Kuwentong butsero: Limang kuwento ng karahasan
Ang kuwento ay sumasalamin sa buhay ng tao. Hindi maiiwasan na ang isang tao kahit ano man ang kaniyang kasarian, antas ng pamumuhay, tinapos na pag-aaral, atbp. ay maging biktima ng karahasan. Maraming akda, na mababasa rin sa mga maikling kuwento sa Filipino, ang may paksa ukol sa karahasan. Subal...
Saved in:
Main Author: | |
---|---|
Format: | text |
Language: | Filipino |
Published: |
Animo Repository
2017
|
Subjects: | |
Online Access: | https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_masteral/5670 |
Tags: |
Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
|
Institution: | De La Salle University |
Language: | Filipino |
Summary: | Ang kuwento ay sumasalamin sa buhay ng tao. Hindi maiiwasan na ang isang tao kahit ano man ang kaniyang kasarian, antas ng pamumuhay, tinapos na pag-aaral, atbp. ay maging biktima ng karahasan. Maraming akda, na mababasa rin sa mga maikling kuwento sa Filipino, ang may paksa ukol sa karahasan.
Subalit, kailangan pa ba na magpatuloy ang isang kuwentista na magsulat ng mga maikling kuwento na may eksenang karahasan? Ano ang papel nito gayong sa kasalukuyang panahon, hindi na maipipikit ng isang tao ang kaniyang mga mata sa eksena ng karahasan?
Sa ngayon, nababasa ang karahasan sa diyaryo at tabloid, naririnig sa radyo at napapanood sa telebisyon at pelikula. Sa pagkakaroon ng social media, mas lalong lantad ang karahasan dahil mismong tao (mga gumagamit ng social media) ang siyang nagpapakalat ng mga kuwento, retrato o video ng karahasan. Ano ngayon ang pinagkaiba ng dyornalismo sa panitikan?
Layon ng koleksiyong Kuwentong Butsero, sa pamamagitan ng limang maikling kuwento, na magpakita ng mga eksena ng karahasang sumasalamin sa totoong upang ipakita o iparamdam sa mambabasa ang tunay na gampanin ng karahasan sa panitikan, na iba sa gampanin ng dyornalismo o media.
Mababasa rito kung paano naitutulak ang isang tao na gumawa ng karahasan dahil sa poot, kasakiman o banidad. Subalit, kung ano man ang konklusyon o madadama ng mambabasa sa bawat kuwento ay nakasalalay na sa kaniyang panimbang at paghusga, at kaniyang opinyon at pandama kung pag-uusapan ang karahasan. |
---|