Monumento bilang espasyo ng alaala: Pag-aaral sa kasaysayan at gamit ng mga piling monumento sa Bulacan
Ang pananaliksik ay umiikot at nakatuon lamang sa lalawigan ng Bulacan at ilang mga bayan nito na katatagpuan ng ilang mga panandang pangkasaysayan o mga monumento. Bilang ang lalawigan ng Bulacan ay napakayaman sa kasaysayan na hindi lamang nangyari at nakaapekto sa loob ng espasyo nito ngunit lalo...
Saved in:
Main Author: | |
---|---|
Format: | text |
Language: | Filipino |
Published: |
Animo Repository
2018
|
Subjects: | |
Online Access: | https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_masteral/6714 https://animorepository.dlsu.edu.ph/context/etd_masteral/article/13608/viewcontent/Guinto__Jhed_Eduard_V.2____Saysay_ng_Kasaysayan_Kabuuang_Tesis___Narebisa_.pdf |
Tags: |
Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
|
Institution: | De La Salle University |
Language: | Filipino |
Summary: | Ang pananaliksik ay umiikot at nakatuon lamang sa lalawigan ng Bulacan at ilang mga bayan nito na katatagpuan ng ilang mga panandang pangkasaysayan o mga monumento. Bilang ang lalawigan ng Bulacan ay napakayaman sa kasaysayan na hindi lamang nangyari at nakaapekto sa loob ng espasyo nito ngunit lalo’t higit din nakaambag sa naging daloy ng mga pangyayari sa bansa ang dahilan sa pagkakapili rito bilang pangunahing bukal at teksto ng pag-aaral na ito. Sinaliksik ang ilang bahagi ng kasaysayan ng mga monumentong ito mula sa pinaghalawang pangyayari tungo sa pagpapatindig nito at ilang pag-unlad at pagbabago sa espasyong kinalalagyan nito. Tinukoy ang ilang mga indibidwal o samahan na naging daan upang ito ay mailagay sa mga espayo kung saan narito ang mga ito. Ang mga bayan ng Malolos, Bulakan, Plaridel at Quingua ang pangunahing pinagmulan ng teksto. Inaral at makikita rito ang paraan ng paggamit, pangangalaga at pagpapanatili sa mga monumento ni Emilio Aguinaldo, Isidoro Torres, Marcelo del Pilar, Gregorio del Pilar, ang Labanan sa Quingua, at ang abanan sa Kakarong de Sili. Tinatangka ng pag-aaral na ito na sa pagsilip sa kasaysayan ng ilang monumentong ito ay makita ang pinagmulang pangyayari nito tungo sa pagsasabato rito sa mga espisipikong espasyong ito at ang paggamit sa mga ito bilang tulay sa malumay na ugnayan ng nakalipas at ng kasalukuyan upang maging balangkas at batayan sa pagsipat at paghihinuha sa hinaharap ng bayan. Huli ay tinangka ng pag-aaral na ito na tukuyin ang gampanin ng mga monumentong ito sa pagsasabayan ng lalawigan at ng bansa. |
---|