Ang Marhinalisasyon, at potensyal na kapangyarihan ng mga konstrak ng pagkababae na nakapaloob sa programang Face to Face
Ang pananaliksik na ito ay isinagawa bilang pagtingin sa imahen ng mga pagkababae na itinatampok sa Face to Face na kauna-unahang may temang tabloid talk show na pumatok taong 2010 na ipinakilala ng TV5, at naging pangunahing panibagong kulturang popular sa kasaysayan ng Philippine Television. Dahil...
Saved in:
Main Author: | |
---|---|
Format: | text |
Language: | English |
Published: |
Animo Repository
2013
|
Online Access: | https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_masteral/4576 |
Tags: |
Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
|
Institution: | De La Salle University |
Language: | English |
Summary: | Ang pananaliksik na ito ay isinagawa bilang pagtingin sa imahen ng mga pagkababae na itinatampok sa Face to Face na kauna-unahang may temang tabloid talk show na pumatok taong 2010 na ipinakilala ng TV5, at naging pangunahing panibagong kulturang popular sa kasaysayan ng Philippine Television. Dahil sa kakaibang tema, at pormat, naging kontrobersyal ang bawat episode nito na hinuha mula sa mga naitalang kaso sa Baranggay Hall sa Metro Manila.
Nilimitahan ng mananaliksik ang mga episodes na naging sakop ng pag-aaral sa loob ng tatlong buwan na sinimulang kalapin mula Mayo 24, 2012 hanggang Agosto 31, 2012. Pangunahing ginamit ang teorya ni Judith Butler na Performativity kung saan diniskurso ang kontent ng ipinapakitang imahen, diyalogo, konseptong bayolohikal, ipinupusturang imahen, at iba pang ipinapakitang (visual cues) salik na nakakaapekto sa pag-uugali ng mga pagkababae.
Natukoy ang 9 na konstrak na karaniwang itinatampok, at ang mga nakapaloob na diskurso sa mga ito na mayroong hatid na implikasyon sa lipunang Pilipino. Resulta ng pag-aaral ang pagtatampok ng Face to Face sa 9 na konstrak bilang espasyong lumulusaw sa konseptong patriyarka, at transisyong nagsisilbing pangunahing potensyal na maituturing na pagkilala sa kasalukuyang estilo (imahen) ng pagkababae |
---|