Reimahinasyon ng bagong lipunan: Ang imahen at naratibo ng batas militar sa mga piling pelikula ng mga bagong manlilikha

Siniyasat ng pananaliksik na ito ang mga kontemporanyong pelikula tungkol sa Batas Militar. Ang mga pelikulang ito ay binuo ng mga direktor na ipinanganak sa panahon ng pag-iral ng diktadurya sa bansa. Bunsod ng muling pagbabalik ng pamilya Marcos sa pinakamakapangyarihang posisyon sa bansa, kailang...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Author: Mateo, Christian Philip A.
Format: text
Language:Filipino
Published: Animo Repository 2022
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/etdb_fil/9
https://animorepository.dlsu.edu.ph/cgi/viewcontent.cgi?article=1006&context=etdb_fil
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Language: Filipino
id oai:animorepository.dlsu.edu.ph:etdb_fil-1006
record_format eprints
spelling oai:animorepository.dlsu.edu.ph:etdb_fil-10062023-01-05T01:04:00Z Reimahinasyon ng bagong lipunan: Ang imahen at naratibo ng batas militar sa mga piling pelikula ng mga bagong manlilikha Mateo, Christian Philip A. Siniyasat ng pananaliksik na ito ang mga kontemporanyong pelikula tungkol sa Batas Militar. Ang mga pelikulang ito ay binuo ng mga direktor na ipinanganak sa panahon ng pag-iral ng diktadurya sa bansa. Bunsod ng muling pagbabalik ng pamilya Marcos sa pinakamakapangyarihang posisyon sa bansa, kailangang magkaroon ng kritikal na kamalayan ang bawat Pilipino upang masigurong hindi malilimutan ng makabagong henerasyon ang pangyayari noong panahon ng Batas Militar. Nais na alamin ng pananaliksik na ito ang paraan ng pagpapakita ng mga bagong manlilikha sa imahen ng lipunang Pilipino sa panahon ng Batas Militar at kung paano nito binasag ang mga mitong lumalaganap sa lipunan sa kasalukuyang panahon. Sinuri ng mananaliksik ang mga pelikulang Aparisyon (2012) ni Isabel Sandoval, Mga Kuwentong Barbero (2013) ni Jun Lana, Bukas Na Lang Sapagkat Gabi Na (2013) ni Jet Leyco, Respeto (2017) ni Treb Montreras II, Liway (2018) ni Kip Oebanda, at ML (2018) ni Benedict Mique. Naging gabay sa pananaliksik ang mga pag-aaral tungkol sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino, mahahalagang sanaysay at datos sa panahon ng Batas Militar, at mga umusbong na sining na ginamit sa mga kilos-protesta laban kay Marcos Sr. Bukod dito, ginamit na lente ng mananaliksik ang pananaw ng Pambansang Alagad ng Sining na si Bienvenido Lumbera sa kaniyang sanaysay na Ang Pelikula sa Lipunang Filipino, Ang Lipunang Filipino sa Pelikula, Ang Tatlong Dimensyon ng Naratibong Pelikula ni David Bordwell, at ang konsepto ng imahen sa aklat na Sining ng Sineng Filipino ng Young Critics Circle. Batay sa mga nakalap na datos sa pananaliksik, binigyan ng bagong bihis ng mga bagong manlilikha ang pagkukuwento ng mga naratibo sa pelikula hinggil sa Batas Militar para sa kasalukuyang henerasyon. Hindi nakakahon sa iisang paraan ang pagpapakita ng korapsyon, karahasan, pananamantala, at pang-aabuso ng pamilya Marcos. Sa halip, gumamit ng iba’t ibang estilo ang mga bagong manlilikhang ito na nakabatay sa kanilang personalidad at karanasan. Matapang ding sinagasa ng mga pelikula ang mga mito at gawa-gawang kuwento na maririnig at mababasa sa kasalukuyan gamit ang mga simbolismo, linya ng mga karakter, at komentaryo sa pelikula. Katulad ng mga pelikula tungkol sa Batas Militar na ipinalabas noong dekada 70 hanggang 2000, mababakas pa rin sa mga kontemporanyong pelikula ang lalim ng sugat na iniwan ng mga Marcos sa isipan at buhay ng mga biktima. Pilit mang baguhin at iayon ang kasaysayan sa kanilang panig, hindi kailanman maaalis ng mga makinaryang ito ang pilat na natamo ng mga nakibaka para sa demokrasya ng Pilipinas. Mga susing salita: pelikulang Pilipino, batas militar, diktaduryang Marcos, imahen ng pelikula, naratibo ng pelikula, fake news, disinformation 2022-12-01T08:00:00Z text application/pdf https://animorepository.dlsu.edu.ph/etdb_fil/9 https://animorepository.dlsu.edu.ph/cgi/viewcontent.cgi?article=1006&context=etdb_fil Filipino Bachelor's Theses Filipino Animo Repository Contemporary, The, in motion pictures Martial law Film and Media Studies
institution De La Salle University
building De La Salle University Library
continent Asia
country Philippines
Philippines
content_provider De La Salle University Library
collection DLSU Institutional Repository
language Filipino
topic Contemporary, The, in motion pictures
Martial law
Film and Media Studies
spellingShingle Contemporary, The, in motion pictures
Martial law
Film and Media Studies
Mateo, Christian Philip A.
