Kasaysayan ng kaisipang pang-edukasyon ni Geronima T. Pecson: 1904-1976
Nakatuon ang pag-aaral na ito sa pagbuo, paghubog at paghugis ng kaisipang pang-edukasyon ni Geronima T. Pecson mula 1904 hanggang 1976. Gamit ang kanyang mga talumpati, liham, artikulo, aklat, batas at proyektong naisagawa, tinukoy ng mananaliksik ang mga kaisipang pang-edukasyon na kanyang ginamit...
Saved in:
Main Author: | |
---|---|
Format: | text |
Language: | Filipino |
Published: |
Animo Repository
2017
|
Subjects: | |
Online Access: | https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_masteral/5601 |
Tags: |
Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
|
Institution: | De La Salle University |
Language: | Filipino |
Summary: | Nakatuon ang pag-aaral na ito sa pagbuo, paghubog at paghugis ng kaisipang pang-edukasyon ni Geronima T. Pecson mula 1904 hanggang 1976. Gamit ang kanyang mga talumpati, liham, artikulo, aklat, batas at proyektong naisagawa, tinukoy ng mananaliksik ang mga kaisipang pang-edukasyon na kanyang ginamit bilang tugon sa pangangailangang pang-edukasyon ng Pilipinas sa kanyang panahon.
Mababatid sa pag-aaral na ito ang kasaysayan ng kaisipang pang-edukasyon ni Pecson na isang Pilipinong palaisip, na nagawang makiayon sa mga kaisipang pang-edukasyon na pumasok sa Pilipinas sa kanyang panahon. Ang kanyang pagsabay sa mga kaisipang ito ay naging daan upang makabuo siya ng kaisipan na naka-ayon sa sistemang pang-edukasyon ng Pilipinas at sa paraan ng pagkatuto ng mga Pilipino. Makikita ang mga ito sa kanyang naging buhay bilang isang tagapagtaguyod ng edukasyon at bilang isang senador. Sumakatuwid, ang kanyang mga kaisipan, hinubog man ito ng mga kaisipang panlabas, ay naging daan upang tumugon sa mga pangangailangan ng mga Pilipino. |
---|