Katarungang nakamit, mamamayan ang naggiit: Pagdalumat sa konsepto ng katarungan sa ilalim ng sistema ng katarungang pambarangay ng Barangay Niugan, Cabuyao, Laguna

Ang katarungan sa ilalim ng sistema ng katarungang pambarangay ay nakaangkla sa pagkakaroon ng maayos at tahimik na pamumuhay ng mga mamayan. Ito ay may layuning pagbukludin ang mga mamamayan bilang isang nagkakaisang komunidad na may tahimik, maayos at may iisang adhikaing maging matiwasay ang pamu...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Author: De Guzman, Billy N.
Format: text
Language:Filipino
Published: Animo Repository 2017
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_masteral/7107
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Language: Filipino
id oai:animorepository.dlsu.edu.ph:etd_masteral-14335
record_format eprints
spelling oai:animorepository.dlsu.edu.ph:etd_masteral-143352025-02-11T08:05:36Z Katarungang nakamit, mamamayan ang naggiit: Pagdalumat sa konsepto ng katarungan sa ilalim ng sistema ng katarungang pambarangay ng Barangay Niugan, Cabuyao, Laguna De Guzman, Billy N. Ang katarungan sa ilalim ng sistema ng katarungang pambarangay ay nakaangkla sa pagkakaroon ng maayos at tahimik na pamumuhay ng mga mamayan. Ito ay may layuning pagbukludin ang mga mamamayan bilang isang nagkakaisang komunidad na may tahimik, maayos at may iisang adhikaing maging matiwasay ang pamumuhay. Sa pananaliksik na ito, nabigyang diin ang paglalatag ng kahulugan sa salitang katarungan sa ilalim ng katarungang pambarangay. Ginamit sa pananaliksik na ito ang mga alitan sa loob ng komunidad o ng barangay na pinag-aaralan. Ang mga alitang ito ang naging tungtungan upang magkaroon ng kaanyuan ang katarungan bilang lunsaran ng pagkakaroon ng kaayusan sa barangay. Ang mga kaso o alitang mga naitala sa tanggapan ng barangay ang kinilalang batis upang magkaroon ng pagkakataong mabigyang paliwanag ang paksang pinag-aaralan. Dahil sa ang mga alitang ito na nagmula sa mga mamamayan, dito dumaloy ang pananaliksik at naging burador ng pag-aaral na ito ang teoryang “Communitarianism”. Ito ay isang teorya na nakatuon sa kahalagahan ng komunidad na siyang naging dahilan upang lubos na maunawaan ang galaw ng mga mamamayan sa lugar na pinag-aaralan lalo na sa pagkamit ng katarungan sa ilalim ng katarungang pambarangay. Nakatuon ang teoryang ito sa tatlong uri ng katarungan ito ay ang (1) Sosyolohikal na Hustisya; (2) Politikal na Hustisya; (3) Legal na Hustisya. Dito tumulay ang bagong teoryang nabuo na mananaliksik na ang mga alitang pambarangay ay nalulutas dahil sa nagkakaisang ugnayan ng mamamayan. Ang katarungan ay may kanyang kaanyuan na nakasandal sa pagkakaroon ng malasakit sa kapwa, pag-unawa, kabaitan at pakikipagkapuwa-tao. Kinalap sa pag-aaral na ito ang mga kaso o alitang nakarating sa tanggapan ng barangay. Humingi ng pahintulot sa mga taong may kapangyarihan tulad ng Kapitan ng Barangay at City Legal Officer. Sa pagkamit ng mga kasong nakatala sa logbook at sa pagkakaroon ng kopya nito at sa tulong na rin ng mga pahayag ng taong kailangan sa pag- aaral ay dito nagsimula ang pagdalumat upang mabigyan ng kahulugan ang katarungan sa ilalim ng sistema ng katarungang pambarangay. Hinimay ang mga nakatala, binuklod ang mga kailangang impormasyon, hinabi ang mga kailangan hanggang sa magkaroon ng kasagutan. Dahil sa mga nabanggit na paraan, nakalap ng mananaliksik