Mga popular na salitang balbal sa headlines ng balitang tabloid

PAMAGAT: Mga Popular na Salitang Balbal sa Headlines ng Balitang Tabloid LAYUNIN: Naglalayon ang pag-aaral na ito na matukoy ang mga popular na salitang balbal sa headlines ng balitang tabloid. Tiyak na layunin ng pananaliksik ay matukoy ang mga popular na salitang balbal na madalas gamitin ng mga m...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Author: Feliciano, Neil Ruiz
Format: text
Language:Filipino
Published: Animo Repository 2011
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_masteral/5885
https://animorepository.dlsu.edu.ph/context/etd_masteral/article/12775/viewcontent/CDTG005024_P.pdf
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Language: Filipino
id oai:animorepository.dlsu.edu.ph:etd_masteral-12775
record_format eprints
institution De La Salle University
building De La Salle University Library
continent Asia
country Philippines
Philippines
content_provider De La Salle University Library
collection DLSU Institutional Repository
language Filipino
topic Slang
Tabloid newspapers
Language Interpretation and Translation
spellingShingle Slang
Tabloid newspapers
Language Interpretation and Translation
Feliciano, Neil Ruiz
Mga popular na salitang balbal sa headlines ng balitang tabloid
description PAMAGAT: Mga Popular na Salitang Balbal sa Headlines ng Balitang Tabloid LAYUNIN: Naglalayon ang pag-aaral na ito na matukoy ang mga popular na salitang balbal sa headlines ng balitang tabloid. Tiyak na layunin ng pananaliksik ay matukoy ang mga popular na salitang balbal na madalas gamitin ng mga mamamahayag sa headlines na balitang tabloid gayundin ang pagpapakahulugan nito. Mahalaga ang pananaliksik na ito sapagkat nagbubukas ito ng kamalayan sa mga mambabasa, mamamahayag, manunulat at linggwist hinggil sa katayuan o kalagayan ng salitang balbal sa kaantasan ng wika. Tinipon ng kasalukuyang mananaliksik ang labingwalong (18) arawang tabloid sa Filipino na sa kasalukuyang ay nasa sirkulasyon hindi lamang sa Metro Manila kundi sa buong bansa. Pinili ang mga tabloid na lumabas sa loob ng dalawang buwan - Hulyo 1 hanggang Agosto 31, 2009. Sinuri ng kasalukuyang mananaliksik ang mga headline ng balitang tabloid na may salitang balbal. Ang apat na mahahalagang uri ng balita ay binigyang-pansin. Ito ang Balitang Pambansa, Balitang Krimen, Balitang Enterteynment, at Balitang Isports. Bawat uri ng balitang nabanggit ay may iba’t ibang kategoryang nilalahukan. Nakasandig ang bilang ng kategoryang ito batay sa dalas o dami ng pangyayari na kailangan sa pagbabalita. Matapos na mabatid ang mga katangian at anyo ng salitang balbal ay dumako naman ang kasalukuyang mananaliksik sa pagkuha ng frequency o dalas ng paggamit ng bawat salitang balbal sa bawat uri ng balita at kategorya nito. Ang lahat ng mga salitang balbal na lumabas o nailathala sa tabloid ay maituturing na popular sapagkat itinuturing ito ng mga mamamahayag na kilala o pamilyar ito sa mga mambabasa. Ang lahat ng salitang balbal na pinakamataas na frequency sa bawat kategorya ay inilahok sa talatanungan para sa mga respondent ay tinatawag na mas popular. Samantalang tutukuyin din ang nag-iisang salitang balbal na itinuring na pinakapopular sapagkat nakapagtala ito ng may pinakamataas na frequency at pinakamadalas na pagbanggit o paggamit sa balitang tabloid. Bago nagsagawa ng sarbey sa mga respondent, ipina-validate muna ng kasalukuyang mananaliksik ang talatanungan. Ang