Reimahinasyon ng bagong lipunan: Ang imahen at naratibo ng batas militar sa mga piling pelikula ng mga bagong manlilikha
description Siniyasat ng pananaliksik na ito ang mga kontemporanyong pelikula tungkol sa Batas Militar. Ang mga pelikulang ito ay binuo ng mga direktor na ipinanganak sa panahon ng pag-iral ng diktadurya sa bansa. Bunsod ng muling pagbabalik ng pamilya Marcos sa pinakamakapangyarihang posisyon sa bansa, kailangang magkaroon ng kritikal na kamalayan ang bawat Pilipino upang masigurong hindi malilimutan ng makabagong henerasyon ang pangyayari noong panahon ng Batas Militar. Nais na alamin ng pananaliksik na ito ang paraan ng pagpapakita ng mga bagong manlilikha sa imahen ng lipunang Pilipino sa panahon ng Batas Militar at kung paano nito binasag ang mga mitong lumalaganap sa lipunan sa kasalukuyang panahon. Sinuri ng mananaliksik ang mga pelikulang Aparisyon (2012) ni Isabel Sandoval, Mga Kuwentong Barbero (2013) ni Jun Lana, Bukas Na Lang Sapagkat Gabi Na (2013) ni Jet Leyco, Respeto (2017) ni Treb Montreras II, Liway (2018) ni Kip Oebanda, at ML (2018) ni Benedict Mique. Naging gabay sa pananaliksik ang mga pag-aaral tungkol sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino, mahahalagang sanaysay at datos sa panahon ng Batas Militar, at mga umusbong na sining na ginamit sa mga kilos-protesta laban kay Marcos Sr. Bukod dito, ginamit na lente ng mananaliksik ang pananaw ng Pambansang Alagad ng Sining na si Bienvenido Lumbera sa kaniyang sanaysay na Ang Pelikula sa Lipunang Filipino, Ang Lipunang Filipino sa Pelikula, Ang Tatlong Dimensyon ng Naratibong Pelikula ni David Bordwell, at ang konsepto ng imahen sa aklat na Sining ng Sineng Filipino ng Young Critics Circle. Batay sa mga nakalap na datos sa pananaliksik, binigyan ng bagong bihis ng mga bagong manlilikha ang pagkukuwento ng mga naratibo sa pelikula hinggil sa Batas Militar para sa kasalukuyang henerasyon. Hindi nakakahon sa iisang paraan ang pagpapakita ng korapsyon, karahasan, pananamantala, at pang-aabuso ng pamilya Marcos. Sa halip, gumamit ng iba’t ibang estilo ang mga bagong manlilikhang ito na nakabatay sa kanilang personalidad at karanasan. Matapang ding sinagasa ng mga pelikula ang mga mito at gawa-gawang kuwento na maririnig at mababasa sa kasalukuyan gamit ang mga simbolismo, linya ng mga karakter, at komentaryo sa pelikula. Katulad ng mga pelikula tungkol sa Batas Militar na ipinalabas noong dekada 70 hanggang 2000, mababakas pa rin sa mga kontemporanyong pelikula ang lalim ng sugat na iniwan ng mga Marcos sa isipan at buhay ng mga biktima. Pilit mang baguhin at iayon ang kasaysayan sa kanilang panig, hindi kailanman maaalis ng mga makinaryang ito ang pilat na natamo ng mga nakibaka para sa demokrasya ng Pilipinas. Mga susing salita: pelikulang Pilipino, batas militar, diktaduryang Marcos, imahen ng pelikula, naratibo ng pelikula, fake news, disinformation
format text
author Mateo, Christian Philip A.
author_facet Mateo, Christian Philip A.
author_sort Mateo, Christian Philip A.
title Reimahinasyon ng bagong lipunan: Ang imahen at naratibo ng batas militar sa mga piling pelikula ng mga bagong manlilikha
title_short Reimahinasyon ng bagong lipunan: Ang imahen at naratibo ng batas militar sa mga piling pelikula ng mga bagong manlilikha
title_full Reimahinasyon ng bagong lipunan: Ang imahen at naratibo ng batas militar sa mga piling pelikula ng mga bagong manlilikha
title_fullStr Reimahinasyon ng bagong lipunan: Ang imahen at naratibo ng batas militar sa mga piling pelikula ng mga bagong manlilikha
title_full_unstemmed Reimahinasyon ng bagong lipunan: Ang imahen at naratibo ng batas militar sa mga piling pelikula ng mga bagong manlilikha
title_sort reimahinasyon ng bagong lipunan: ang imahen at naratibo ng batas militar sa mga piling pelikula ng mga bagong manlilikha
publisher Animo Repository
publishDate 2022
url https://animorepository.dlsu.edu.ph/etdb_fil/9
https://animorepository.dlsu.edu.ph/cgi/viewcontent.cgi?article=1006&context=etdb_fil
_version_ 1754713699107471360