Sa mataas na upuan: Kasaysayan at poetika ng high chair

Ang pananaliksik na ito na may pamagat na Sa Mataas na Upuan: Kasaysayan at Poetika ng High Chair ay naglayong maitanghal ang kasaysayan ng High Chair bilang isang samahang pampanulaan at publikasyon dahil na rin sa hindi iilang pagkilala rito ng mga may bahagi sa panitikang pambansa. Gayundin, sini...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Author: Delos Reyes, Joselito Danal
Format: text
Language:Filipino
Published: Animo Repository 2011
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_masteral/4300
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Language: Filipino
Description
Summary:Ang pananaliksik na ito na may pamagat na Sa Mataas na Upuan: Kasaysayan at Poetika ng High Chair ay naglayong maitanghal ang kasaysayan ng High Chair bilang isang samahang pampanulaan at publikasyon dahil na rin sa hindi iilang pagkilala rito ng mga may bahagi sa panitikang pambansa. Gayundin, sinikap ng pananaliksik na alamin ang poetika ng ilang piling makata sa Filipino ng High Chair tungo sa higit pang ikatatanghal ng High Chair bilang kolektiba ng mga makatang nagtataglay ng isang poetika. Mula sa idinebelop ng mananaliksik na Batayang Konseptwal bilang padron upang makamit ang layunin ng pananaliksik gamit ang textual analysis, malalimang panayam, at focus group discussion, napatunayang ang pagkabuo sa grupong ibinunsod ng publikasyong High Chair ay kakaiba sa ibang nabanggit na pangkat ng makata at manunulat sa bansa. Naiiba dahil na rin sa paraan nila ng pagkabuowalang pormal na panuntunan, walang tiyak na pagmumulan ng pondo, at iba patungo sa pag-iibayuhing publikasyon na inaasahang mag-aambag pa ng kalipunan sa lumalawak na panitikang pambansa. ix Napatunayan din ng pananaliksik ang pagkiling ng mga makata, taglay ang kanilang tulang sinuri, tungo sa sinasadyang pagpapalalim ng tula palayo sa nakasanayang panulaan sa bansa. Samantala, sa paglalapat sa kasaysayan ng panitikang pambansa, natukoy ng mananaliksik na hindi naiiba ang tunguhin ng samahang ibinunsod ng publikasyon kung ihahambing sa mga naunang samahang pampanitikang nabuo, nagpunyagi, at namilaylay sa magkakaibang panahon sa kasaysayan.