Ang pangaraw-araw na buhay ng mga pangkaraniwang mamamayan ng Kabite, 1941-1945
Ang isinagawang panimulang pag-aaral ay tumalakay sa naging takbo ng pangaraw-araw na buhay ng mga pangkaraniwang mamamayan ng Kabite o yaong mga sibilyan o non-combatants noong kasagsagan ng pananakop ng Hapon mula taong 1941 hanggang 1945. Isang paglihis sa tradisyunal na pagsulat ng kasaysayan (k...
Saved in:
Main Author: | |
---|---|
Format: | text |
Language: | Filipino |
Published: |
Animo Repository
2010
|
Subjects: | |
Online Access: | https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_masteral/7002 |
Tags: |
Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
|
Institution: | De La Salle University |
Language: | Filipino |
id |
oai:animorepository.dlsu.edu.ph:etd_masteral-12878 |
---|---|
record_format |
eprints |
institution |
De La Salle University |
building |
De La Salle University Library |
continent |
Asia |
country |
Philippines Philippines |
content_provider |
De La Salle University Library |
collection |
DLSU Institutional Repository |
language |
Filipino |
topic |
Cavite (Philippines)--History Philippines--History Asian History |
spellingShingle |
Cavite (Philippines)--History Philippines--History Asian History Ramos, Gil Dilig Ang pangaraw-araw na buhay ng mga pangkaraniwang mamamayan ng Kabite, 1941-1945 |
description |
Ang isinagawang panimulang pag-aaral ay tumalakay sa naging takbo ng pangaraw-araw na buhay ng mga pangkaraniwang mamamayan ng Kabite o yaong mga sibilyan o non-combatants noong kasagsagan ng pananakop ng Hapon mula taong 1941 hanggang 1945. Isang paglihis sa tradisyunal na pagsulat ng kasaysayan (kung saan ang kalimitang pokus at sentro ay tungkol sa aspetong pulitikal at estado at gumagamit ng nakasulat na dokumento bilang pangunahing daluyan ng batis), ang natapos na pananaliksik-historikal ay ginamitan ng metodolohiyang pangkasaysayan na “paglalarawan-pagsusuri” (descriptive-analytical method) kung saan sa pamamagitan ng sariling salaysay at kuwento ng mga nakapanayam ay binigyang paglalarawan at sinuri ang naging pangaraw-araw na buhay ng mga pangkaraniwang mamamayan ng Kabite sa kainitan ng pananakop ng Hapon sa Pilipinas. Kinalap at tinipon ang mga nabanggit na datos at impormasyon sa pamamagitan ng kasaysayang pasalita o “oral history”. Iniugnay din ang pag-aaral sa konseptong New History (New Historicism) o Bagong Kasaysayan na nauna ng nakilala sa bansang Pransiya na isinulong ng mga mananalaysay na kabilang sa grupong Ecole des Annales noong dekada 30. Ang lokasyong geograpikal ng lalawigan ang siyang naging pangunahing basehan at pokus na pinagkuhanan ng mga panayam sa ginawang pananaliksik. Inilapat din ito sa naging ugnayang pang-ekonomiya, kultura at pulitika ng mga lugar na napili bago pa man sumalakay ang mga Hapon sa Pilipinas. Ang mga kalahok sa pag-aaral ay nagmula sa mga lunsod at bayang sumasakop sa lalawigan ng Kabite kung saan nagkaroon ng tig-tatlong (3) kinatawang lugar ang baybayin (coastal) at kapatagan (plain) o ang mababang Kabite, at kataasang lugar ng probinsiya o mataas na Kabite (upland). Sa ginawang panimulang sulatin nabigyang paglalarawan ang naging pangaraw-araw na pamumuhay ng mga Kabiteño nang kasagsagan ng pananakop ng mga Hapon sa Pilipinas. Nailahad din dito base na rin sa naging karanasan ng mga nakapanayam ang naging epekto ng nakaraang digmaan sa kanilang pangaraw-araw na pamumuhay at ang mga paraang kanilang ginamit para makaangkop sa kahingian ng isang di-pangkaraniwang sitwasyon sa ilalim ng mahigpit na pagpapasunod ng mga bagong mananakop. Naitala din dito ang mga naging saloobin ng mga Kabiteño tungkol sa naging pakikitungo sa kanila ng mga mananakop na dayuhan at maging ng kanilang mga kababayan na piniling makipagmabutihan sa mga Hapon, kusang loob man o di-sinasadya. Sang-ayon pa rin sa kinalabasan ng pag-aaral, inilarawan ng mga nakapanayam ang halos limang taong pamamalagi ng mga Hapon sa Pilipinas na
