Ekstraksyon sa kuwentog buhay ng mga piling kwaredora: Pagtatampok sa kusgang imahe sa kadaugan ng mga kabaro sa balas-balas sa lipunang Iliganon
Pinagtangkaang itampok ng pag-aaral na ito ang mga kusgang imahe ng sampung (10) babae sa balas-balas mula sa kanilang kuwentong buhay sa gawain. Ninais malaman ng pag-aaral ang mga karanasan ng mga babae sa balas-balas sa Lambaguhon na hindi lamang napatutungkol sa small-scale na quarry kundi sa ba...
Saved in:
Main Author: | |
---|---|
Format: | text |
Language: | Filipino |
Published: |
Animo Repository
2018
|
Subjects: | |
Online Access: | https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_masteral/6421 https://animorepository.dlsu.edu.ph/context/etd_masteral/article/13490/viewcontent/RAMOS_KY2.pdf |
Tags: |
Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
|
Institution: | De La Salle University |
Language: | Filipino |
Summary: | Pinagtangkaang itampok ng pag-aaral na ito ang mga kusgang imahe ng sampung (10) babae sa balas-balas mula sa kanilang kuwentong buhay sa gawain. Ninais malaman ng pag-aaral ang mga karanasan ng mga babae sa balas-balas sa Lambaguhon na hindi lamang napatutungkol sa small-scale na quarry kundi sa bagong hugis nito na tinatawag na bundak na sa kabuuan ay tinatawag na balas-balas. Kakikitaan ng kompleksidad ang pagkakaroon ng mga pagbabago sa gawain ng balas-balas sa Lambaguhon kaya ninais ding alamin ang mga suliranin na kinaharap ng mga babae. Sa kabila ng mga pagsubok ay patuloy pa rin ang mga babae sa gawain at sa katunayan ay sila ang pinakaaktibo. Sa pamamagitan nang paglalatag ng kanilang mga suliranin at sa pagharap nila rito, makukuha ang kanilang mga kusog. Ang mga kusog na ito ay nakitang pangunahing nagdadala sa mga babae sa kanilang tagumpay, kaya bukod dito, ninais din ng pag-aaral na malaman kung papaano ito ginamit ng mga babae.
Kinuha mula sa mga personal na danas ng mga kwaredora o mga babae sa balas-balas ang iba’t ibang suliranin sa gawain na kanilang hinarap kung saan makikita ang kanilang mga kusog. Nakakuha ng tatlumpo’t apat (34) na mga suliranin na kakikitaan ng anyo, galaw, iniisip at damdamin ng mga babae. Ang mga suliranin ay nagmumula sa pagiging financier, sa kanilang kustomer at mga trabahante sa balas-balas, sa samahan (kooperatiba/asosasyon), pamilya at iba pang tao. Labindalawang (12) kusog ng nakita sa pagharap ng mga babae sa mga suliranin: masipag, matatag, matapang, determinado, may pag-asa, mapamaraan, matalas, matulungin, maunawain, matiyaga, organisado at may kakayahang mamuno. Gamit ang KABARO, tiningnan kung paano ipinakita ng mga babae ang kanilang mga kusog sa pagharap nila sa mga suliranin. Gayundin, gamit ang KABARO, natagpuang pinakanililimi ng mga babae ang kanilang pagpapasiya at ang mga kusog ay ginagamit nila bilang sandata, proteksyon, katibayan, pagtulong at kagawasan.
Sa isang bansang patriyarkal tulad ng Pilipinas, isang selebrasyon ang pag-aaral na ito sa tuluyang pagpasok ng kababaihan sa mga gawaing kung noon ay pinatatakbo ng kalalakihan - tulad ng quarry. Sa Lambaguhon, ang gawaing ito ay pinatatakbo o pinamunuan ng mga babae. Hindi na nagpapahuli ang mga KABAROng kung tawagin ay kwaredora sa pagpapakita ng kanilang mga kakayahan sa pagtatagumpay sa negosyo sa balas-balas sa Lambaguhon dahil sa kanilang mga kusog. Ang mga imaheng kusgan ng mga babae ay imahe rin ng kanilang pagtatagumpay, hindi lamang sa kanilang gawain kundi maging sa kanilang buhay. |
---|