Ang mga pelikulang Panday: Pagdalumat sa imahen ng kabutihan at kasamaan gamit ang metapora ng banga ni Prospero Covar

Sinuri sa pag-aaral ang mga naging bida at kontrabida sa mga pelikulang Panday batay sa lente na Ang Metapora ng Banga ni Prospero Covar upang malaman ang labas, loob at lalim ng mga lalaki at babaeng nagsiganap sa pelikulang Panday na hango sa komik ni Carlo J. Caparas. Sa pamamagitan ng labas ay s...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Author: Verana, Raymond Manliguez
Format: text
Language:Filipino
Published: Animo Repository 2019
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_masteral/6513
https://animorepository.dlsu.edu.ph/context/etd_masteral/article/13536/viewcontent/Verana__Raymond_M.__ANG_PANDAY__cd_2.pdf
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Language: Filipino
Description
Summary:Sinuri sa pag-aaral ang mga naging bida at kontrabida sa mga pelikulang Panday batay sa lente na Ang Metapora ng Banga ni Prospero Covar upang malaman ang labas, loob at lalim ng mga lalaki at babaeng nagsiganap sa pelikulang Panday na hango sa komik ni Carlo J. Caparas. Sa pamamagitan ng labas ay susuriin ang bida at kontrabida na lalaki at babae batay sa kanyang mukha, katawan, karisma, at kasuotan. Sa pamamagitan ng loob ay susuriin batay sa kanyang isipan, damdamin, prinsipyo, pag-uugali at karisma. Sa pamamagitan ng usaping lalim ay susuriin batay sa kanyang kaluluwa at budhi. Bahagi din nito ay dadalumatin ang kabutihan at kasamaan sa mga pelikulang panday at sa pamamagitan nito ay matuklasan ng mananaliksik ang malalim na dahilan sa paulit-ulit na pagpapalabas at pagpili ng bida sa pelikulang “Ang Panday.”