Kumu-nidad tungo sa pagsulong ng kultura: Sanghiyang sa kulturang Pilipino sa aplikasyong Kumu
Isa sa mga umusbong na social media apps ngayong pandemya ang Kumu, isang livestreaming app. Bilang isang social media app na gawa sa Pilipinas at ipinagmamalaki ang pagiging “all-Filipino”, mainam na tingnan ang mga konsiderasyon sa kultura at karanasang Pilipino na isinaalang-alang sa paggawa at p...
Saved in:
Main Author: | |
---|---|
Format: | text |
Language: | Filipino |
Published: |
Animo Repository
2021
|
Subjects: | |
Online Access: | https://animorepository.dlsu.edu.ph/etdb_fil/1 https://animorepository.dlsu.edu.ph/cgi/viewcontent.cgi?article=1003&context=etdb_fil |
Tags: |
Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
|
Institution: | De La Salle University |
Language: | Filipino |
Summary: | Isa sa mga umusbong na social media apps ngayong pandemya ang Kumu, isang livestreaming app. Bilang isang social media app na gawa sa Pilipinas at ipinagmamalaki ang pagiging “all-Filipino”, mainam na tingnan ang mga konsiderasyon sa kultura at karanasang Pilipino na isinaalang-alang sa paggawa at pagpapanatili nito. Naging batayan sa pagresolba ng pangunahin at tiyak na suliranin gamit ang konsepto ng sanghiyang sa Internet mula kay Nuncio, kung saan natatalakay ang pagkahiyang, kasanghiyang, at mga ugnayan nito. Kinalap ang mga datos gamit ang netnography, kung saan nag-obserba ang mananaliksik sa streams sa Kumu sa loob ng isang buwan, at mga interbyu mula sa mga gumagamit ng Kumu. Nalitaw na ang ilang mga elemento sa loob ng aplikasyon ay may bahid ng kulturang Pilipino: kung saan pinakamakikita ito sa mga regalo o virtual gift na ibinabagsak. Samantala, pasundot-sundot lamang sa mismong aplikasyon ang wikang Filipino o sa pabasang teksto, tulad ng paglalagay ng kataga sa pagkonek sa Internet. Natuklasan din ang tatag at lakas ng Pilipinong komunidad sa paghatak, pagkatuto, pagpapatuloy, at pananatili sa Kumu; kung saan nasasalamin ang aktibong partisipasyon ng naturang komunidad sa paglalahad at pagsasagawa ng mga panuntunan sa Kumu upang mapanatili ang kaaaya-ayang kulturang nais ikintal sa mga user. Nabubuo rin ang mga komunidad sa loob ng Kumu sa pamamagitan ng mga kumunity team at sa patuloy na pakikipag-ugnayan sa mga digital na espasyo sa loob at labas ng Kumu. Kapansin-pansin naman sa mga napanood at nakolektang livestreams sa loob ng isang buwan ang komunidad ng mga Pilipinong nasa diaspora. Napag-ugnay naman ang estruktura, identidad, at komunidad sa lente ng pagtingin sa Pilipinong kultura sa tatlong konsepto. Una, maihahalintulad sa bahay-kubo ang mga livestream ng Kumu batay sa mga terminong ikot, akyat, at baba. Pangalawa, natalakay ang wikang Filipino bilang isang negosasyon lalo na sa mga Pilipinong nasa diaspora, dahil bahagi ito sa pagbuo ng identidad sa loob mismo ng Kumu. Panghuli, napalitaw ang konsepto ng digital pasalubong bilang isang manipestasyon ng inihaing obserbasyon ng mga regalong Pilipino, na para sa mga Pilipino—lalo na sa konteksto ng Kumu kung saan karamihan ng nagbibigay ay mga OFW. Mula sa mga ito ay natuklasan ang Kumu bilang espasyo sa pagtuklas at panunumbalik ng kulturang kanilang kinagisnan at ng kanilang pagkakakilanlan. Napagtibay ang kakayahan at kapangyarihan ng Natuklasan ang pagiging community platform nito para sa mga Pilipino na nagpapakilala at nagsusulong ng ating kultura, upang matutuklasang maaaring maging instrumento ang Kumu sa hangaring maitampok ang kulturang Pilipino sa buong mundo.
Susing salita: Kumu, livestream, sanghiyang, kulturang Pilipino, wikang Filipino, social media |
---|