Tawaran ng kapangyarihan: Palengke bilang pampublikong espasyo ng negosasyon sa kapangyarihan
Maituturing na bahagi ng lipunang Pilipino ang palengke. Subalit sa paglipas ng panahon tila ito ay napabayaan at napag-iwanan ng mabilis na modernisasyon at privatization. Gayunpaman, hindi maitatangging malaki ang naging ambag ng mga palengke sa lipunang Pilipino bilang pangunahing dahilan nang pa...
Saved in:
Main Author: | |
---|---|
Format: | text |
Language: | Filipino |
Published: |
Animo Repository
2022
|
Subjects: | |
Online Access: | https://animorepository.dlsu.edu.ph/etdb_fil/4 https://animorepository.dlsu.edu.ph/cgi/viewcontent.cgi?article=1005&context=etdb_fil |
Tags: |
Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
|
Institution: | De La Salle University |
Language: | Filipino |
Summary: | Maituturing na bahagi ng lipunang Pilipino ang palengke. Subalit sa paglipas ng panahon tila ito ay napabayaan at napag-iwanan ng mabilis na modernisasyon at privatization. Gayunpaman, hindi maitatangging malaki ang naging ambag ng mga palengke sa lipunang Pilipino bilang pangunahing dahilan nang pag-usbong ng mga kabihasnan at bayan. Sa pag-aaral na isinagawa, patutunayan nang mananaliksik na maraming maaaring matutunan at matutuklasan tungkol sa palengke. Bukod sa historikal na gampanin nito, nagsisilbi rin itong political space at public-sphere para sa mga indibidwal na nagtutungo rito.
Mula sa mga interaksyon ng mga indibidwal sa loob ng palengke; bendor sa bendor, mamimili sa bendor, at bendor sa mga landlord, naipaliwanag kung ano at paano umiiral ang tawaran ng kapangyarihan sa loob ng palengke at kung paano ito nagdudulot ng politikal na ugnayan sa mga indibidwal na sakop nito. Tinalakay din kung paano nakatutulong ang mga politikal na ugnayang ito sa komersyo at serbisyo na idinudulot ng palengke sa komunidad. Naging malaking tulong sa pag-aaral ang teorya ni Jurgen Habermas upang ipaliwanag nang teoretikal ang mga interaksyon at sa huli, ang realisasyon ay maituturing na public sphere at political space ang mga tradisyunal na palengke sa ating lipunan.
Mahalagang ipreserba ang mga palengke sa ating komunidad, bilang bahagi ng pambansang kamalayan sa ating kultura. Bilang bahagi ng ating lokal na kasaysayan, mas mainam kung maipaparanas o maibabahagi natin ang yamang dulot nito mula sa ekonomiyang aspeto, kultura, politikal, sibika. |
---|