Ang mito ng bayanihan of 'd pipol: Isang semiotikang pagbasa ng Juan for all, all for Juan ng Eat Bulaga!
Ginamit sa pag-aaral na ito ang mga imahe sa segment ng Eat Bulaga na Juan for All, All for Juan mula sa 52 na Sabadong episode sa taong 2013: ang title card, tindahan, kwento ng mga nanalo, pagkain, si Bossing at sina Jose, Wally at Paolo, bayanihan line at plastik na bote. Ang mga imaheng napili n...
Saved in:
Main Author: | |
---|---|
Format: | text |
Language: | Filipino |
Published: |
Animo Repository
2014
|
Subjects: | |
Online Access: | https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_masteral/4631 https://animorepository.dlsu.edu.ph/context/etd_masteral/article/11469/viewcontent/CDTG005591_F__1__Redacted.pdf |
Tags: |
Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
|
Institution: | De La Salle University |
Language: | Filipino |
Summary: | Ginamit sa pag-aaral na ito ang mga imahe sa segment ng Eat Bulaga na Juan for All, All for Juan mula sa 52 na Sabadong episode sa taong 2013: ang title card, tindahan, kwento ng mga nanalo, pagkain, si Bossing at sina Jose, Wally at Paolo, bayanihan line at plastik na bote. Ang mga imaheng napili na ginawang tuntungan ng mananaliksik sa pagsusuri ay hinati sa dalawang bahagi: ang estratehiya ng Eat Bulaga bilang tagapagbigay-biyaya sa bayan (Juan for All) at ang Barangay bilang bayan na tumutulong sa adhikain ng Eat Bulaga (All for Juan).
Sa huli, sa pamamagitan ng teoryang Semiotika ni Roland Barthes, sinuri ang bawat imaheng kinuha sa palabas upang masipat ang konsepto ng bayanihan of „d pipol na itinataguyod ng palabas. Ipinakita sa pagsusuri na ang paglalapat ng bayanihan sa Juan for All, All for Juan ay nagsilbing estratehiya ng palabas upang maikubli ang mga kontradiksyong maikakabit dito – ang walang patid na komersyalismo at kapitalismo ng mga naghaharing-uri sa bansa. |
---|