bagaman at naging isang maiksing karanasan lamang, bilang isang malupit na pangyayari na tumanim ng malalim sa kanilang kamalayan. Ganoon pa man, para sa kanila, tuloy lamang ang pangaraw-araw na takbo ng buhay ng mga pangkaraniwang mamamayan ng Kabite sa kabila ng mahigpit na pamamalakad ng mga dayuhan at manaka-nakang kaguluhan at ligalig mula sa mga kababayang piniling makipagkolaboreyt sa mga Hapon sa anyo ng pagiging kabahagi ng pamamahalang Japanese bilang Makapili o Sakdalista sa probinsiya at ng mga grupo ng mga pseudo-gerilya na malayang kumilos sa kanilang lugar ng impluwensiya sa buong lalawigan na nakilala sa tawag na Texas o gerilyang Salapsap. Lumitaw din sa katatapos na pananaliksik ang dalawang mukha ng digmaan: una, ang kalupitan at di-makataong pagtrato ng mga mananakop na puwersa sa mga mamamayang sinakop at ikalawa, ang di-iilang kuwento ng magandang pangyayari sa kanila sa kamay ng kaparehas na dayuhan sa kabila ng kritikal na sitwasyon. Sa mga lumasap ng pagmamaltrato mula sa mga dayuhan, matinding galit ang naiwang pangkalahatang saloobin ng mga nakakuwentuhang kapanayam para sa mga ito. Ganito rin ang kanilang patuloy na nararamdaman para sa kapwa Filipino na piniling makipagmabutihan at maki-alyado sa mga Hapon. Sa mga “respondents” naman na positibo ang naging karanasan, mga papuri at kumplemento para sa mga magagandang bagay at tulong na ibinigay sa kanila ng mga dayuhan sa kainitan ng giyera ang kanilang ibinahagi habang idinadaos ang mga panayam. Nabanggit pa nga ng ilang nakausap ang panghihinayang sa pagka-udlot at sa bandang huli ay ang tuluyang pagkawala ng mga nauna ng magandang pakita sa kanila ng mga sundalong Hapon na posible sanang naging sanhi para mahirapan ng muling makabalik pa ang mga Amerikano hindi lamang ang kanilang pisikal na presensiya ngunit maging sa pangkalahatang kamalayan ng mga Kabiteño. Sa kabuuan, kinailangang maki-angkop at tumugon ang mga apektadong mamamayan ng lalawigan sa hinihingi ng sitwasyon. Kinailangang malampasan ang kinaharap na mga suliranin sa kabila mga limitasyon dala ng digmaan sa kinaginasnang mga kaugalian at gawain ng mga ito. Tuloy lamang ang ikot ng mundo para sa mga pangkaraniwang Kabiteño. |
format |
text |
author |
Ramos, Gil Dilig |
author_facet |
Ramos, Gil Dilig |
author_sort |
Ramos, Gil Dilig |
title |
Ang pangaraw-araw na buhay ng mga pangkaraniwang mamamayan ng Kabite, 1941-1945 |
title_short |
Ang pangaraw-araw na buhay ng mga pangkaraniwang mamamayan ng Kabite, 1941-1945 |
title_full |
Ang pangaraw-araw na buhay ng mga pangkaraniwang mamamayan ng Kabite, 1941-1945 |
title_fullStr |
Ang pangaraw-araw na buhay ng mga pangkaraniwang mamamayan ng Kabite, 1941-1945 |
title_full_unstemmed |
Ang pangaraw-araw na buhay ng mga pangkaraniwang mamamayan ng Kabite, 1941-1945 |
title_sort |
ang pangaraw-araw na buhay ng mga pangkaraniwang mamamayan ng kabite, 1941-1945 |
publisher |
Animo Repository |
publishDate |
2010 |
url |
https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_masteral/7002 |
_version_ |
1816861385926115328 |
spelling |
oai:animorepository.dlsu.edu.ph:etd_masteral-128782024-11-22T07:14:44Z Ang pangaraw-araw na buhay ng mga pangkaraniwang mamamayan ng Kabite, 1941-1945 Ramos, Gil Dilig Ang isinagawang panimulang pag-aaral ay tumalakay sa naging takbo ng pangaraw-araw na buhay ng mga pangkaraniwang mamamayan ng Kabite o yaong mga sibilyan o non-combatants noong kasagsagan ng pananakop ng Hapon mula taong 1941 hanggang 1945. Isang paglihis sa tradisyunal na pagsulat ng kasaysayan (kung saan ang kalimitang pokus at sentro ay tungkol sa aspetong pulitikal at estado at gumagamit ng nakasulat na dokumento bilang pangunahing daluyan ng batis), ang natapos na pananaliksik-historikal ay ginamitan ng metodolohiyang pangkasaysayan na “paglalarawan-pagsusuri” (descriptive-analytical method) kung saan sa pamamagitan ng sariling salaysay at kuwento ng mga nakapanayam ay binigyang paglalarawan at sinuri ang naging pangaraw-araw na buhay ng mga pangkaraniwang mamamayan ng Kabite sa kainitan ng pananakop ng Hapon sa Pilipinas. Kinalap at tinipon ang mga nabanggit na datos at impormasyon sa pamamagitan ng kasaysayang pasalita o “oral