ang mga kinakailangang mga datos upang lubos na makita ang konsepto ng katarungan na mayroon sa komunidad dahil nung una ay pinagpapalagay ng mananaliksik na mayroong katarungan sa barangay kahit na ito ay nasa mababang antas ng lipunan at ang mga reklamo o alitang nauuwi sa areglo at kasunduan ay maaari ring sabihing katarungan. Dahil dito, nagkaroon ng kahulugan ang katarungan na nakaangkla sa pagkakaroon ng malasakit sa kapwa bilang ugnayan ng mga mamamayan upang magkaroon ng ginigiit na katarungan. Dahil sa malasakit na ito, nagiging payapa at maayos ang alitang sa una ay naging problema ng mga mamamayan. Naging matibay ang pagbibigay solusyon sa mga suliranin ng mga mamamayan sa pagkakaroon ng malasakit at pakikipagkapwa tao. Mas nagiging matimbang para sa kanila ang pagmamahal sa kapwa at pagkakaroon ng mataas na malasakit sa mga taong kanilang nakaalitan. Pinagtibay ng kahalagahan ng mga aspektong nabanggit ang kahulugan ng katarungan sa komunidad na kanilang pinag-uusap ang lahat ng alitan na nauuwi sa mga kasunduan at kaayusan. Naging maaayos ang daloy ng pananaliksik dahil sa kooperasyon ng tanggapan ng barangay at ng mga taong naging bahagi ng pag-aaral na ito. 2017-12-01T08:00:00Z text https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_masteral/7107 Master's Theses Filipino Animo Repository Justice, Administration of--Philippines Public Administration
institution De La Salle University
building De La Salle University Library
continent Asia
country Philippines
Philippines
content_provider De La Salle University Library
collection DLSU Institutional Repository
language Filipino
topic Justice, Administration of--Philippines
Public Administration
spellingShingle Justice, Administration of--Philippines
Public Administration
De Guzman, Billy N.
Katarungang nakamit, mamamayan ang naggiit: Pagdalumat sa konsepto ng katarungan sa ilalim ng sistema ng katarungang pambarangay ng Barangay Niugan, Cabuyao, Laguna
description Ang katarungan sa ilalim ng sistema ng katarungang pambarangay ay nakaangkla sa pagkakaroon ng maayos at tahimik na pamumuhay ng mga mamayan. Ito ay may layuning pagbukludin ang mga mamamayan bilang isang nagkakaisang komunidad na may tahimik, maayos at may iisang adhikaing maging matiwasay ang pamumuhay. Sa pananaliksik na ito, nabigyang diin ang paglalatag ng kahulugan sa salitang katarungan sa ilalim ng katarungang pambarangay. Ginamit sa pananaliksik na ito ang mga alitan sa loob ng komunidad o ng barangay na pinag-aaralan. Ang mga alitang ito ang naging tungtungan upang magkaroon ng kaanyuan ang katarungan bilang lunsaran ng pagkakaroon ng kaayusan sa barangay. Ang mga kaso o alitang mga naitala sa tanggapan ng barangay ang kinilalang batis upang magkaroon ng pagkakataong mabigyang paliwanag ang paksang pinag-aaralan. Dahil sa ang mga alitang ito na nagmula sa mga mamamayan, dito dumaloy ang pananaliksik at naging burador ng pag-aaral na ito ang teoryang “Communitarianism”. Ito ay isang teorya na nakatuon sa kahalagahan ng komunidad na siyang naging dahilan upang lubos na maunawaan ang galaw ng mga mamamayan sa lugar na pinag-aaralan lalo na sa pagkamit ng katarungan sa ilalim ng katarungang pambarangay. Nakatuon ang teoryang ito sa tatlong uri ng katarungan ito ay ang (1) Sosyolohikal na Hustisya; (2) Politikal na Hustisya; (3) Legal na Hustisya. Dito tumulay ang bagong teoryang nabuo na