IlaLaban Pilipinas: Sosyokultural na pagsusuri sa pook ng proximal na pag-unlad ng mga pambansang atleta bilang kinatawan ng bansa

Ika-26 ng Hulyo taong 2021, nang makamit ni Hidilyn Diaz ang kauna-unahang gintong medalya ng Pilipinas sa Olympics. Nung Enero 2022 naman, naging kwalipikado ang Philippine Women’s Football Team para sa 2023 FIFA Women’s World Cup. Setyembre 2022 nung nasungkit ni EJ Obiena ang gintong medalya sa B...

Full description

Saved in:
Bibliographic Details
Main Author: Villarete, Sofia M.
Format: text
Language:Filipino
Published: Animo Repository 2022
Subjects:
Online Access:https://animorepository.dlsu.edu.ph/etdb_fil/7
https://animorepository.dlsu.edu.ph/cgi/viewcontent.cgi?article=1009&context=etdb_fil
Tags: Add Tag
No Tags, Be the first to tag this record!
Institution: De La Salle University
Language: Filipino
Description
Summary:Ika-26 ng Hulyo taong 2021, nang makamit ni Hidilyn Diaz ang kauna-unahang gintong medalya ng Pilipinas sa Olympics. Nung Enero 2022 naman, naging kwalipikado ang Philippine Women’s Football Team para sa 2023 FIFA Women’s World Cup. Setyembre 2022 nung nasungkit ni EJ Obiena ang gintong medalya sa Brussels Diamond League kung saan natalo niya si Mondo Duplantis na kasalukuyang Top 1 sa pandaigdigang ranggo. Nitong Disyembre 2022 lumaban ang RP Blu Boys sa WBSC Men Softball World Cup kung saan nagtapos sila sa Top 10. Subalit madalas ang mga katagumpayan lang ang nakikita ng mga tao, sa likod ng mga katagumpayan na ito ang pagod, luha, ilang panahong pagsusumikap at pakikipaglaban. Bunsod ng magandang pagganap ng mga atleta, unti-unti ng nagkakaroon ng plataporma ang ilang mga atleta para magsalita tungkol sa danas ng mga atletang Pilipino subalit marami pang kwento ang hindi nakikita at napakikinggan. Kaya sa pag-aaral na ito, nais ng mananaliksik maglaan ng espasyo upang mapag-usapan ang danas ng mga pambansang atleta. Sa pamamagitan ng konseptong Zone of Proximal Development mula sa teoryang sosyokultural ni Lev Vygotsky, tinalakay ang mga usapin ng mental at pisikal na kasanayan, malayang komunikasyon at pagkatuto at ang kabuuang lakbayin upang maabot ang pinakamataas na potensyal ng mga atleta. Naging batayan sa talakay ang pangunahing suliranin na: Paano naaapektuhan ng kultural na kapaligiran at mga panlipunang pagbabago ang paghubog ng mainam na espasyo ng pagkatuto para sa isang pambansang atleta? at tatlong tiyak na suliranin na: (1) Ano ang papel ng coaching team sa mental at pisikal na katatagan ng mga pambansang atleta? (2) Bakit mahalagang mapanatili ang malayang pagkatuto at mainam na komunikasyon sa pagitan ng atleta at mga nakapalibot na tao? (3) Paano nakaaapekto ang mga panlabas na impluwensiya sa pagsasanay ng isang atleta para maabot ang pinakamataas nilang potensyal? Upang masagot ang mga suliraning pananaliksik, kumapanayam ng isang playing head coach, dalawang strength and conditioning coach, isang softball/baseball player, isang football player, isang weightlifer, isang rower, isang gymnast at isang atleta ng athletics. Ito ang binigyang-tuon na mga sport at danas sapagkat nakita na nitong mga nakaraang taon ay naging maganda ang pagganap nila kahit na maraming restriksyon at pagsubok lalo pa nitong pandemya. Bunsod nito, ang naging sentro ng pag-aaral ay ang mga atleta mismo. Sinuri ang kanilang mga kwento sa pamamagitan ng tematikong paraan ng pagsusuri (Thematic Analysis) ng mga datos. Mula sa pakikipanayam at pakikipagkuwentuhan sa mga atleta, makikitang walang isang tahak para maabot ang kanilng pinakamataas na potensyal subalit hindi ganoon kadali para hilingin ng mga tao na maging maganda ang kanilang pagganap kung hindi naman mainam ang mga espasyo ng pagkatuto ng mga atleta. Upang maabot ang pinakamataas na potensyal ng mga atleta maraming aspekto ang kinakailangan isaalang-alang mula sa coach, tools, kapaligiran, oportunidad at higit sa lahat ang pagkakaroon ng holistikong pag-unlad. Malaki ang potensyal ng mga atletang Pilipino at kahit na napakaraming pagsubok ang kinakailangan nilang harapin para makapag-uwi ng mga medalya sa bansa ay pilit pa rin silang lumalaban. Subalit hindi nakababawas ng galing ng atleta kung papakitaan sila ng suporta at pagmalasakit. Mahalaga ang pagbuo ng mas mainam at inklusibong espasyo para sa mga kasalukuyang atleta at sa susunod pang henerasyon ng mga atleta. Mahalaga na sila’y mapakinggan, maunawaan at suportahan. Mga Susing Salita: Pambansang Atleta, coach, pag-unlad, potensyal, kultura