history”. Iniugnay din ang pag-aaral sa konseptong New History (New Historicism) o Bagong Kasaysayan na nauna ng nakilala sa bansang Pransiya na isinulong ng mga mananalaysay na kabilang sa grupong Ecole des Annales noong dekada 30. Ang lokasyong geograpikal ng lalawigan ang siyang naging pangunahing basehan at pokus na pinagkuhanan ng mga panayam sa ginawang pananaliksik. Inilapat din ito sa naging ugnayang pang-ekonomiya, kultura at pulitika ng mga lugar na napili bago pa man sumalakay ang mga Hapon sa Pilipinas. Ang mga kalahok sa pag-aaral ay nagmula sa mga lunsod at bayang sumasakop sa lalawigan ng Kabite kung saan nagkaroon ng tig-tatlong (3) kinatawang lugar ang baybayin (coastal) at kapatagan (plain) o ang mababang Kabite, at kataasang lugar ng probinsiya o mataas na Kabite (upland). Sa ginawang panimulang sulatin nabigyang paglalarawan ang naging pangaraw-araw na pamumuhay ng mga Kabiteño nang kasagsagan ng pananakop ng mga Hapon sa Pilipinas. Nailahad din dito base na rin sa naging karanasan ng mga nakapanayam ang naging epekto ng nakaraang digmaan sa kanilang pangaraw-araw na pamumuhay at ang mga paraang kanilang ginamit para makaangkop sa kahingian ng isang di-pangkaraniwang sitwasyon sa ilalim ng mahigpit na pagpapasunod ng mga bagong mananakop. Naitala din dito ang mga naging saloobin ng mga Kabiteño tungkol sa naging pakikitungo sa kanila ng mga mananakop na dayuhan at maging ng kanilang mga kababayan na piniling makipagmabutihan sa mga Hapon, kusang loob man o di-sinasadya. Sang-ayon pa rin sa kinalabasan ng pag-aaral, inilarawan ng mga nakapanayam ang halos limang taong pamamalagi ng mga Hapon sa Pilipinas na bagaman at naging isang maiksing karanasan lamang, bilang isang malupit na pangyayari na tumanim ng malalim sa kanilang kamalayan. Ganoon pa man, para sa kanila, tuloy lamang ang pangaraw-araw na takbo ng buhay ng mga pangkaraniwang mamamayan ng Kabite sa kabila ng mahigpit na pamamalakad ng mga dayuhan at manaka-nakang kaguluhan at ligalig mula sa mga kababayang piniling makipagkolaboreyt sa mga Hapon sa anyo ng pagiging kabahagi ng pamamahalang Japanese bilang Makapili o Sakdalista sa probinsiya at ng mga grupo ng mga pseudo-gerilya na malayang kumilos sa kanilang lugar ng impluwensiya sa buong lalawigan na nakilala sa tawag na Texas o gerilyang Salapsap. Lumitaw din sa katatapos na pananaliksik ang dalawang mukha ng digmaan: una, ang kalupitan at di-makataong pagtrato ng mga mananakop na puwersa sa mga mamamayang sinakop at ikalawa, ang di-iilang kuwento ng magandang pangyayari sa kanila sa kamay ng kaparehas na dayuhan sa kabila ng kritikal na sitwasyon. Sa mga lumasap ng pagmamaltrato mula sa mga dayuhan, matinding galit ang naiwang pangkalahatang saloobin ng mga nakakuwentuhang kapanayam para sa mga ito. Ganito rin ang kanilang patuloy na nararamdaman para sa kapwa Filipino na piniling makipagmabutihan at maki-alyado sa mga Hapon. Sa mga “respondents” naman na positibo ang naging karanasan, mga papuri at kumplemento para sa mga magagandang bagay at tulong na ibinigay sa kanila ng mga dayuhan sa kainitan ng giyera ang kanilang ibinahagi habang idinadaos ang mga panayam. Nabanggit pa nga ng ilang nakausap ang panghihinayang sa pagka-udlot at sa bandang huli ay ang tuluyang pagkawala ng mga nauna ng magandang pakita sa kanila ng mga sundalong Hapon na posible sanang naging sanhi para mahirapan ng muling makabalik pa ang mga Amerikano hindi lamang ang kanilang pisikal na presensiya ngunit maging sa pangkalahatang kamalayan ng mga Kabiteño. Sa kabuuan, kinailangang maki-angkop at tumugon ang mga apektadong mamamayan ng lalawigan sa hinihingi ng sitwasyon. Kinailangang malampasan ang kinaharap na mga suliranin sa kabila mga limitasyon dala ng digmaan sa kinaginasnang mga kaugalian at gawain ng mga ito. Tuloy lamang ang ikot ng mundo para sa mga pangkaraniwang Kabiteño. 2010-03-01T08:00:00Z text application/pdf https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_masteral/7002 Master's Theses Filipino Animo Repository Cavite (Philippines)--History Philippines--History Asian History |