Ang paglikha at pagtampok sa water lily bilang sosyo-kultural na bagay at pambayang sagisag ng kulturang Pinero

Ang halaman ng water lily ay dumaan sa maraming proseso buhat nang madiskubre ito bilang isang hilaw na materyales patungong samu’t saring produkto na ibinebenta sa loob at labas ng bansa. Ito ay nasa ilalim ng proyektong pangkabuhayan ng SIPAG Foundation na tinatawag na Waterlily Weaving Project. N...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Author: Bautista, Roland L.
Format: text
Language:Filipino
Published: Animo Repository 2020
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_masteral/5949
https://animorepository.dlsu.edu.ph/context/etd_masteral/article/12972/viewcontent/Bautista_Roland_11697733_Partial.pdf
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Language: Filipino
Description
Summary:Ang halaman ng water lily ay dumaan sa maraming proseso buhat nang madiskubre ito bilang isang hilaw na materyales patungong samu’t saring produkto na ibinebenta sa loob at labas ng bansa. Ito ay nasa ilalim ng proyektong pangkabuhayan ng SIPAG Foundation na tinatawag na Waterlily Weaving Project. Nilalayon ng proyektong ito na bigyan ng bagong bihis ang halamang itinuturing na salot patungong mga kapaki-pakinabang na produkto na nagsilbing gulugod ng industriya ng water lily sa lungsod ng Las Piñas. Pangunahing layunin ng pananaliksik na ito ay magalugad ang gampanin ng water lily bilang isang “kultural na bagay” sa lungsod ng Las Piñas gamit ang lapit na Cultural Diamond ni Wendy Grizworld.. Naging pangunahing tunguhin ng pananaliksik na ito ang pagtalima sa mga sumusunod na puntos: a.) ang proseso ng paglikha ng mga produkto mula sa waterlily b.) ang halagang pangkabuhayan ng waterlily sa lungsod ng Las Piñas at c.) ang impluwensiya ng water lily sa paghubog ng natatanging kulturang Las Piñero. Ang mga salik na ito ang nagbunsod upang holistikong lumundo kung paano nabubuo bilang kultural na bagay ang water lily sa lungsod ng Las Piñas. Naging instrumental ang iba’t ibang sektor ng lipunan na nagsilbing susi upang makalap at mapagtagni-tagni ang mga natatanging naratibo, salaysay at datos sa lalong pagpapayaman ng diskurso ng naging proseso ng water lily. Sa pamamagitan ng mga talatanungan, panayam at tuwirang pakikilubog sa mga manggagawa ng Arts & Crafts, administrasyon ng SIPAG Foundation at mga kalahok ng pagdiriwang ng Water lily Festival ay nakalap ang mga pangunahing impormasyon sa mas malalim na pagdalumat ng bisa ng water lily bilang kultural na bagay. Tinalakay ng pananaliksik na ito ang naging papel ng water lily sa aspekto ng kalikasan, kabuhayan at kultura ng lungsod ng Las Piñas. Gayundin, ang impluwensiya ng pulitikal na gahum ng mga Villars a industriya nito. Lumabas sa pag-aaral na naging kabuuang proseso ng transpormasyon ng water lily mula sa Sagip Ilog Program patungong Waterlily Weaving Project at sa pagdiriwang ng taunang Waterlily festival ay umukit at nag ambag sa natatanging kulturang Las Piñero. Mga Susing Salita: kultural na bagay, water lily, Las Piñas, cultural diamond, Las Piñero