Palengkultura: Pagmamapa sa palengke ng San Andres sa Maynila bilang espasyo at institusyong kultural
Ang palengke ng San Andres sa Maynila ay isa lamang sa mga palengkeng nabago ang balangkas ng pamamahala simula ng ipasok ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang kabuoang istruktura at espasyo ng pamamahala sa ilalim ng isang joint venture agreement na pinamumunuan ng isang pribadong kompanya, XRC Mal...
Saved in:
Main Author: | |
---|---|
Format: | text |
Language: | Filipino |
Published: |
Animo Repository
2019
|
Subjects: | |
Online Access: | https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_masteral/5907 https://animorepository.dlsu.edu.ph/context/etd_masteral/article/12875/viewcontent/Cabilin_EldrinJan_11698187_Partial.pdf |
Tags: |
Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
|
Institution: | De La Salle University |
Language: | Filipino |
Summary: | Ang palengke ng San Andres sa Maynila ay isa lamang sa mga palengkeng nabago ang balangkas ng pamamahala simula ng ipasok ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang kabuoang istruktura at espasyo ng pamamahala sa ilalim ng isang joint venture agreement na pinamumunuan ng isang pribadong kompanya, XRC Mall Developers Inc. Hinati sa tatlo ang naging pag-aaral upang mas masinop na masaluysoy ang mga ito mula sa a.) sakop at saklaw ng pisikal na espasyo ng palengke, b.) umiiral na pananaw o pagtingin ng mga tao sa espasyo ng palengke at, c.) kulturang nabuo na unik sa espasyo ng palengke. Isang bagong diwang tinawag na palengkultura ang dinalumat sa naging pag-aaral mula sa teoryang ginamit na spatial triad ni Henri Lefebvre. Gamit ang apat na makapilipinong pamamaraan sa mga mamimili at nagtitinda ay naitahi ang kolektibong mga datos na naging tuntungan sa pagdidiskurso ng koneksyon ng heograpikal na sakop at saklaw ng palengke sa mental na proseso at pagbabago ng palengke bilang espasyo. Matapos ang naging pagdidiskurso ay nilatag ang iginuhit na pagmamapa sa kabuoang espasyo ng palengke mula sa lokasyon, pagkakabuo at pagkakahati-hati o ang heograpikal na sakop at saklaw nito upang maging tuntungan sa paglalatag ng parametro sa magiging kaakuhan ng palengke bilang isang espasyo at institusyong kultural. Nagkaroon din ng Snowball Sampling at Focus Group Discussion (FGD) para naman sa ilang kinasangkap na mamimili. Apat na sosyal at ekonomikal na kultura ang nasuri sa pananaliksik. Una, ang suki phenomenon matapos ang pagbabagong bihis ng palengke; ikalawa, mga kuwento ng hindi matapos-tapos na tawaran at pangungutang sa palengke; ikatlo, ang kuwento at danas ng mga mamimili at nagtitinda sa naging presyo, pagpre-presyo at pagkalugi dito; at ikaapat, ang nag-uumpugang kompetisyon sa pamimili sa pagitan ng palengke ng San Andres, Puregold at palengke ng San Andres. Sa aspektong politikal naman ay nasipat ang una, tungkol sa konsepto ng Market Holiday at ang hindi natatapos na pakikibaka ng mga nagtitinda sa palengke ng San Andres magpasa hanggang ngayon at ikalawa, ang hindi nakikitang importansya ng palengke bilang isang gawain ng pampublikong serbisyo sa mga Manileño.
Susing Salita: palengke ng San Andres, espasyo, palengkultura, pagmamapa, spatial triad |
---|