Volto Santo: 30 tula ng kabanalan sa labas ng simbahan
Binubuo ng 30 tula ang kalipunan na isang pagninilay sa kabanalan sa labas ng simbahan na umiiral sa mukha ng pangkaraniwang tao, maging sa sabungan, sa pamilya, sa ibang bansa o saan mang sulok ng daigdig. Madalas, nasa lansangan lang sila na maaari ring magbigay-puwang sa ating panitikan.Pangunahi...
Saved in:
Main Author: | |
---|---|
Format: | text |
Language: | Filipino |
Published: |
Animo Repository
2020
|
Subjects: | |
Online Access: | https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_masteral/5931 https://animorepository.dlsu.edu.ph/context/etd_masteral/article/12913/viewcontent/Baloloy_PaternoBubanJr_11782412_VoltoSanto_30_Tula_ng_Kabanalan_sa_Labas_ng_Simbahan_Partial.pdf |
Tags: |
Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
|
Institution: | De La Salle University |
Language: | Filipino |
Summary: | Binubuo ng 30 tula ang kalipunan na isang pagninilay sa kabanalan sa labas ng simbahan na umiiral sa mukha ng pangkaraniwang tao, maging sa sabungan, sa pamilya, sa ibang bansa o saan mang sulok ng daigdig. Madalas, nasa lansangan lang sila na maaari ring magbigay-puwang sa ating panitikan.Pangunahing sinisiyasat sa koleksiyon ay kung paanong naisasamukha ang kabanalan sa loob ng tahanan, sa lipunan, at sa institusyong nagbabalangkas ng kahulugan ng sinasabing mukha ng kabanalan katulad ng seminaryo at simbahan. Madalas, naikakabit ang salitang kabanalan sa ngalan ng Diyos at kung anuman ang may kinalaman sa Diyos. Sa buhay Kristiyano at Katoliko: kabanalang maituturing ang palagiang pagdarasal, ang mga taong naglilingkod sa simbahan, ang mga imahen o mga poong nakahimpil sa altar, kahit sa sasakyan o maging palamuti sa ating lukbutan. Ang rosaryo at maging ang mga pari at madre ng simbahan. Kalimitan, ito na rin ang nasasalamin nating mukha ng kabanalan. Subalit, kakaiba ang mukha ng kabanalan na makikita sa mga simpleng pamayanan, sa tabi ng riles at sa mga pamilyang naghahanda sa amang malalango sa alak. Kaya naman, itinatanghal din dito ang puwersa na nanggagaling mula sa domestikong karanasan, mga karansanang malayo sa simbahan kung saan iba ang mukha ng inaasahan nating kabanalan. Sa kabilang banda, ang mga karanasan katulad sa sabungan hanggang pangingibang-bansa ay isa ring lunan sa paghahanap sa mukha ng kabanalan. Maraming nangingilid na talinghaga ang nagsisigawan sa lugar na ito, gayundin ang iba’t ibang hugis ng mukha at uri ng kabanalang matitisod sa bawat sulok at kanto ng sabungan, at maging ang karanasahang makasalamuha ang matatanda sa ibang bansa. Ang iba ay walang mukha at ang iba naman, hinahanap pa ang tunay na mukha ng kabanalan mula sa mga sigaw ng kristo sa gitna ng sabungan.Volto Santo—isang kapwa pagtanaw at paghahanap sa mukha ng kabanalan na hindi lamang makikita at masasalat sa loob ng simbahan. May mga nakakalat na kabanalan sa lansangan subalit walang mukha na katulad ng madalas nating inaasahan. |
---|