Ang boses ng pangulo: Isang kritikal na pag-aaral sa diskurso ni Presidential Spokesperson Harry Roque hinggil sa krisis ng COVID-19 sa Pilipinas
Matindi ang hamon na kinakaharap ng mundo, partikular na ng Pilipinas, nang kumalat ang sakit na COVID-19 sa bansa. Milyon-milyong mga Pilipino ang naapektuhan nito at marami na ring pamilya ang nawalan ng mga mahal nila sa buhay. Sa patuloy na paglubha ng COVID-19 sa bansa, mahalaga ang tungkulin n...
Saved in:
Main Author: | |
---|---|
Format: | text |
Language: | Filipino |
Published: |
Animo Repository
2021
|
Subjects: | |
Online Access: | https://animorepository.dlsu.edu.ph/etdb_fil/3 https://animorepository.dlsu.edu.ph/cgi/viewcontent.cgi?article=1000&context=etdb_fil |
Tags: |
Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
|
Institution: | De La Salle University |
Language: | Filipino |
Summary: | Matindi ang hamon na kinakaharap ng mundo, partikular na ng Pilipinas, nang kumalat ang sakit na COVID-19 sa bansa. Milyon-milyong mga Pilipino ang naapektuhan nito at marami na ring pamilya ang nawalan ng mga mahal nila sa buhay. Sa patuloy na paglubha ng COVID-19 sa bansa, mahalaga ang tungkulin ni Harry Roque bilang kasalukuyang tagapagsalita ng administrasyong Duterte, sa pagpapalaganap ng mahahalagang mga impormasyon upang malaman ng mga Pilipino ang mga plano o hakbang na isinasagawa ng pamahalaan sa pagtugon nito. Matatagpuan sa pananaliksik na ito ang paghihimay sa mga pahayag ni Harry Roque sa pamamagitan ng pagkalap ng mga transcript mula sa kaniyang press briefings hinggil sa krisis ng COVID-19. Lumabas sa isinagawang pananaliksik, gamit ang tematikong pagsusuri at teoryang Critical Discourse Analysis ni Norman Fairclough, ang dalawang suliranin na nakapaloob sa mga pahayag ni Harry Roque: ang kaniyang pang-aabuso sa kapangyarihan at manipulasyon niya ng mga datos. Sa halip na paglingkuran niya ang bayan nang tapat, pilit niyang binabago ang imahe ng administrasyong Duterte sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng hindi makatotohanang impormasyon para sa kanilang pansariling interes. |
---|