mananaliksik na ang mga alitang pambarangay ay nalulutas dahil sa nagkakaisang ugnayan ng mamamayan. Ang katarungan ay may kanyang kaanyuan na nakasandal sa pagkakaroon ng malasakit sa kapwa, pag-unawa, kabaitan at pakikipagkapuwa-tao. Kinalap sa pag-aaral na ito ang mga kaso o alitang nakarating sa tanggapan ng barangay. Humingi ng pahintulot sa mga taong may kapangyarihan tulad ng Kapitan ng Barangay at City Legal Officer. Sa pagkamit ng mga kasong nakatala sa logbook at sa pagkakaroon ng kopya nito at sa tulong na rin ng mga pahayag ng taong kailangan sa pag- aaral ay dito nagsimula ang pagdalumat upang mabigyan ng kahulugan ang katarungan sa ilalim ng sistema ng katarungang pambarangay. Hinimay ang mga nakatala, binuklod ang mga kailangang impormasyon, hinabi ang mga kailangan hanggang sa magkaroon ng kasagutan. Dahil sa mga nabanggit na paraan, nakalap ng mananaliksik ang mga kinakailangang mga datos upang lubos na makita ang konsepto ng katarungan na mayroon sa komunidad dahil nung una ay pinagpapalagay ng mananaliksik na mayroong katarungan sa barangay kahit na ito ay nasa mababang antas ng lipunan at ang mga reklamo o alitang nauuwi sa areglo at kasunduan ay maaari ring sabihing katarungan. Dahil dito, nagkaroon ng kahulugan ang katarungan na nakaangkla sa pagkakaroon ng malasakit sa kapwa bilang ugnayan ng mga mamamayan upang magkaroon ng ginigiit na katarungan. Dahil sa malasakit na ito, nagiging payapa at maayos ang alitang sa una ay naging problema ng mga mamamayan. Naging matibay ang pagbibigay solusyon sa mga suliranin ng mga mamamayan sa pagkakaroon ng malasakit at pakikipagkapwa tao. Mas nagiging matimbang para sa kanila ang pagmamahal sa kapwa at pagkakaroon ng mataas na malasakit sa mga taong kanilang nakaalitan. Pinagtibay ng kahalagahan ng mga aspektong nabanggit ang kahulugan ng katarungan sa komunidad na kanilang pinag-uusap ang lahat ng alitan na nauuwi sa mga kasunduan at kaayusan. Naging maaayos ang daloy ng pananaliksik dahil sa kooperasyon ng tanggapan ng barangay at ng mga taong naging bahagi ng pag-aaral na ito.
format text
author De Guzman, Billy N.
author_facet De Guzman, Billy N.
author_sort De Guzman, Billy N.
title Katarungang nakamit, mamamayan ang naggiit: Pagdalumat sa konsepto ng katarungan sa ilalim ng sistema ng katarungang pambarangay ng Barangay Niugan, Cabuyao, Laguna
title_short Katarungang nakamit, mamamayan ang naggiit: Pagdalumat sa konsepto ng katarungan sa ilalim ng sistema ng katarungang pambarangay ng Barangay Niugan, Cabuyao, Laguna
title_full Katarungang nakamit, mamamayan ang naggiit: Pagdalumat sa konsepto ng katarungan sa ilalim ng sistema ng katarungang pambarangay ng Barangay Niugan, Cabuyao, Laguna
title_fullStr Katarungang nakamit, mamamayan ang naggiit: Pagdalumat sa konsepto ng katarungan sa ilalim ng sistema ng katarungang pambarangay ng Barangay Niugan, Cabuyao, Laguna
title_full_unstemmed Katarungang nakamit, mamamayan ang naggiit: Pagdalumat sa konsepto ng katarungan sa ilalim ng sistema ng katarungang pambarangay ng Barangay Niugan, Cabuyao, Laguna
title_sort katarungang nakamit, mamamayan ang naggiit: pagdalumat sa konsepto ng katarungan sa ilalim ng sistema ng katarungang pambarangay ng barangay niugan, cabuyao, laguna
publisher Animo Repository
publishDate 2017
url https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_masteral/7107
_version_ 1825618357318057984