Ugnayan at pakikilahok: Tungo sa pulitikal na pagsasalipunan ng kabataang Pilipino

Ang kasalukuyang pananaliksik ay nakatuon sa mga teorya at pag-aaral na nakatuon sa pag-unlad ng kabataan. Sa kontekstong Pilipino, nakaugat sa kasaysayan at ilang pag-aaral ang pagsusulong ng ilang kabataan sa pagkakapantay-pantay at pagiging isa sa masa. Batay sa mga ito, sinuri sa kasalukuyang pa...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Author: Diestro, Jose Maria Alag, Jr.
Format: text
Language:Filipino
Published: Animo Repository 2007
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_masteral/6802
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Language: Filipino
Description
Summary:Ang kasalukuyang pananaliksik ay nakatuon sa mga teorya at pag-aaral na nakatuon sa pag-unlad ng kabataan. Sa kontekstong Pilipino, nakaugat sa kasaysayan at ilang pag-aaral ang pagsusulong ng ilang kabataan sa pagkakapantay-pantay at pagiging isa sa masa. Batay sa mga ito, sinuri sa kasalukuyang pag-aaral ang kalikasan ng pulitikal na pagsasalipunan ng kabataang Pilipino sa aktibistang grupo. Anim na malalimang panayam ang isinagawa kung saan tatlo ang lalaki at tatlo rin ang abbae. Nasa edad 17-20 ang mga kalahok at pinili gamit ang binuong batayan. Lahat ng mga kalahok ay mag-aaral ng Polyteknikong Pamantasan ng Pilipinas, kilalang pamantasan sa lungsod Maynila kung saan laganap ang aktibismo ng mga mag-aaral. May oryentasyong etnograpikal ang pag-aaral, kaya lumubog muna ang mananaliksik sa konteksto bago isinagawa ang mga panayam. Kinuha ang pagsang-ayon ng lahat na kalahok upang magamit ang voice recorder sa bawat panayam. Isinateksto ang mga panayam ang sinuri para alamin ang mga tema. Lumitaw na kategorya ng bawat temang nakalap ang mga sumusunod (1) pagpasok sa grupo (2) paglalim ng kamulatan (3) pagbabago ng sarili, at (4) pagiging ganap ang pulitikal na pagkilos. Nakabuo ng bagong modelo ng pulitikal na pagsasalipunan mula sa mga kategorya at kaukulang tema ng mga ito. Pinapalagay na may implikasyon ang bagong modelo sa pulitikal na kalinangan ng Bansa at kabuuang pag-unlad ng kabataang Pilipino.