Sa patlang: Isang lirikong sunuran

Pagtatanghal at pagninilay ang tatlumpung tula sa tesis na ito sa salimuot ng posisyon ng tao (persona) na saksi kung paano maaaring humarap sa kakulangan ang kanyang kapwa sa anumang paraan pagsaksi na may mabigat na implikasyon sa kanya kaugnay ng realisasyong nananatili siyang kasangkot sa nasabi...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Author: Arguelles, Mesandel Virtusio
Format: text
Language:Filipino
Published: Animo Repository 2012
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_masteral/4338
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Language: Filipino
Description
Summary:Pagtatanghal at pagninilay ang tatlumpung tula sa tesis na ito sa salimuot ng posisyon ng tao (persona) na saksi kung paano maaaring humarap sa kakulangan ang kanyang kapwa sa anumang paraan pagsaksi na may mabigat na implikasyon sa kanya kaugnay ng realisasyong nananatili siyang kasangkot sa nasabing pagharap at pinalulubha ito ng kanyang sariling kakulangan gayundin ng personal na relasyon at pagpapahalaga sa kapwa na pangunahing hinubog ng pamilya. May tatlong magkakasaping tahi ang koleksiyon. Sa una, muling binabaybay ng persona ang mga karanasang sumaksi sa pagkakaroon ng kapansanan sa pandinig ng kanyang kapatid. Isinasadula kapwa ang mahirap na kalagayan ng pagharap ng kapatid sa unti-unting katahimikang bunga ng kapansanan at ang kanya ring pagharap sa kalagayang ito na nauudyukan ng pagnanasang kumalinga. Sa ikalawa, binibigyan ng verbal na representasyon ang labing-apat na pintura ni Goya na nilikha nang ang pintor ay bingi na at solitaryong namumuhay habang isinasaalang-alang ang tinatayang malaking katahimikang pinag-ahunan ng kanyang mga obra. Nasa ikatlo naman ang pagninilay ng persona hinggil sa kalikasan ng salita kaugnay ng katahimikang nakaligid dito kung paano muli't muling maihuhulog at maiaahon mula sa bunganga (imahen ng balon) ang salita sa pagnanasang maabot ng tao ang tao (kapwa) sa kanyang kalagayan bagamat nananatili ang kanilang pagitan.