Paghuli sa tutubing pasaway: Si Jun Cruz Reyes ayon kay Jun Cruz Reyes, sa mga kritiko, at iba pa

Naniniwala ang proyektong ito sa “pagkakaroon” at “kawalan” ni Jun Cruz Reyes ng iisang angkla na makapagpapaliwanag sa kompleksidad ng identidad at buhay ng isang manunulat. Serye ito ng mga pagtatangka at hindi-pagtatangka sa “paghuli” ng lugar at kawalan ng lugar ni Jun Cruz Reyes bilang kabahagi...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Author: Goh, Jan Marvin A.
Format: text
Language:Filipino
Published: Animo Repository 2020
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_masteral/5930
https://animorepository.dlsu.edu.ph/context/etd_masteral/article/12918/viewcontent/Goh_Jan_Marvin_Acosta_11593083_Paghuli_sa_Tutubing_Pasaway_Partial.pdf
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Language: Filipino
Description
Summary:Naniniwala ang proyektong ito sa “pagkakaroon” at “kawalan” ni Jun Cruz Reyes ng iisang angkla na makapagpapaliwanag sa kompleksidad ng identidad at buhay ng isang manunulat. Serye ito ng mga pagtatangka at hindi-pagtatangka sa “paghuli” ng lugar at kawalan ng lugar ni Jun Cruz Reyes bilang kabahagi sa patuloy na paggalaw ng kasaysayang pampanitikan ng/sa Pilipinas. Gamit ang isang interaktibo at heteroglossic na biograpiyang nakasandig sa diskurso ng makabagong estrukturalismo, binabakas ng proyektong ito ang topograpiya ng arkibo ni Jun Cruz Reyes bilang isang sulatin na mayroong maraming tinig, posisyonalidad, at nagtatalabang mga naratibo tungo sa mga representasyon at bersyon sa buhay niya, bilang isang texto, hanggang sa taong 2000. Mahahagip sa proyekto ang ilan sa mga nagtatalabang negosasyon ng S/subject bilang isang manunulat na “antiestablishment” ngunit nasa sentro ng gahum ng panitikan sa Pilipinas, bilang isang manunulat na nagmula sa isang pamilyang “mayaman” ngunit nagsusulat gamit ang posisyon ng isang “mahirap”, at marami pang iba. Upang magkaroon ng maituturing na “wakas”, magbibigay ako ng ilang sariling pagtataya bilang mananaliksik/biographer na naging bahagi ng proyekto. Ang sensibilidad ni “Jun Cruz Reyes” ay naging isang metapora para sa maliksing paglipad ng mga “tutubing pasaway” o mga manunulat na naniniwalang “praxis” ang dapat maging basehan ng pagtataya sa halaga ng isang manunulat na naglalaro sa spectrum ng mga nagtatalabang posisyonalidad. Mga Susing Salita: Jun Cruz Reyes, interaktibong biograpiya, anti-establishment, kasaysayang pampanitikan ng/sa Pilipinas, makabagong estrukturalismo