Pagtanggap at pananaw ng mga aeta ng Tumangan sa programa at serbisyo ng Mt. Pinatubo Commission, 1991-1995 (isang case study).

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa pagtanggap at pananaw ng mga Aeta ng Tumangan sa Barangay San Juan Botolan, Zambales sa programa at serbisyo ng Mt. Pinatubo Commission partikular sa programang cash-for-work at food-for work mula sa taong 1991-1995.Isang masusing panayam at ginabayang talakayan a...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Author: Merida, Marina Gonzaga
Format: text
Published: Animo Repository 1998
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_masteral/1938
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Description
Summary:Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa pagtanggap at pananaw ng mga Aeta ng Tumangan sa Barangay San Juan Botolan, Zambales sa programa at serbisyo ng Mt. Pinatubo Commission partikular sa programang cash-for-work at food-for work mula sa taong 1991-1995.Isang masusing panayam at ginabayang talakayan ang ginawa upang bigyan tuon ang pagtanggap at pananaw sa programa. Binigyan diin din ang epekto nito sa pang araw-araw na buhay ngayon sa resettlement. Nagkaroon din ng paghahambing sa kanilang pamumuhay bago ang pagputok ng Mt. Pinatubo at ngayon sa resettlement.Sa pananaliksik na inilunsad, nakita na ang programang cash-for-work at food-for-work ay malaki ang naitulong lalo na sa unang mga buwan ng ito ay ilunsad. Nakatulong ito sa pangmadaliang programa. Kasabay ng paglulunsad ng programa ay nagkaroon din ng tunggalian sa iba't-ibang aspeto ng buhay ng mga Aeta sa dating kinagisnan na pamumuhay at ngayon sa resettlement.Kaakibat din nito ang mismong pagputok ng Mt. Pinatubo at dislokasyon ng mga Aeta ay may malaking kaakibat na pagbabago sa pamumuhay ng mga Aeta ng Tumangan.Ang programang cash-for-work at food-for-work ay naging daan di-man sinasadya sa pagbuo ng panibagong pananaw, konsepto, at saloobin na minsan ay taliwas sa mga nakagisnan at kultura ng isang katutubong Aeta.