mga estudyanteng nasa ikaapat na antas ng A.B. Journalism ang napiling respondent sa sarbey. Isang descriptive-normative survey ang ginamit sa pag-aaral. Ang sarbey na ito ay nagbibigay ng deskriptibong impormasyon sa demograpikong populasyon ng mga respondent. Ilan sa mga paraan ng pangangalap ng datos ay sa pamamagitan ng pagmamasid, panayam, talatanungan, pagsusuri ng mga datos, at iba pa. Ang multivariate descriptive design ang ginamit upang maipakita ang relasyon o kaugnayan ng dalawa o higit pang variable sa isa’t isa. Ang pagkuha ng kabuuang frequency, ranking, at percentage ang ginamit sa estadistika. Matapos na maitala ang mga popular na salitang balbal sa balitang tabloid, isinaayos ito bilang glosari. Kaugnay nito, bumuo ng talahanayan ang kasalukuyang mananaliksik upang maipakita ang kasalukuyang kalagayan ng mga salitang balbal. Inilahad din ang mga isinagawang pagpapakahulugan ng mga mamamahayag et al (2009) ng tabloid at mga manunulat ng diksyunaryo na gaya nina San Miguel at Zorc (1993) at Almario (2010). Sa pagtatapos, natuklasan ng kasalukuyang mananaliksik mula sa binuong diksyunaryo nina San Miguel at Zorc (1993) ay hindi gaanong matibay ang pinagmulan o etimolohiya ng mga salitang ginamit gayundin ang mahinang estruktura ng pagkakabuo nito. Sa pagpapakahulugan naman ng mga mamamahayag et al. (2009), nagkakaroon ng maling pagpapakahulugan sa mga salitang balbal na maaaring magdulot ng kalituhan o kalabuan para sa mga mambabasa. At sa diksyunaryo naman ni Almario (2010), walang lahok na inilaan para sa mga salitang balbal na umuusisa naman sa kaantasan ng wika. Sa kasalukuyan, nangangailangan pa ng masusing pananaliksik hinggil sa kalagayan ng salitang balbal sa ating komunikasyon.
format text
author Feliciano, Neil Ruiz
author_facet Feliciano, Neil Ruiz
author_sort Feliciano, Neil Ruiz
title Mga popular na salitang balbal sa headlines ng balitang tabloid
title_short Mga popular na salitang balbal sa headlines ng balitang tabloid
title_full Mga popular na salitang balbal sa headlines ng balitang tabloid
title_fullStr Mga popular na salitang balbal sa headlines ng balitang tabloid
title_full_unstemmed Mga popular na salitang balbal sa headlines ng balitang tabloid
title_sort mga popular na salitang balbal sa headlines ng balitang tabloid
publisher Animo Repository
publishDate 2011
url https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_masteral/5885
https://animorepository.dlsu.edu.ph/context/etd_masteral/article/12775/viewcontent/CDTG005024_P.pdf
_version_ 1772835588207017984
spelling oai:animorepository.dlsu.edu.ph:etd_masteral-127752022-02-24T08:29:53Z Mga popular na salitang balbal sa headlines ng balitang tabloid Feliciano, Neil Ruiz PAMAGAT: Mga Popular na Salitang Balbal sa Headlines ng Balitang Tabloid LAYUNIN: Naglalayon ang pag-aaral na ito na matukoy ang mga popular na salitang balbal sa headlines ng balitang tabloid. Tiyak na layunin ng pananaliksik ay matukoy ang mga popular na salitang balbal na madalas gamitin ng mga mamamahayag sa headlines na balitang tabloid gayundin ang pagpapakahulugan nito. Mahalaga ang pananaliksik na ito sapagkat nagbubukas ito ng kamalayan sa mga mambabasa, mamamahayag, manunulat at linggwist hinggil sa katayuan o kalagayan ng salitang balbal sa kaantasan ng wika. Tinipon ng kasalukuyang mananaliksik ang labingwalong (18) arawang tabloid sa Filipino na sa kasalukuyang ay nasa sirkulasyon hindi lamang sa Metro Manila kundi sa buong