamang pagsipat sa mga unang bahagi ng mahigit pitong dekada at patuloy na lumalawak na kasaysayan ng organisasyon. Marami pang bahagi ng pag-aaral ang nararapat na punan at ipagpatuloy. Ang pagsipat na ito ay inaasahang magbubukas pa ng mas malalim na pag-unawa sa mga pangyayari sa loob ng organisasyon. Matagal na panahon nang sumasakasaysayan ang CEGP bilang organisasyon. Ang pag-aaral na ito ay isa lamang pagsipat sa mga unang bahagi ng mahigit pitong dekada at patuloy na lumalawak na kasaysayan ng organisasyon. Marami pang bahagi ng pag-aaral ang nararapat na punan at ipagpatuloy. Ang pagsipat na ito ay inaasahang magbubukas pa ng mas malalim na pag-unawa sa mga pangyayari sa loob ng organisasyon. Ang pagbibigay-larawan sa kasaysayan ng CEGP ay pagbibigay-larawan sa kasaysayan ng pamamahayag at ng kilusang kabataan sa Pilipinas. 2007-01-01T08:00:00Z text application/pdf https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_masteral/3592 https://animorepository.dlsu.edu.ph/context/etd_masteral/article/10430/viewcontent/CDTG004134_P__2_.pdf Master's Theses Filipino Animo Repository Journalism--Study and teaching--Philippines Journalism--Philippines Journalism Studies Mass Communication |