Pagpapakatao: isang paglilinaw ng paradaym, metapor at mungkahing buhay at angkop na katumbas ng ethics

Ang tesis na ito ay may layuning ipaliwanag ang termino/katawagang PAGPAPAKATAO bilang isang bagong paradaym, isang metapor at angkop na katumbas ng ethics sa konteksto ng kulturang Filipino alinsunod sa diwa ng inkulturasyon.Kung titingnan ang pulso o pintig ng teolohiyang moral pagkatapos ng Vatic...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Author: Raymundo, Hernando O.
Format: text
Language:Filipino
Published: Animo Repository 1997
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_masteral/1836
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Language: Filipino
Description
Summary:Ang tesis na ito ay may layuning ipaliwanag ang termino/katawagang PAGPAPAKATAO bilang isang bagong paradaym, isang metapor at angkop na katumbas ng ethics sa konteksto ng kulturang Filipino alinsunod sa diwa ng inkulturasyon.Kung titingnan ang pulso o pintig ng teolohiyang moral pagkatapos ng Vatican II hanggang ngayon, mararamdamang may mahahalagang pagbabago ng tuon ang mga moralista. Dati-rati ay nakafocus sa moral dilemmas ang makalumang moralidad. Sa ngayon, ang focus ay sa TAO mismo sa kanyang sitwasyon, pagpapahalaga, kakayahan, katangian.Sa pagtingin sa kasaysayan, makikitang may napakalaking hamon upang pumihit ang pamamaraan, nilalaman at tuon ng moralidad. Kailangan na nitong makipag-ugnayan sa isang bagong mundong isinisilang ngayon. Napakarami nang bagong tuklas ang agham, sikolohiya at iba pa na makatutulong nang malaki upang higit na maging epektibo ang pagtalakay sa moralidad--tulad ng kasalanan, pagbabalik-loob, seks, kalusugan, medisina, at iba pa.Sa paggamit ng pamamaraang eksploratoryo (paglalayag-paglilinaw, paggalugad-pagsisiyasat), tiningnang isa-isa ang tatlong konseptong binanggit at siniyasat ang kaugnayan ng mga ito sa larangan ng pagbabago ng teolohiyang moral.Ang tesis na ito ay isang bibliograpikong riserts na gumamit ng mga akdang tulad ng mga aklat, dyornal, artikulo, tesis, disertasyon, Internet sa paglalahad.Tinukoy sa tesis na ito ang mga kilalang moralista (sa kanluran at mga eksperto sa Pilipinas) na nagsusulong ng ganitong bagong tuon, pamamaraan at estilo ng moralidad bilang PAGPAPAKATAO. Mula sa kanilang mga sinulat, hinalaw ang buod ng napapanahong moralidad.Lumabas na isang tumpak na paradaym, akmang metapor at angkop na katumbas ang iminumungkahi na konseptong pagpapakatao na kapalit ng ethics sa kulturang Filipino sapagka't ang konseptong ito ay iniinugan ng marami pang konseptong pinagtutuunan ng mga kontemporaryong moralista, bagong metapor ng ethics morality. Ang moralidad ay sining ang nagsisilbing pampuno sa kakulangan, pambalanse sa kalabisan at pangwasto sa kamalian ng metapor na Ang moralidad ay batas na nagdulot ng isang uri ng moralidad na paternalistiko, minimalistiko, rasyonalistiko, legalistiko at manwalistiko. Ito rin ay angkop na katumbas ng ethics sapagka't sa mula't mula pa ang esensya ng ethics ay pagpapakatao. Nakita ito sa kontekstong pinagmulan ng salita ang Griyego.Ang ganitong tuklas ay may mga implikasyon sa pagtuturo ng relihiyon, sa katekesis, sa buhay sa pamayanan at kagalingang panlipunan: mahalagang iayon na sa bugso ng bagong paradaym, metapor at katumbas ng ethics ang nilalaman, tuon at mga lapit sa paksang moralidad. Sa paghahanap ng mga bagong paraan ng pagtuturo ng moralidad, inaasahang may isang ambag na makukuha mula sa pagbabago ng pundasyon nito: PAGPAPAKATAO.