bansa. Pinili ang mga tabloid na lumabas sa loob ng dalawang buwan - Hulyo 1 hanggang Agosto 31, 2009. Sinuri ng kasalukuyang mananaliksik ang mga headline ng balitang tabloid na may salitang balbal. Ang apat na mahahalagang uri ng balita ay binigyang-pansin. Ito ang Balitang Pambansa, Balitang Krimen, Balitang Enterteynment, at Balitang Isports. Bawat uri ng balitang nabanggit ay may iba’t ibang kategoryang nilalahukan. Nakasandig ang bilang ng kategoryang ito batay sa dalas o dami ng pangyayari na kailangan sa pagbabalita. Matapos na mabatid ang mga katangian at anyo ng salitang balbal ay dumako naman ang kasalukuyang mananaliksik sa pagkuha ng frequency o dalas ng paggamit ng bawat salitang balbal sa bawat uri ng balita at kategorya nito. Ang lahat ng mga salitang balbal na lumabas o nailathala sa tabloid ay maituturing na popular sapagkat itinuturing ito ng mga mamamahayag na kilala o pamilyar ito sa mga mambabasa. Ang lahat ng salitang balbal na pinakamataas na frequency sa bawat kategorya ay inilahok sa talatanungan para sa mga respondent ay tinatawag na mas popular. Samantalang tutukuyin din ang nag-iisang salitang balbal na itinuring na pinakapopular sapagkat nakapagtala ito ng may pinakamataas na frequency at pinakamadalas na pagbanggit o paggamit sa balitang tabloid. Bago nagsagawa ng sarbey sa mga respondent, ipina-validate muna ng kasalukuyang mananaliksik ang talatanungan. Ang mga estudyanteng nasa ikaapat na antas ng A.B. Journalism ang napiling respondent sa sarbey. Isang descriptive-normative survey ang ginamit sa pag-aaral. Ang sarbey na ito ay nagbibigay ng deskriptibong impormasyon sa demograpikong populasyon ng mga respondent. Ilan sa mga paraan ng pangangalap ng datos ay sa pamamagitan ng pagmamasid, panayam, talatanungan, pagsusuri ng mga datos, at iba pa. Ang multivariate descriptive design ang ginamit upang maipakita ang relasyon o kaugnayan ng dalawa o higit pang variable sa isa’t isa. Ang pagkuha ng kabuuang frequency, ranking, at percentage ang ginamit sa estadistika. Matapos na maitala ang mga popular na salitang balbal sa balitang tabloid, isinaayos ito bilang glosari. Kaugnay nito, bumuo ng talahanayan ang kasalukuyang mananaliksik upang maipakita ang kasalukuyang kalagayan ng mga salitang balbal. Inilahad din ang mga isinagawang pagpapakahulugan ng mga mamamahayag et al (2009) ng tabloid at mga manunulat ng diksyunaryo na gaya nina San Miguel at Zorc (1993) at Almario (2010). Sa pagtatapos, natuklasan ng kasalukuyang mananaliksik mula sa binuong diksyunaryo nina San Miguel at Zorc (1993) ay hindi gaanong matibay ang pinagmulan o etimolohiya ng mga salitang ginamit gayundin ang mahinang estruktura ng pagkakabuo nito. Sa pagpapakahulugan naman ng mga mamamahayag et al. (2009), nagkakaroon ng maling pagpapakahulugan sa mga salitang balbal na maaaring magdulot ng kalituhan o kalabuan para sa mga mambabasa. At sa diksyunaryo naman ni Almario (2010), walang lahok na inilaan para sa mga salitang balbal na umuusisa naman sa kaantasan ng wika. Sa kasalukuyan, nangangailangan pa ng masusing pananaliksik hinggil sa kalagayan ng salitang balbal sa ating komunikasyon. 2011-04-01T07:00:00Z text application/pdf https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_masteral/5885 https://animorepository.dlsu.edu.ph/context/etd_masteral/article/12775/viewcontent/CDTG005024_P.pdf Master's Theses Filipino Animo Repository Slang Tabloid newspapers Language Interpretation and Translation