Ang iligal na paghahanap-buhay sa bansang Hapon: Kaso ng anim na Pilipinang taga-aliw

Ang nagpapalalang mga sitwasyon sa paggawa ng mga kababaihang Pilipinang namamasukan sa bansang Hapon ay nagbunsod sa manunulat na ipagpatuloy ang pagsubok sa pag-aaral na ito. Ang interes ay nagmula rin sa napakaraming mga nakakasalamuhang taga-aliw ng mananaliksik sa dating pinapasukang opisina na...

全面介紹

Saved in:
書目詳細資料
主要作者: Fontanilla, Crisanta T.
格式: text
語言:English
出版: Animo Repository 1993
主題:
在線閱讀:https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_masteral/4425
標簽: 添加標簽
沒有標簽, 成為第一個標記此記錄!
實物特徵
總結:Ang nagpapalalang mga sitwasyon sa paggawa ng mga kababaihang Pilipinang namamasukan sa bansang Hapon ay nagbunsod sa manunulat na ipagpatuloy ang pagsubok sa pag-aaral na ito. Ang interes ay nagmula rin sa napakaraming mga nakakasalamuhang taga-aliw ng mananaliksik sa dating pinapasukang opisina na nagpapahayag ng kanilang mga naranasan sa bansang Hapon. Habang lumalaon paparami ng paparami ang naitutulak sa ganitong hanap-buhay lalo na nga ang pagiging iligal, hangang sa napapabalita ang mga peligrong kinasasadlakan na kung saan ang iba ay pinagsasamantalahan, inaabuso at pinapatay. Ang pag-aaral ng kaso ng anim na Pilipinong taga-aliw sa bansang Hapon ay isinasagawa sa paggamit ng kuwento ng buhay at ang content analysis bilang paraan sa pagsusuri ng mga kinalabasan. Ang pagkolekta ng datos ay pinasimulan sa pamamagitan ng unstructured intrerview guide at ng malawakang obserbasyon sa loob ng pamilya at ng pamayanan. Ang gabay sa pagtatanong ay binubuo ng dalawang magkaibang talahanay ng mga katanungan. Isa ay para sa mga pangunahing kalahok at ang ikalawa ay para sa dalawang taong malapit sa kalahok.