Isang pagsusuri sa edukasyong di pormal ng mga katutubong Agta sa General Nakar, Quezon gamit ang SWOT analisis

Ang pag-aaral na ito na pinamagatang, “Isang Pagsusuri sa Edukasyong Di Pormal ng mga Katutubong Agta sa General Nakar, Quezon gamit ang SWOT Analisis” ay naglayong mataya ang kalagayan ng Edukasyong Di Pormal ng mga Katutubong Agta sa Sentrong Paaralan ng mga Agta sang-ayon sa kalakasan, kahinaan,...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Author: Zafra, Reynele Bren G.
Format: text
Language:Filipino
Published: Animo Repository 2011
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_masteral/6097
https://animorepository.dlsu.edu.ph/context/etd_masteral/article/13044/viewcontent/CDTG004981_P.pdf
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Language: Filipino
Description
Summary:Ang pag-aaral na ito na pinamagatang, “Isang Pagsusuri sa Edukasyong Di Pormal ng mga Katutubong Agta sa General Nakar, Quezon gamit ang SWOT Analisis” ay naglayong mataya ang kalagayan ng Edukasyong Di Pormal ng mga Katutubong Agta sa Sentrong Paaralan ng mga Agta sang-ayon sa kalakasan, kahinaan, oportunidad at banta sa (1) aspektong kultural, (2) aspektong pedagohikal (3) aspekto ng kaguruan at (4) aspektong ekonomikal ng nasabing paaralan. Gamit ang SWOT Analisis bilang teoritikal na balangkas, ang maka-Pilipinong pamamaraan ng pananaliksik gaya ng pagdalaw-dalaw, pagtatanongtanong at pagmamasid-masid at purposive sampling bilang teknik sa pagpili ng kalahok ay nabatid ng mananaliksik ang kalakasan, kahinaan, oportunidad at banta ng nasabing paaralan. Sa kabuuan, napapalakas ng programang ito ang pagpapanatili sa kultura ng mga Agta, samantala, ang kakulangan ng mga babasahing pampanitikan at updated instructional material, kakulangan ng mga pagsasanay at seminar ng mga Tagapagpadaloy, kawalan ng teknolohiya sa paaralan at kakulangan ng sapat na pondo para masuplayan ang mga pangangailangan ng paaralan, ang ilang kahinaang taglay ng Sentrong Paaralan ng mga Agta na dapat pagtuunan ng pansin. Samantala, ang tulong mula sa mga mamamayan, lokal na pamahalaan, pribadong kompanya at organisasyon ay malaking oportunidad upang malabanan at masolusyunan ang kahinaang taglay ng paaralan. Samantala, ang banta ng akreditasyon ng Departamento ng Edukasyon at ang posibilidad na itigil ang suportang pinansyal mula sa Swiss Catholic Lenten Fund ang dalawang malaking banta para matigil ang programa.